Chapter 7

17 1 0
                                    

"Ayiee hinatid nya yung bag mo.." panunukso agad ni Fatima ng tumunog ang bell at magsimula ng maglabasan ang mga kaklase namin para maglunch. Di nalang ako sumagot dahil hinatid nya naman talaga ung bag ko -_-

Pumunta na kami sa Cafeteria para kumain. Gaya kahapon, maingay ang cafeteria pero isa lang ang nakaagaw ng pansin namin ni Fatima. Dun sa isang table na puno ng babae, may dalawang lalaking kumakain. Nakita ko naman sa mukha ni Fatima ang pagkainis. Anong meron? Eh si Harey at yung kasama nya lang naman yun ah.

"Tara besie! Dun tayo umupo!" Inis na sabi ni Fatima sabay hatak sakin. Dun kami pumwesto malapit sa table nila Harey.

"Besie okay kalang?" Tanong ko. Panay kasi ang lingon nya sa table nila harey habang magkasalubong ang kilay eh.

"Ofcourse besie! Ikaw na umorder!" Sabi nya. Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa bilihan ng mga pagkain. Anong kayang nangyayari kay fatima?

"Ate Jana isang nga nito.. ito tapos ito.. ito pa.. hmmmm.. ito pa.. " sabi ko.

"Okay na.." sabi ni ate Jana pagkatapus nyang irecord sa monitor ang mga binili ko. Bubuhatin ko na sanay ung isang tray na punong puno ng pagkain ng biglang may magbuhat nun. "Harey! Pwede ba akin na yan!" Inis na sabi ko. Oo sya na naman! Di nya ako pinakinggan at tuloy tuloy lang sya sa paglalakad, pagkarating nain sa table namin nila fatima, umupo sya bigla. "Ano pang inuupo upo mo dyan?" Tanong ko. Bakit ba!? Eh asa kabila ang table nya ah.

"Ah Harold! bat andyan ka? Dito kana!" Sigaw nung babae sa kabilang table. Flirt! Pero di sya pinansin ni Harey. Buti nga!

"Excuse me mga binibini pero dun na din ako.." nakangiting sabi nung kasama ni harey sa mga babaeng katable nila. Di na nakapagsalita yung mga babae at tumingin nalang samin ng masama.

"Bat pa kasi kayo nandito! Bumalik nga kayo dun!" Sabi ko.

"Mas madakdak pa sayo yung mga babaeng yun. Kung gusto mo ikaw nalang dun." Sagot ni Harey -_- di na ako nagsalita dahil baka ihampas ko pa sakanya tong tray. Kinuha ko nalang yung isang sandwich at nagsimula ng kumain.

"Ah harold, kukunin ko paba yung mga pagkain natin sa kabilang table?" Tanong nung kasama ni Harey.

"Di na. Meron naman dito." Sagot ni Harey sabay dampot ng isang sandwich.

"Hoy! Ang kapal mo ha!" Sabi ko sabay kusilap. Ang kapal talaga ng mukha. Lihain ko kaya para numipis. Naturinangang anak mayaman tapos ganyan umasta -_- pati ung kasama nya nakidampot na din ng sandwich. Kapal talaga. Si fatima naman nakangiti na ulit -_-

"Ako naman ang nagbuhat ah." Sabi ni Harey. Tapos kumagat sya ng malaki sa sandwich. Urghh!!

.

Nang matapos ang lunch namin, dumiresto na agad kami ni Fatima sa Subject. Di pa din maalis ung inis ko hanggang ngayon. Pati kasi softdrinks ko na nainuman ko na, ininuman pa ni Harey. Patay gutom lang -_-

"Uy dito din kayo??" Maya maya tanong ng.. wth! Ito na naman ung kasama ni Harey, classmate namin sya? Naku naman!

"Ano sa tingin mo.." walang gana kong sagot.

"K. Hello miss, lagi kita nakikita pero di ko pa alam pangalan mo. Ako nga pala si Drake ^_^" sabi nung kasama ni Harey kay Fatima. So drake pala name nito? Nice.

"A-ah. I-Im F-Fa--"

"She's Fatima Gonzales. Bestfriend ko -_-" mabilis kong sabi dahil mukhang bukas pa matatapos si Fatima sa pagpapakilala nya. Utal utal eh. Ano bang meron kasi! Ngumiti naman si Drake ng sobrang laki at tsaka sya tumango tango. Muntanga lang? -_-

Haunted Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon