"Looks like your enjoying my spot." napanganga ako sa nag-salita.....
"Shit. Who are you? Bakit ka nang gugulat?" sabi kong gulat na gulat.
"Hahaha sorry ah kanina pa kita tinatawag kaso mukhang busy ka sa kausap mo at hindi mo ko na pansin." aniya sabay upo sa tabi ko.
"Ay sorry kausap ko kasi ang nana ko eh. Namimiss ko na siya sobra at ngayon lang ako nag-karoon ng pag-kakataong maka-usap ito." sabi ko habang nakangiti. " Ako nga pala si Bridgette, ikaw?" pakilala ko pa. Muka naman kasi itong mabait at in fairness gwapo ito at ang katawan pwedeng model I admit my future to.
"I'm Miguel. I can see na hindi ka taga-rito." pakilala ni Miguel.
"Yup bago lang ako rito katulong ako sa bahay nina Mrs. Alvarez". sabi ko pa.
Nag-text nalang muna ako kay nana na tatawag nalang ako mamayang gabi dahil may ginagawa ako ngayon. Kaya naman sabi nito ay aantayin nito ang tawag niya.
"Katulong? As in MAID? sa itsura mong yan? you must be kidding? Sa tingin ko mas mukha ka pang mayaman kay Mrs. Alvarez ah hahahahaha. Kutis mo palang at tindig masasabi kong galing ka sa isang mayamang pamilya. Kaya wag mo na akong lokohin. Hindi manlang ba nahalata ni Mrs. Alvarez yon?" sabi nito.
"Ang galing mo namang kumilatis ng tao. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sayo kung bakit ako nandito." sabi kong nag-dadalawang isip.
"Okay lang take your time, pag-handa kana at tingin mong mapagkakatiwalaan na ko at ready kanang mag-kwento andito lang ako palagi." sabi nitong may himig ng pag-aalala.
"Twing umaga ay nag-rarasyon ako kay na Mrs. Alvarez ng sariwang gatas eh." aniya.
"Ah sayo pala galing ang mga masasarap na gatas. Ngayon lang ako nakatikim ng ganong gatas sa buong buhay ko, puro kasi gatas sa supermarket lang ang naiinom ko eh at ngayon ko lng nalasahan ang sariwang gatas sa probisya. Napakasarap pala." sabi ko.
"Really? Gusto mo turuan kita pano kumuha ng gatas?" alok nito, pero nakita nito na medyo matagal akong nag-isip at mukang nag-dadalawang isip pa ako. "hahaha mabait naman ako at walang gagawing masama sayo at madami naman tayong kasama sa pagkuha dahil maraming baka ang ginagatasan kaya you'll be safe naman." paliwanag pa ulit nito.
"Anong oras ba yun? kasi kailangan ko mag-handa ng almusal nina Mrs. Alvarez bago mag-8 ng umaga." paliwanag ko.
"Tamang tama dahil 6 ng umaga kami kumukuha bago ng 6:30 ay tapos na tayo bibigyan kita ng free para sayo basta pumayag kalang." sabi nito habang nakangiti ito sakin.
"Talaga? sige tatanggapin ko na ang offer na yan." sabi kong nakangiti.
"Huhulaan kong wala kang alam sa lahat ng bagay no?" siguro manghuhula ito pano niya kaya nalaman.
"Paano mo nalaman?" tanong kong namamangha.
"Madali lang dahil anak mayaman ka at hindi ka lumaki sa hirap. You should meet my mom magaling yun mag-luto at halos lahat ng may kinalaman sa bahay, tiyak ko matuturuan ka niya at magiging masaya yun dahil may matuturuan na siya." alok nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko, ito na siguro ang sagot sa kahilingan ko. Kaya naman papayag na ko bago pa mag-palit ng isip si Miguel.
"Sure sige kelan ba? dayoff ako hanggang monday eh at wala naman akong gagawin ngayon kung hindi ay maglibot sa bayan." Sabi ko pa habang nakangiti dahil answered prayer agad ako.
"Ganon ba? Tara ipapasyal muna kita bago tayo pumunta sa amin at para doon kana mag-hapunan. Masarap mag-luto si mama at alam kong mag-isa ka lang kumakain sa bahay na un." aya nito sakin.
Andito na kami sa bayan at nakakatuwang halos mag-kakakilala silang lahat. Mula sa mini grocery na si Mimi ang may-ari, si Rick na may-ari ng panadero at ang taga bake na si Rey, si Angela na my flower at marami pang iba na hindi ko na maalala haha sabi naman nila okay lang kahit hindi ko sila agad matandaan, basta ang mahalaga mag-kakakilala rin sila hahaha ang babait nila. Ang saya-saya ko parang bilang dumami ang pamilya ko. Hindi man nila ako kilala pero yung pag-welcome nila sakin talagang masasabi mong buong buo at hindi pag-papanggap lamang. Nakakatuwa sa bayan na to at mukang magugustuhan ko dito, sana madala ko si nana dito pag-nalinis na ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
The Undomestic Goddess
RomanceSi Bridgette isang sikat na sikat na model by the age of 23. Pero pano kung biglang nasangkot sya sa pagpatay sa isang tao? Dahil lang sa na bored sya sa trabaho nya isang araw at nagbar hopping sya para mag-unwind lamang. Pero sa di sinasadyang pag...
