EPILOGUE

23 1 0
                                    


Nakakatawa at napaka komplekado ng kwento namin no? 'Yung mga pangyayari at bagay-bagay na akala ko, sa mga telenobela at mga kwento lang nangyayari. Pero pwede rin palang mangyari sa totoong buhay. 


Tumigin ako sa kalangitan at napangiti. Ang bilis pala talagang lumipas ng panahon no? Mahigit isang taon nadin mula ng mangako sa'kin si Zack na babalikan niya ako.

 Kamusta na kaya siya? Babalikan pa kaya niya ako? Tutuparin kaya niya lahat ng mga pinangako niya? 'Yan ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Napabuntong hininga na lamang ako sa pagdaan ng isang ereplano. 


"ZAAACCCCK! TUTUPARIN MO PA BA ANG MGA PANGAKO MOOOO?!" sigaw ko sa hangin at umaasang dadalhin nila ito patungo sa kanya


 "Oo naman! Pangako 'yun eh!" sagot ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran 


Humarap ako sa aking likuran at napangiti sa aking nasilayan. 



[THE END]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now