Third person's Point of View
"Tama kaya 'tong gagawin ko?"
Yan ang katanungan na gumugulo sa isip ni Zack. 'Di niya alam kong tama bang iwan niya si Nica dahil 'di niya kayang magmahal ng iba. Nagkaroon ng utak ang pamilya ni Zack sa isa pang mayamang pamya. Walang sapat na pambayad ang pamilya ni Zack sa states kaya ipambabayad nila ang lahat ng ari-arian nila sa Pilipinas. Pero may isa pang paraan upang mabayaran ang kanilang utang. At 'yun ay ang ipagkakasundo nila ang kanilang anak na babae kay Zack dahil 'yun ang kanila tradisyon at kultura. Nakay Zack nalang ang desisyon kung papayag ba siyang iwan ang buhay niya sa Pinas o ang makulong sa isang relasyon na hindi naman niya gusto.
Sinubukan ni Zack na matali sa relasyon na 'yun pero hindi niya kaya. Sobrang mahal niya si Nica kaya mas pipiliin nalang muna nyang iwan ng pansamantala si Nica. Nasa rooftop siya ngayon ng kanilang Unibersidad. Dito sila unang nagkakilala ni Nica, kaya napaka mahalaga para sa kanya ang lugar na ito.
Tumingin siya sa relo niya at ala-sais na ng gabi. Isang oras nalang ay Flight na nya. Pumatak ang luha niya dahil 'di nya kayang iwan si Nica pero 'yun ang nararapat. Binaling niya ang kanyang paningin mula sa ibaba at tinanaw ang magandang tanawin. Maganda rito tuwing gabi dahil sa tahimik at makikita mo ang mga ilaw ng sasakyan habang binabagtas ang daanan.
Humiga siya habang pumapatak ang kanyang mga luhat. Dumungaw siya sa kalangitan at tinanaw ang mga bituwin na tila nagnining-ning. Madalas silang magpunta rito ni Nica tuwing may mga problema sila dahil tunay ngang nakakagaan ng pakiramdam ang mga bituwin sa kalangitang madilim.
"Sana..sana maging masaya ako sa gagawin ko. Paalam Nica!"
End of Point of View

YOU ARE READING
BESTFRIENDS
Romance"Because of you, I laugh a little harder , I cry a little mess, and smile a lot more" ©