Attitude

76 2 2
                                        

"Ano ba!? Wala ka bang mata at hindi mo nakitang andito ako? Sh*t my clothes!! alam mo ba kung gano kamahal tong dinumihan mo? Kahit ata tumanda kana at magpakakuba sa paglilinis mo hinding hindi mo mababayaran to." Bwiset talaga!.anong klaseng katulong ba ang meron dito sa bahay namin. Nakakainis! "You're fired! Nana Lina ihanap mo nga ako ng bagong yaya ung hindi stupida ah. Napapagod na ko sa mga tontang maids na yan!" hayyy I'm so stressed.

"B sinusumpong ka na naman. Diba sabi ko sayo be good to them para makapagtrabaho sila ng ayos at hindi natataranta pagnakikita ka nila." sabi ni nana Lina sakin.

Si nana Lina ang yaya ko since birth kaya mahal na mahal ko siya at siya lang ang nakakatagal sakin. Halos nanay na ang turing ko sa kanya dahil sa simula palang laging wala ang parents ko busy sila sa mga kanya kanya nilang business. Masasabi kong mas iiyakan ko si nana Lina kesa sa magulang ko. Alam ni nana kung pano ako sa lahat ng bagay mas kilala nya ko kesa sa magulang ko. Once binuo na ni nana ang pangalan ko ibig sabihin sumosobra na talaga ang pagkabratenella ko. Iba talaga si nana special siya para sakin. Sa kanya lang ako bumabait siya lang ang ginagalang ko. Hindi naman ako magiging ganto kung hindi inuna ng mga magulang ko ang business nila kesa sakin. Kaya ako ngrerebelde. Oo lahat nga ng gusto ko nakukuha ko pero minsan ba naisip nila na sila ang kailangan ko at hindi ang malaking bahay, mamahaling gamit, maraming tauhan, magagandang gadget. Minsan gusto ko ng ordinaryong buhay, buong pamilya na kumakain sabay sabay, at inaalam kung kamusta ang araw ng bawat isa, ngumingiti at humahalaklak sa mga biruan ng lahat.

Nag-iisang anak ako, sunod lahat ng luho ko pero may kulang sa pagkatao ko. Ginagawa kong magpaka-bratenela para mapansin nila kaso wala eh. Buti pa si nana laging nasa satabi ko. Back to reality tayo.

"Nakakainis kasi sila nana ang laki laki ko hindi nya ko nakita? I think I need a break nana, aalis muna ako ah." paalam ko kay nana.

"Oh sya sige pero mag-ingat kang mabuti ah. Wag ka masyadong magpapagabi may pictorial ka pa bukas. Kelan nga pala ang lipad mo papuntang Paris?" tanong ni nana.

Oo nga pala may pictorial pa bukas, hay bahala na wala namang magsesermon sakin eh I'm the boss hahaha pero joke lang yun. "Ah oo nga pla nana sa sabado na yun, hmmm nana pwede mo ba akong samahan dun.?" paki-usap ko kay nana nasanay kasi akong lagi syang kasama kahit saan. Medyo matagal kasi ung sa Paris eh kaya I need nana sa tabi ko.

"Kahit ayoko hindi naman ako makakahindi eh baka kung anu-ano na naman ang kain at gawin mo dun." sabi ni nana sakin palibhasa kilalang kilala na nya ako.

" Hahaha nana naman eh, sige na po alis na ko I'll see you later nana. Wag ka masyado gumawa sa bahay ah baka mapagod ka sabi ko kay Ate anna na bantayan ka at baka magkikilos ka na naman wag kang makulit. Sayo siguro ako nag-mana nana kaya matigas din ulo ko hahaha." paalala ko.

Si ate anna ang anak ni nana tinuring ko na itong ate dahil nag-iisang anak lang naman ako. Dalawang taon lang ang tanda sakin ni ate anna. Isa si ate sa mga pinagkakatiwalaan ko. Kaya pagdating kay ate tiklop ako at mabait. May ginagalang pa rin naman ako despite of my attitude eh. And I love them so much.

Ngitian ako ni nana ng napakaganda bago umalis. Ang hindi ko alam na ang magandang ngiti pala ni nana ang huli kong makikita bago magulo ang bratenelang buhay ko.

The Undomestic GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon