Nica's Point of View
*KRING! KRING! KRINGGGG!*
"GOOD MORRRRNIIIIINGGGGG" sigaw ko at dali daling inayos ang pinag higaan ko
Siguro nagtataka kayo kung bakit parang excited ako? Ano kasi ih. Anoo. Hahaha. First day of school kasi ngayon kaya super hyper ko. Ewan ko ba kung bakit pero kayo ba? Na eexcite ba kayo pag first day of school?
[TIME CHECK]
(05:30am)"Ang aga pa pala" bulong ko sa sarili ko
Pero ayos lang yan, mas maaga mas maganda Ha Ha Ha.
Kaya dali-dali kong tinahak ang daan pababa upang tignan kung nakapag luto naba yong kasambahay namin.
"Good Morning po!" I greet her with a big smile
"Good Morning din Nica! Mukhang ang laki ng ngiti natin d'yan ah? T'yaka baka parang ang aga mo naman atang nagising?"
"Siyempre naman po. Bawal malate sa first day of school"
"Ahhhh, kaya pala eh. Sige na, pumunta kana doon sa mesa at ihahanda ko na ang pagkain mo"
"Sige po!" maikli kong saad at nag tungo na sa silid-kainan
Dahan-dahan niyang nilapag sa mesa ang pagkain ko at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Siyempre, binigyan ko rin siya ng ngiti at pumikit ng mariin upang manalangin. Pagkatapos na manalangin ay mabilis akong kumain. Hihihi! Kailangan bilisan para hindi ma late.
Naging mabilis ang aking pagkilos hanggang sa matapos akong kumain, maligo at magbihis. Oh diba? Ang bilis ko? Actually anak talaga ako ni THE FLASH. Siyempre bir lang. Pero wag kayong maingay hah? Ako talaga yong Alien ni Ben 10, yong butiking mabilis tumakbo? Di niyo kilala? Bahala kayo dyan.
"Ya? Where's Kuya Kaloy?" tanong ko
"Nasa garahe na ata siya. Hinahanda na 'yung sasakyan. Dalian mo na, baka mahuli ka sa klase. Sige ka,"
"Sige po!" sagot ko at nagmadali na patungo sa Garahe
By the way high way, Kuya Kaloy is our private Driver.
"Kuya Kaloy? Pwede niyo na po ba akong ihatid?"
"Oo naman. Sige sakay kana,"
Binuksan niya ang sasakyan kaya pumasok na ako at pagkatapos nun ay pinaandar naman na niya 'yung sasakyan. Habang nasa daan kami ay tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa bintana.
"Magiging masaya kaya ang school life ko this year?" tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw lang sa daan
Anyways, nais ko lang malaman kong gusto niyo ba akong makilala? Kanina pa kasi ako nag dadada dito. Pero di niyo pa ako kilala. I am Nica Cruz, Turning 18 on December, and I am Grade 12 student na ngayon. Simple lang naman ang pamumuhay namin. Hindi naman kami ganun kayaman kahit may sarili akong Yaya at private Driver.
Kung about naman sa family, feeling ko hindi ganun kasaya. Hihihi. Yong daddy ko? ewan, 18 years of existing pero never ko pa siyang nakilala or nakita man lang. My Mom said that he left us noong nasa sinapupunan palang niya ako. Si Mommy naman ay manager sa isang kilalang kompanya. So what do you expect? As usual, lagi siyang busy. Ni hindi nga lang niya ako makamust eh. Ang lungkot ng buhay ko no? Minsan nga gusto ko ng sumulat sa MMK o sa Magpakailanmam eh. Hahaha!
So let's back to reality. Nakakainissssssssss! Napaka traffic kasi eh. Grrrrrrr!
*Inhale*
*Exhale*"Kalma self, don't let this traffic ruined our first day! Positive lang. Bwahahahahaha!" sabi ko at tinawanan lang ako ni Kuya Kaloy
Matapos ang ilang minuto nakalusot na rin kami sa traffic. I checked my phone and I saw na 6:40 na pala.
"Kuyaaa Kaloooooy! Pakibilisan naman pooooo. Malalate na kasi ako eh. Pleaaaaase!"
Tumango nalang si Kuya Kaloy at binilisan na niya ang pagmamaneho at ramdam ko 'yun. Hahaha!
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa University na pinanasukan ko. Dali-dali akong bumaba at kasabay noon ang pagtunong ng Bell.
"Kuyaa! Papasok na po ako hah? Salamat po sa pag hatid. Ingat po kayo," saad ko sabay takbo papasok

YOU ARE READING
BESTFRIENDS
Roman d'amour"Because of you, I laugh a little harder , I cry a little mess, and smile a lot more" ©