Chapter 2

23 0 0
                                    

"Yaya Mila asan si kuya?" Tanong ko kay yaya habang nagkukusot ng mata. Kagigising ko lang at pagkain agad ang una kong hinahanap kaya dumeretso agad ako sa kusina.

"May pinuntahan.. pero babalik din daw agad.. teka ang aga mo namang nagising?" Tanong ni yaya kahit 9:00 na ng umaga.. oo Every Vacation kasi 10:00 ang gising ko.

"Gutom na ako yaya, mauna na akong kumain kay kuya.." sabi ko, kaya agad na naghain si Yaya. Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa kwarto. Bibisitahin ko yung Group ng EiramUniversity.

Gaya ng kahapon, trending pa din ang post na 'Excited na ako sa Pasukan'. Try ko ngang maki-Uso..

PASUKAN is Love ♥

Tapos pinost ko na. Nag'log-out muna ako para manoud ng Twilight sa Youtube. Nasa kalagitnaang part na ako ng Twilight ng makaramdam ako ng pagkauhaw kaya pinause ko muna yun tapos tumakbo agad ako papuntang kusina, wala na si yaya siguro nasa garden na sya. Ako na nga lang magtitimpla ng Juice ko. Pagbukas ko ng Ref, isang pagkain ang nakaagaw ng pansin ko..

"Waaa.. ang laking Chocolate Bar.." halos pabulong kong sabi. Dalawang chocolatebar, okay lang siguro kung kukunin ko na yung isa. Kaya di na ako nagpaligoy ligoy pa kinuha ko na agad yung Chocolate Bar tapos nagsalin na din ako ng tubig sa baso, tsaka ako bumalik sa kwarto ko..

Natapos ko ang episode ng Twilight ng masaya, ang ganda talaga ng Twilight. Kahit magkaiba sila ng mundong ginagalawan, nanaig pa din ang pagmamahalan nila. Kaya sa huli walang nakapigil sa pagmamahalan nila.. Tsaka Ang sarap nung chocolate bar, saan kaya nabili ni kuya yun? Matanong nga mamaya. Nagsearch pa ako sa youtube at nanoud gaya ng Gintama, hitman Reborn, Bleach, Slam Dunk at madami pang iba.

*****
"Yaaa.. Dinner na *yawn* "sabi ko sabay unat-unat dahil halos 3hours din akong nakaupo at nanonoud sa youtube. Inaantok na ako. Makakain na nga ng makatulog na..

Pagdating ko sa kusina nagulat ako dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa.

"Yaya anong meron?" Tanong ko habang dumudukit sa adobong manok. Sarap!

"May bisita si Kuya mo.. di mo alam?" Tanong ni yaya habang nagtitimpla ng Juice. At dahil gutom na ako, agad akong umupo at nagsandok ng kanin. Halos lahat ng ulam nilagay ko sa plato ko.. wooo! Heaven!

"Oh kely, para kang hindi kumain ng isang taon.. maubos mo ba yan?" Tanong ni kuya na kararating lang..

"Oo naman kuya.." tapos nagsimula na akong kumain, God! Mabilis akong tataba dahil sa sarap ng luto ni Yaya Mila, kaya di na ako magtataka kung bakit ayaw syang tanggalin ni Kuya. Di ko na narinig yung mga sinasabi ni kuya dahil busy na ako sa pagkain.. maya-maya..

"Kapatid mo?" may narinig akong ganyan pero di ko pinansin, hanggang sa may narinig na akong mga tawa.. nilunok ko muna yung laman ng bibig ko tsaka ako nagsalita.

"Pwede ba kuya wag mo akong pa--- IKAW!!?" natahimik si kuya at yaya sa pagtatawa. bakit ba! Sino bang di mapapasigaw kung yung nagsabi sayo ng 'Ang dakdak mo, nakakairita ka' eh nasa loob ng pamamahay mo!

"Hoy! Kely! Bat ka sumisigaw?" Tanong ni kuya.

"Tanong mo dyan sa katabi mo!" sabi ko sabay walkout pero agad din akong bumalik.. "nakalimutan ko yung pagkain ko!!" dagdag ko, pagkakuha ko nung plato ko tinignan ko muna ng masama yung lalaking bwisit! bago ako tumakbo paalis ng kusina.

Pagdating ko sa kwarto ko agad kong nilantakan yung pagkain ko. Ano kayang ginagawa nun dito? Barkada ba sya ni kuya? Sana bukas wala na sya dito! Ang init ng dugo ko dun, Napakayabang kasi! Wala namang taste sa babae!

"Kely tawag ka ng kuya mo.." maya-maya rinig kong sabi ni yaya kasabay ng pagkatok.

"Ayoko yaya!" sabi ko.. mabuti naman at naintindihan ako ni yaya kaya umalis na sya.. patuloy lang ako sa pagkain ng may kumatok ulit, mas malakas..

"Kely! Lumabas ka dyan! Bumalik ka sa kusina!" sabi ni kuya.

"Bakit ba?!" sigaw ko.

"Sabay tayong kakainin nila Harold! Lumabas ka dyan!" Sagot ni kuya. Tignan mo! Kapal ng mukha nung lalaking yun! Dito pa talaga makikikain?

"Ayoko nga!! Sino ba yun!" Sigaw ko..

"Kely lumabas kana.. kahapon lang tayo nagbati tas pinapasama mo na naman ang loob ni kuya.." seryosong sabi ni kuya. Yan! Kuya! Mag inarte kapa!

"Oo na! Oo na! Lalabas na nga eh!" Sabi ko sabay padabog na binuksan yung pinto.. Mas lalong nag init ang ulo ko ng makita kong kasama ni kuya ung lalaking bwisit!

"Sabi ko sayo mabait tong kapatid ko eh.. tara na sa kusina.." sabi ni kuya sabay akbay sakin. Habang naglalakad kami pababa ng hagdan panay ang irap ko sa lalaking bwisit. Panay kasi ang tingin nya sakin eh!

"Kamusta na pala yung motor mo bro? Nasa parking lot pa din ba ng Mall? Naku baka nakawin yun.." biglang sabi ni kuya kaya napatingin ako sa ibang direksyon. Patay ako kay kuya pag nalaman nyang ako ang dahilan kung bakit nandun pa ung motor.

"Siguro.. Yung SUSI nga ninakaw, motor pa kaya.." Rinig kong sabi nung nakakabwisit na lalaki. Akala nya siguro di ko napansin ung pagkakadiin nya sa word na Susi.. pero! Leche! Ninakaw ko daw susi nya!?

"Ha? Pati susi ninakaw? Anak ng! Sure ako kaya susi ang kinuha nun dahil pag wala ka na, babalakin nya na yung motor mo tapos itatakbo na n--" bago pa matapos ni kuya ang sinasabi nya kinurot ko na sya agad sa tagiliran "Kely! Bat kaba nangungurot?" Sabi nya habang hinihimas ung kinurot ko.

"May langgam kuya eh kaya kinurot ko, di ko sinasadyang isama ung laman mo!" Sabi ko sabay walk out! Grabe si kuya! Salita Pa more -_-

At gaya nga ng sinabi ni kuya, sabay sabay kaming kumain, naku! Kung wala lang talaga si kuya babatuhin ko ng kutsilyo tong kasama nya. Hanggang ssa pagkain kasi ang sama nya makatingin eh. Muntanga! Kakainis!

Hanggang sa pagtulog naiinis ako dahil tabi lang ng kwarto ko ang tutulugan ng bwisit na yun! Oo! Kapal to the Max nya no? Nakikain na nga nakitulog pa.. saang lupalop ba ng lansangan yun nakilala ni kuya! Bwisit!

-------

Follow me on:

IG: Laizanmarie

FB: Laizan Marie Alegrid

Enjoy Reading .. :)

Haunted Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon