Habang nakahiga at nakatanaw sa kisame ng kwaro ko ay napapaisip ako ng mariin. Halos mabingi ako sa mga katagang nasabi niya kanina.
*FLASHBACK*
"HAH?! Sino 'yun? Kailan pa? Bat ngayon mo lang sinabi sakin?" sunod-sunod kong tanong
"Ayaw ko muna sana siyang ipakilala eh. Tsaka Nica, ano kasi. 'Yung friendship natin? Ngayong magkaka Girlfriend na ako, siguro hindi na dapat ito tulad ng dati na makikita 'yung sweetness. Kasi alam mo naman na baka ma misinterpret niya 'to"
"Seryoso ka talaga d'yan? Ipagpapalit mo 'yung friendship natin doon?"
"Alam mo namang mahalaga parin 'yung friendship natin pero diba? Mas importante parin 'yung relationship? Kung mas makakabuti pa, siguro layuan nalang muna natin ang isa't isa"
Pagkabitaw niya ng mga katagang 'yun ay pumatak ang mga luha ko ay maya-maya pa ay bumuhos ng ulan mula sa kalangitan.
*END OF FLASHBACK*
Umuwi ako ng mag-isa kanina. At alam niyo ba? Hindi man lang niya ako hinabol or kung ano man. Hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagpatak ang luha ko.
"NAKAKAINISSS KA ZAAAAACK!" sigaw ko niyakap ang unan ko
Bakit ganun? Bakit ang daya? Magkaka relasyon lang? Itatapon na agad 'yung friendship? Aba matindi! Ang sakit! Ilang taon kaming mag-kaibigan pero isusuko nya nalang lahat para sa isang babae? Anong klaseng kaibigan sya? Pinunasan ko nalang ang luha ko pero ayaw parin nitong tumigil sa pagpatak.
Tumayo ako at kinuha 'yung mga picture frame na may mga picture namin sa may side-table ko. Pati narin 'yung mga pictures namin na nakadikit sa pader. Pinag-masdan ko lang 'to habang patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko.
"Ang daya mo naman eh! Bakit ganyan ka?" tanong ko na lamang sa mga litraro naming dalawa
"Siguro nga na dapat matuto at masanay na akong mag-isa," sabi ko na lang sa sarili ko
Tumayo akong muli at kinuha ko ang isang kahon sa may cabinet ko. Ito 'yung kahon na pinaglalagyan ko ng mga gifts niya sakin. Nilagay kong lahat 'yung pictures namin sa kahon at binalik sa cabinet.
Bumalik ako sa higaan ko at maya-maya pa ay biglang nag vibrate ang Cellphone ko. Tinignan ko ito at may unknown number na nag message sakin.
From: 0912*******
*Ayos kalang ba? Baka gusto mo ng makakausap*
Ha? Sino naman kaya to? Umupo ako at pinunasan ko ang mga luha ko.
*Who you? Do I know you?* I replied
Ilang segundo lang ang lumipas ay nag vibrate ulit ang phone ko.
*I am one of your classmate, Zedrick Mercado? Remeber?*
Ha? Si Zedrick? Seriously? Ohmyyyy! Wait, kenekeleg eke! Alam niyo ba 'yung feeling o mukha na naiiyak ka na kinikilig? Hahaha! Ang pangit potek!
*Uhmmm! Oo, seatmate kita. Bakit ka pala napatext at t'yaka saan mo nakuha ang number ko* I replied again
*Secret. It's not important anyway. I just want to know if you are okay? I know na nakakaramdam ka ng sakit ngayon* he replied back
Yieeeh! Kenekemeste neye eke! Hihihi! Pero paano naman kaya nalaman na may problema ako ngayon?
*Thanks for your care but how do you know that I'm in-pain right now?* I replied back
*Sabihin na nating nasa isang puno ako na malapit sa punong pinag papahingaan niyo at hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag-uusapan niyo* paliwanag niya
Ahhh! So nasa kabilang puno pala siya! Sheeeet! Nakakahiyaaaaa! Nireplyan ko lang siya at sinabi ko lahat sa kanya 'yung mga nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/188414711-288-k472801.jpg)
YOU ARE READING
BESTFRIENDS
Romance"Because of you, I laugh a little harder , I cry a little mess, and smile a lot more" ©