Chapter 10

14 2 0
                                    

"Yaya Asan si Harey?" Tanong ko kay yaya.

"Asa kwarto pa ata nya." Sagot nya. Nagnod lang ako.. nakaP.E Uniform ako at walang dalang bag, kasi friday na. Wala kaming ibang gagawin kundi magP.E or magsaya sa EU. Yun kasi ang ginagawa namin every friday.

"Morning ate mila." Narinig kong bati ni Harey mula sa likuran ko, ngumiti ako sa kanya pero deadma lang sya. Grabe naman to magalit! Parang yun lang eh!  Kumain nalang ako,  nung matapos syang kumain saktong tapos na din ako. Lumabas sya ng bahay habang nakasunod ako.

.

Pagdating namin sa Parking lot ng EU. Inaasahan kong magbibilin sya or may sasabihin pero wala kaya lumabas na ako ng kotse at naglakad na para pumunta sa First subject ko.

"Morning besie ^_^" masayang sabi ni Fatima. Wow! Goodmood ha. Ngumiti lang ako tapos umupo na ako sa upuan ko.. pagdating ni Ma'am Betina, nagbilin lang sya samin na makipagparticipate sa P.E. tapos hinayaan nya na kaming umalis.

"Besie wag na tayong magPE. Doon nalang tayo sa garden.." yaya nya. Syempre pumayag ako dahil wala ako sa mood na magPE.

Pagkarating namin sa Garden, madaming na ding nakatambay. Pumwesto kami dun sa kunti lang ang tao para tahimik. Tapos humiga agad ako dahil wala talaga ako sa mood. Dapat mamaya hintayin ko na talaga siya..Makatulog na nga muna.

.

.
*Yawn.. dahan-dahan akong bumangon. Nakatulog talaga ako? At hindi lang saglit, kundi matagal. 5:00pm na. Saktong uwian..

"Buti gising kana besie!" Nakangiting sabi ni Fatima. Saan kaya to galing.

"Saan ka galing? Tsaka bat di mo ako ginising?" Tanong ko habang naguunat.

"Nakilaro kasi ako ng Volleyball sa Gym.." sabi nya. Tumango nalang ako. Kahit pala gisingin nya ako, di din naman ako sasama sa kanya kasi ayoko sa larong voleyball. "Uwi na tayo.. pagod na ako eh.." dagdag pa nya. Tumango nalang ulit ako tapos

Pagkarating namin sa parking lot pinauna ko ng umuwi si Besie dahil hihintayin ko na talaga si Harey. Lumipas ang isang oras wala pa din si Harey. Naghintay pa din ako.

"Ah ma'am wala pa din ba yung sundo nyo? Isasara na kasi yung gate eh.." sabi nung Security Guard na rumoronda sa school. Tumingin ako sa orasan ko, 7:30 na. Tumango ako sa security guard at lumabas na ng EU. Naglakad nalang ako, siguro may inasikaso ai harey kaya di sya dumating.. or bumabawi lang sya :3

Habang naglalakad ako may humintong kotse sa tabi ko. Alam ko kung kanino to.. lumabas si Rikki sa kotse at dali dali akong hinawakan.

"Bakit ka naglalakad mag-isa sa kalsada? Maggagabi na! Ihahatid na kita!" Medyo galit nyang sabi. Di nalang ako nagsalita dahil wala naman akong masabi.

Pagkarating namin sa bahay, umalis din agad si Rikki. Pumasok ako sa Gate, nadatnan ko si yaya na nasa labas. Nang makita nya ako agad nya akong sinalubong.

"Kely! Bat ngayon ka lang umuwi!?" Nag-aalala nyang tanong. Mula sa labas, nakikita kong bukas ang ilaw ng kwarto ni Harey so it means kanina pa sya umuwe. Great! Just Great!

"Yaya tara muna sa kusina.. gutom na ako, dun ko nalang sasagutin yung tanong mo." Nakangiti kong sabi. Fake smile.

Pinaghain ako ni yaya ng pagkain sa kusina. Di pa ako nagbibihis, nakaPE uniform pa din ako. Bigla namang dumating si Harey sa kusina. Nakasando at Pajama na sya.

"Oh Harold, sabayan mo ng kumain tong si Kely.." nakangiting sabi ni yaya. Umupo naman sya sa table, magkatapat kami at alam kong nakatingin sya sakin. Pero pinipilit kong kumain ng masaya.

"Oh kely bat ka late umuwi? Naku patay ka sa kuya mo pag nandito yun.." natatawang sabi ni yaya habang pinaghahain si Harey. Ngumiti ako kay yaya.

"Nagdate kasi kami ni Rikki yaya.." pagsisinungaling ko. Magmumukha lang kasi akong kawawa or napahiya pag sinabi kong hinintay ko si Harey kaya ako ginabi. Narinig ko namang nag 'Tsk!" si harey pero yung mahina lang.

"Talaga? Siya ba yung naghatid sayo kanina? Bat di mo na pinapasok?" Kinikilig na sabi ni yaya. Tumango ako at nagsimula na ulit kumain.

"Oo sya naghatid sakin yaya, pinauwi ko na agad sya kasi katatapos nya lang maglaro.." sabi ko. Magsasalita na sana si yaya ng biglang nagsalita si Harey.

"Ate Mila sa kwarto nalang ako kakain." Sabi nya sabay kuha ng plato nya na may laman ng pagkain. Nagkatinginan nalang kami ni Yaya.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas lalong nagalit sakin si Harey eh wala naman akong ginagawa. Pagpasok ko sa kwarto ko, agad akong naghilamos at nagbihis ng pantulog.

"Harey galit kapa?" Tanong ko kasabay ng pagkatok ko sa dingding. Alam kong maririnig nya yan kasi magkatabi lang ang kwarto namin. Kumatok ako ng kumatok hanggang sa.

"Nakakaistorbo ka!" Sabi nya sabay hampas sa pader. Napasimangot nalang ako. Ang taas ng pride, di ko mareach -_- Bukas maghihintay pa rin ako. Naku! Isa pang gawin akong tanga nito! Tengene umpisa na ng gera!

----
Happy NewYear Happy NewYear H

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haunted Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon