Tatlong araw na ang nakalipas simula nung sabihin ni kuya na 1month na titira dito si Harey (Harry), tatlong araw ko na din syang kinukumbinsi na pauwiin na yun. Pero ang daming dahilan ni kuya.. Alam ko na din ang pangalan ng asungot na yun pati na din ang estado nya sa buhay. Siya si Harold Gray Frisky pero Harey ang tawag ko sa kanya dahil masyadong badoy yung pangalan nya, anak ng may ari ng Frisky ChocoBar Factory, ang pinakamahal at pinakamasarap na chocolate sa boung mundo. Umalis sya sa bahay nila dahil lagi nalang daw syang pinapagalitan ng Daddy nya dahil lagi syang nasasangkot sa mga gulo. Yan ang sabi ni kuya.. di ko nga alam kung maniniwala ako eh. Kung talagang mayaman sya, bat kailangan nya pang makitira samin? Pwede namang magdorm..
"Ready kana ba bukas kely?" Tanong ni kuya ng nasa hapag kami at kumakain ng Tanghalian. Oo nga pala't pasukan na bukas.
"Oo kuya.." tipid kong sabi. Ready na nga ba talaga ako? Paano kung may magtanong sakin kung asan na si Arvie? Sasabihin ko ba ang totoo?
"Sigurado kang kaya mo ng pumasok ng wala si A---"
"Kuya okay na ako.." sabi ko sabay tayo. "Pupunta muna ako sa kwarto ko para mag ayos ng gamit ko.." tsaka ako lumakad palabas ng kusina deretso sa kwarto ko.
Ngayon ko lang naisip na kailangan kong paghandaan ang mga maaaring itanong ng mga schoolmates namin. Alam kasi ng halos lahat sa EU na kami ni Arvie.. Anong sasabihin ko? sasabihin ko ba na lumipat lang si arvie ng school.. o sasabihin kong iniwan nya ako at kinalimutan na.. Bahala na. Bahala na kung ano ang maiisip kong sagot oras na may magtanong sakin kung asan na si Arvie.
Habang nag-aayos ako ng mga notebooks ko, biglang may nagring. Akala ko sakin pero hindi naman ganun yung ringtone ko, dahil curious ako hinanap ko kung saan galing yung kanta.. ang ganda nung kanta.. Pumasok ako sa kwarto nung kasama ni kuya pero syempre sinara ko yung pinto. Sabi na nga ba dito galing eh, nasa kama yung phone at tuloy tuloy lang ang pagriring. Pagtingin ko sa screen number lang ang nakarehistro.. sasagutin ko na sana pero nakarinig ako ng yabag kaya agad akong nagtago sa ilalim ng kama. Buti nalang at sumasayad yung bedsheet sa lapag kaya hindi nya ako makikita.
"kumuha kapa ng mas madaming tauhan para mas mapabilis ang paghahanap nyo sa kanya.. tataasan ko ang bayad basta siguraduhin nyong mahahanap nyo sya.." galit na sabi nya. May narinig akong parang hinagis na bagay. Tapos mga yabag, pagbukas ng bag, tapos katahimikan. "Apat na buwan palang.. imposibleng makalimutan mo ako sa loob ng apat na buwan lang.." mahinang sabi nya. Lumabas ako ng dahan dahan sa kama pero syempre dun sa kabilang side para di nya ako makita.
Nakatalikod sya, habang may hawak na litrato.. litrato nya habang may kasamang magandang babae. Mukhang ang saya nila dun ah. Kaano ano nya kaya yung babae? Tsaka para syang may pinagdadaanan. Nagtago ulit ako ng magbukas ang pinto, siguro si kuya yun..
"Bro tara sa hide-out.. may pag-uusapan tayo nila Drake.." seryosong sabi ni kuya. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Harey (Harry) pati na din ang pagsara ng pinto. Hide-out? Ano yun? Si kuya mukhang may sekreto -_-
"Wooo! Ang init grabe!!" Sabi ko paglabas ko sa ilalalim ng kama. Bakit ba nakapatay ang aircon dito. Makalabas na nga. Lumapit ako sa pinto at halos manigas ako sa kinatatayuan ko. y-yung pinto... nakalock O_O waaaaa!! Bat nakalock? Dyosko! Ganun ba sya kaingat sa gamit nya at talagang pati kwarto nilalock! Paano na ako! Paano na kung mahuli nya akong nandito! Waaaa!
Inulit kong ikot ikotin yung doorknob kaso nakalock talaga. Bat kasi ganito tong pinto, may lock na nga sa loob may lock pa sa labas! Nasakto pang Dayoff ni yaya. No choice! Hihintayin ko silang dumating at magtatago ako sa ilalam ng kama.. kainis!
Umupo ako sa kama. Naalala ko na naman yung kanina, yung may kausap si Harey sa phone. Sino yung kausap nya? At sino ba yung pinapahanap nya? napaka'misteryoso nya masyado.. Kinuha ko yung bag nya na nasa kama din lang. Kinalkal ko yung bag nya pero inayos ko din para di halata. Puro damit lang ang laman. Napatingin ako sa likod nung bag. May pouch, pagbukas ko andun yung picture na hawak nya kanina. Sya ba tong lalaki dito? Bat mukha syang inosente dito? Itim ang buhok nya sa picture pero blond ang buhok nya ngayon. Nakangiti sya sa picture nakasimangot sya ngayon. Ang gwapo nya dito.. si girl naman ang ganda nya. Sino kaya yung babae?
Binalik ko yung picture sa pouch tapos binalik ko na yung bagsa dati nitong pwesto. In'on ko ung Aircon at humiga sa kama. Nakakacurious si Harey at yung babaeng nasa picture. *Yawn*
.
.
*Blink Blink.. *Yawn.. O_ONakatulog ako! Anong oras naba? Waaaa! 6:05pm na.. nandyan na ba sila kuya!? Baka nadatnan nila akong tulog waaaa! Pumunta ako sa pinto, waaa bukas na! Nadatnan ba nila ako dito? Baka isipin ni Harey nagnakaw na naman ako sa gamit nya, siraulo pa naman yun! Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, chineck ko ung sala, walang tao kaya dahan dahan akong pumunta sa kusina. Nakampante ako dahil si kuya lang ang nandoon.
"Mabuti gising kana.." nakangiting sabi ni kuya, nagluluto sya sa kusina with matching kanta kanta pa. Good mood? ano ba kasi ung hide out?
"Kuya ano yung Hide-out?" Napahinto siya sa pagkanta at gulat na humarap sakin..
"Saan mo narinig yan?" Tanong ni kuya. Kuya! Halata sa mata mo na may tinatago ka -_-
"Sa kaibigan ko.." sabi ko.. pumunta ako sa Ref at kumuha ng tubig.
"Ah.. Hide-out. Meeting place or tambayan ng mga gang.." pagkasabi nya nun agad kong naibuga yung iniinom ko..
"*Cough.. Cough.." tumakbo si kuya papunta sakin sabay himas sa likod ko.
"Bakit kely?" Tanong ni kuya.. patuloy lang ako sa pag ubo. Hide-out tambayan ng Gang? kuya! May sekreto ka!
Nang mawala na yung pag ubo ko, bumalik na si kuya sa pagluluto.. Habang ako todo bantay sa kinikilos nya. Hindi kaya gangster si kuya? Waaa! Lagot kami kay mommy at daddy pag gangster nga si kuya.. pero di pa naman ako sure, kailangan kong bantayan ang bawat kilos at lakad ni kuya. Pero paano eh pasukan na bukas? Hayss! Asan nga pala si Harey? Ayoko magtanong kay kuya dahil baka kung ano pang isipin nya.
"Bro.." nagulat ako sa biglang pagdating ni Harey.
"Oh bro.. saan ka galing?" Tanong ni kuya..
"Kila Drake. May inasikaso lang.." sabi ni Harey kay kuya. Nagulat ako ng tumingin sya sakin. Napaiwas naman ako ng tingin.. bakit parang kakaiba ang tingin nya ngayon.. bigla akong kinabahan, alam nya kaya na nasa kwarto nya ako kanina?
"Kain na.." nakangiting sabi ni kuya..
Nagsimula na kaming kumain at si kuya lang ang salita ng salit tungkol sa niluto nyang pagkain habang kami ni Harey tahimik lang. Minsan mapapatingin ako sa kanya na sakto namang nakatingin din sya kaya mapapaiwas ako agad. Bakit ganyan sya makatingin? Parang binabasa nya ang iniisip ko. Natapos kaming kumain na nauna akong umalis.
Pagdating ko sa kwarto nakatulog din naman ako agad. Pasukan na bukas.. sana maging okay ang lahat..
BINABASA MO ANG
Haunted Of Love
ChickLitSi Kem Ashly Ferolino ay isang 3rdyear college sa EiramUniversity kung saan sikat sya dahil sya ang nagunguna sa list ng mga babaeng studyante sa EU. Isang tao lang ang nagwasak sa puso nya dahilan para maging Manhid at walang paki sa lalaki, yun ay...