CHAPTER SEVEN

15 1 0
                                        

Nica's Point of View



"Nasan kana ba Zack!" 


Pumunta na ako sa kanila kanina pero sabi nang mga maids nila na wala na siya dun at nasa airport na siya. Kaya pumunta ako sa airport at nakita ko 'yung driver nila at sabi niya na umalis daw saglit si Zack. Mamayang 7p.m. na ang flight niya at ngayo'y 6 p.m na.  Hinanap ko na siya sa lahat ng pwede niyang puntahan pero wala sya.


 "Zaaack! Nasan kana ba kasi?" nanghinang sabi ko .


Umupo ako sa bench at yumuko habang umiiyak ng biglang may pumasok na lugar sa utak ko.


 "Tama! Sa rooftop ng university!" sabi ko at agad na tumayo 


'Di na ako nagsayang ng panahon at tumakbo na agad ako sa University na pinapasukan namin.



 [FASTFORWARD] 

*UNIVERSITY*



 Tumakbo na agad ako papunta sa rooftop. 


Malapit na..


 Malapit na..


 Please Lord! Sana naman nandito siya. Binuksan ko na agad ang pintuan ng rooftop at naiyak ako ng makita sya. Nakatayo siya at tinignan ang mga bituwin. 'Di pa niya ako napapansin dahil nakatalikod siya kaya lumapit na ko sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. 


"Please Zack! Nagmamakaawa ako! Wag mo naman akong iwan," bulong na sabi ko sa kanya at bumuhos ng muli ang luha ko 


Humarap siya at nagulat ng makita niya ako. 


"NI-Nica?! Teka! Anong ginagawa mo rito?" gulat niyang tanong 


Di ko siya sinagot at mas pinili ko nalang na yumakap sa kanya.


 "Zac, sana makinig ka sakin. Gusto kita Zack! Hindi ko alam kung pano pero sa bawat araw na nakakasama kita dati ay unti-unti na akong napamahal sa'yo. Dahil sayo kaya gusto ko pang mabuhay sa mundong 'to! Mahal na mahal kita Zack!" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit 


"Ngayong alam ko ng mahal mo na nga rin ako. Nais ko na malaman mong ganun din ang nararamdaman ko para sa'yo Nica pero natatakot akong masira 'yung friendship natin, pero sa ginawa ko ay nasira din ito!" sabi nya at umiyak narin siya


 "Paano natin malalaman kung tayo talaga kung di naman natin susubukan? Sa mundong ito, May mga bagay na dapat nating isakrepisyo para malaman natin ang kalalabasan!" 


"Oo alam ko! Pero Nica, 'di pa ito ang oras para sa'tin. Marami pang mga bagay na ayusin at dapat na itama" mahinang sabi niya 


"Ano? Iiwan mo 'ko? 'Diba sabi natin dati na walang iwanan? Pero bakit iiwan mo parin ako?" inis na tanong ko habang umiiyak 


Yumuko siya habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha mula sa'ming mga mata


 "Sorry Nica! Ito talaga ang dapat kong gawin eh,"


"PERO BAKIT NGA? KAILANGAN KO NG DAHILAN? BAKIT KAILANGAN MO AKONG IWAN AT SAKTAN NG GANITO!" sigaw ko at pinag susuntok siya sa dibdib


 Niyakap niya ako ng mahigpit ang humagulgol na ako sa pag-iyak. Ang sakit! Nawawalan na ako ng lakas, sobrang pagod na ang buo kong katawan sa mga sakit na nararamdaman.


"Nica! Makinig ka, may mga sapat akong dahilan kung bakit ko 'to gagawin. Pero sa ngayon, napaka komplekado pa ng lahat kaya di ko muna pwedeng sabihin sa'yo. Pero pangako! Pangako! Sa pagbalik ko maiintindihan mo 'din ang lahat. Mahal na Mahal kitaa!" sabi niya at patuloy padin kaming magkayakap sa ilalim ng madilim na kalangitan 


"Pero!" 'yan na lamang ang lumabas sa bibig ko at patuloy paring umiyak 


"Don't cry my girl, 'wag kang mag alala babalik ako, babalikan kita! Malay natin sa pagbalik ko, ay ikaw na 'yung makakasama ko sa pag tanda" nakangiti niyang sabi at pinunasan nya ang mga luha ko


 "Pero baka 'di ka na bumalik eh! T'yaka baka magtagal ka dun! Sobrang mamimiss kita!"


 "Babalik ako! Pangako! Pwede bang di ko babalikan 'yung babaeng pinakamamahal ko?" 


"Babalikan mo ko ha?" sabi ko at pinilit na wag umiyak


 "Oo naman! Pangako! Isa o dalawang taon lang naman ako dun eh," 


"Promise?!"


 "PROMISE!" 


"I LOVE YOU!" 


"I LOVE YOU TOO!"


I hug him so tight and he kiss me


"Good Bye My Love!" he said 


Then he left me...


End of Nica's Point of View

BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now