Tahimik lang kami pareho ni Harey habang bumabyahe papuntang EU. Hanggang ngayon di nya pa din ako pinapansin. Pati nga kanina sa kusina di nya ako pinapansin, bahala sya!. Ipinasok nya ung sasakyan sa EU tapos dineretso nya sa parking lot. Palabas na ako ng hawakan nya ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bakit ba ganyan, sa tuwing nagiging sobrang seryoso nya.
"Lagi na tayong sabay. Mula pagpasok hanggang sa pag-uwi.. malate man ako ng dating, hintayin mo lang ako kasi dadating ako.." sabi nya sabay bitaw sakin tapos lumabas na sya kaya lumabas na din ako. Nauna na syang maglakad habang ako nahuhuli at nasa likuran nya. Pansin ko, nung mga nakaraang araw umiiba si Harey.
Pumasok na ako sa 1st subject. Nandun na si Fatima.. lalapit na sana ako sa kanya pero nandyan na si Ma'am bitina kaya umupo na ako sa upuan ko.. mukhang may malalim na iniisip si Fatima.
Nasa kalahati palang ng pagtuturo si Ma'am ng makatanggap sya ng Text galing sa secretary ng Dean, may meeting daw lahat ng Teachers hanggang lunch. Kaya ibig sabihin may 4hours kaming Freetime.
"Besie okay kalang?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Nagnod lang sya kaya di na ako nagtanong. Dumeretso kami sa Gymnasium para matulog dun. Sure kasing walang students dun dahil magsisiuwian muna sila.
Pagkarating namin sa Gym, nakasara yung pinto pero di nakalock. Papasok na sana ako ng magpaalam si Fatima na iihi lang, nagtaka nga ako dahil may banyo naman sa loob ng Gym tapos dun pa sya sa locker room iihi. Binuksan ko ng kunti yung pinto para sumilip sa Loob ng Gym, sakto namang nagshoot ng isang beses yung lalaking nakatalikod. Di ko maaninag yung mukha nya dahil sa sobrang layo at sa bilis nyang kumilos, pero nakaEU uniform sya. Nakailang shoot pa sya bago sya tuluyang umalis at pumunta sa Banyo ng Gym. Sino kaya yun? Ang galing nya. PamVarsity ang galing. Pagbalik ni Fatima, agad ko syang hinatak papunta sa loob ng Gym para tignan kung sino ang lalaking iyon, sakto namang may palabas na lalaki, which is si Rikki.
"Oh Ashly, Fatima.." bungad ni Rikki habng nakangiti. Basa pa ang buhok nya at halatang pawis na pawis.
"Ah ikaw lang ba ang nasa Gym?" Tanong ko.
"Oo, katatapos ko lang maglaro ng Basketball. Sige, kita nalang tayo mamaya. Uwi muna ako.." nakangiting sabi ni Rikki kaya nagpaalam na din ako. Si Fatima naman nakakunot ang noo.
"Tara na besie..kala ko naman kung sino na.." walang gana kong sabi. Si rikki lang pala yun.
Dumeretso nalang kami sa Garden. Dalawa ang garden ng EU, yung isa, nandun sa tapat ng Cafeteria. Mas malaki ito kaysa dun dahil pwedeng tumambay dito ang mga students ng EU.
"Besie! Wait lang ha!" Paalam na naman ni Fatima nagring kasi ung phone nya eh. First time na nagring. Kahit na nagtataka na ako, nagnod pa rin ako. Nagiging weird na sya.
Humiga nalang ako at pinagmasdan ang kalangitan. Naalala ko si Arvie, dito kasi kami nagkakilala eh. Sana bumalik na sya, hindi para balikan ako. Kundi para magkaintindihan na kami. Minsan talaga ang hirap mag'Expect ng sobra, yung tipong mga future nyo napag-uusapan nyo na kahit di pa kayo sure na kayo talaga. Ngayon masasabi kong nakapag'move-on na talaga ako. Handa na akong palayain si Arvie.
Pagkabalik ni Fatima kasama nya na sila Drake. May dala na din silang pagkain. Nagkwentuhan lang kami nila Drake ng magpaalam si Harey na may pupuntahan lang saglit. At dahil Curious ako sinundan ko sya pero syempre sabi ko iihi ako..
Para akong ninja dahil sa style ng pagsunod ko kay Harey, saan ba kasi pupunta to? Nakita kong papunta sya sa Cr ng Garden. Dyosko! Iihi lang pala! Aalis na sana ako ng bigla syang humarap sa kinaroroonan ko buti nalang may puno at makakapagtago ako. Sumilip ako ng kaunti at nakita kong papalapit sya pero patingin tingin sya sa paligid. Hangang sa makalapit sya sa punong pinagtataguan ko. At halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng zipper at tunog ng pag ihi. H-Ha? U-Umiihi sya sa Punong pinagtataguan ko ⊙﹏⊙ waaa!! Bat dyan pa sya umihi! Waaa! Pag nakita nyang nandito ako! Im so dead waaa! Lupa lamunin mo na ako! Iluwa mo nalang ako pag alis nya.. Nakarinig ako ng pagsara ng Zipper, finally! Tapos na sya! Go! Tsupi na!
"pwede ka ng lumabas.." narinig kong sabi nya. Pagsilip ko naglalakad na sya. A-alam nya ba na nandito ako? Waaa! Nakakahiya huhu! Bat kasi sumunod pa ako eh!
Bumalik na din ako sa Garden kung saan kami nakaupo kanina. Panay ang iwas ko na mapatingin kay Harey dahil nahihiya ako.
"Saan ka nga pala galing bro?" Tanong ni Drake habang nagbubukas ng Chips. Lunch time na kaya kakain na kami. Lihim naman akong Napatingin kay Drake ng masama. Di makamove-on? Kanina pa yang issue na yan!
"Umihi lang.." sabi nya. Si Fatima naman biglang napatingin sa kanya.
"Umihi ka din? Saan ka umihi? Nakasabay mo ba tong si b--"
"Besie kumain na tayo! Ha-ha-ha.." akward kong sabi sabay dampot ng isang sandwich at kumagat ng malaki.
.
Pagkatapos ng lunch klase na ulit. Puro lecture lang, nakakaboring nga eh.. tapos uwian na naman. Ang bilis ng araw.
"Fatima, nakita mo ba si Rikki? Wala kasi sya sa Fitst sub kanina tapos di ko pa sya nakikita.." tanong ko kay fatima.. papunta na kaming parking lot dahil nandun na ying sundo ni Fatima.
"Di din eh.. baka busy.." tipid nyang sagot. Ang weird na talaga ni Fatima. "Bye na besie.. ingat kayo ni Secret admirer mo." Sabi nya sabay sara ng pinto at mabilis na umandar ang kotse nila. Secrwt admirer? Sino? Sira talaga ai Fatima.
"Tara ashly.." maya-maya. Rinig kong sabi ni Rikki. Oo si Rikki na naman, naka'Jersey shirt at short lang sya. "Hatid na kita.." nakangiting sabi nya.
"May laro? Kanina kapa namin hinahanap ni Fatima." Tanong ko sabay kuha nung panyo ko sa Bag, pinunasan ko yung mga pawis nya. Nasanay na ako sa ganito dahil gawain namin to ni Fatima pag katatapos lang magbasketball ni Rikki.
"Oo may game sa ibang school, tinawag ako ni Coach para maglaro." Sabi nya.. player kasi tong si Rikki,
"Ah sige. Tara.." sabi ko.
Dumating kami ng bahay pero umalis din sya agad. Hinatid nya lang daw ako. Pagpasok ko sa loob, nadatnan ko si yaya na nakaupo sa swing ng bahay. Ung duyan na bakal, yung may magkabilaang upuan.
"Kely asan ulit si Harold?" Tanong na naman ni yaya. Oo nga pala! Sabay kaming uuwi.
"Naku! Nakalimutan ko na naman sya yaya! Hintayin ko nalang uli sa gate.." sabi ko. Binigay ko kay yaya yung bag ko tapos lumabas na ako ng gate.
Ilang oras na ang nakalipas ng dumating sya. Pinagbuksan ko sya ng gate.. si yaya na ang nagsara ng gate dahil busy ako sa paghabol kay Harey.
.
"Sorry na! Last na yun promise!!" Sabi ko habang kumakatok sa kwarto ni Harey.dumeretso kasi agad sya dito eh.. naguiguilty ako. "Harey promise last na talaga yun!" Sabi ko. Pero hindi na sya sumagot kaya sa kwarto ko nalang ako pumasok.Bakit ba ako naiinis sa sarili ko! Urghh! Bat kasi nakakalimutan ko na susunduin nya pala ako. Hay kely! Bumawi ka nalang bukas..
BINABASA MO ANG
Haunted Of Love
ChickLitSi Kem Ashly Ferolino ay isang 3rdyear college sa EiramUniversity kung saan sikat sya dahil sya ang nagunguna sa list ng mga babaeng studyante sa EU. Isang tao lang ang nagwasak sa puso nya dahilan para maging Manhid at walang paki sa lalaki, yun ay...