Authors note
Hi guys thanks for reading my story po, I hope you guys enjoying my story. Penge naman po ng votes and comments if hindi kayo busy hehehe.
~~~~~~~~~
Tulad nga ng inakala ko ubod nga ng sasarap ang mga nakahain sa mesa, at napakasaya kumain sa dahong saging habang nag- aagawan sa kanin. Napakasaya ng buhay sa probinsya sariwa ang lahat. Andito na nga pala ako sa mansyon nila Miguel dahil magsisimula na akong turuan ni tita mag- luto, si Miguel naman ay nag- tungo na sa bukid babalik daw siya ng tanghali para matikman ang unang putaheng mailuluto ko.
"Anong gusto mong unang matutunan?" tanong sakin ni tita Divine.
"Hindi ko po alam tita eh, wala talaga akong ideya sa lahat ng bagay pagdating sa bahay yung pagbukas nga lang ng kalan ay kay Mrs. Alvarez ko lang natutunan." sabi ko rito.
"Buti hindi nag- taka si Mrs. Alvarez na hindi ka marunong mag- bukas ng stove." tanong sakin ni tita.
"Hindi naman po nasabi niya lang na imported daw kasi yung stove niya at wala pa rito kaya baka hindi ko daw alam gamitin." paliwanag ko.
"Ah... siguro turuan muna kita ng basic." sabi sakin ni tita at pinakilala na niya ako kay sandok, sanse, kaldero, kawali etc. etc.
Tinuro sakin ni tita kung pano mag- saing at mag- prito. Sa tingin ko madali lang mag- saing dahil huhugasan mo lang ito at pipindutin ung button and presto your done. Mahirap ang mag- prito para akong nakikipag- digmaan sa mga nag- tatalsikang mantika at masakit sila kung tumama kaya naman ang dami kong paltos dahil dito. But I'm liking it, masaya pala sa kusina. Lalo na kung makikita mong hindi sunog ang mga niluto mo at matikman mo, masarap siya at naaayon sa tamang lasa at higit sa lahat hindi sunog. Fulfilling!
"Oh dumating kana pala iho. " Sabi ni tita hindi ko na pansing nanunuod pala samin si Miguel.
"Wow I must say you cooked very well B." hindi ko alam kung niloloko niya ako oh ano.
"Wag mong inisin si Bridgette Miguel ngayon palang niya natututunan ang mga ito at mukang magaling siyang istudyante. Nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ko at talagang iniintindi niya ang bawat detalye." pagtatanggol sakin ni tita.
"Pagnakapagluto na ako ng totoong dish Miguel hindi kita patitikimin." sabi ko ritong ng cross armed pa ako at nag- pout.
"Hahahaha your so cute B kanina mo pa ako inaamaze ah, pero yung totoo B you look good with that apron." sabi nito sabay tikim sa mga nilutong fried food.
"Wag mo kong lokohin Miguel gusto mo lang tikman ang mga lulutuin ko eh hmmmp." sabi ko naman rito.
"Oh siya tumigil na kayo at kumain muna tayo ng pananghalian alam kong gutom na kayo pareho, I know that both of you are tired." sabi ni tita at nag si punta na kami sa lamesa. At dahil hindi nagluto si tita dahil tinuturuan niya ako ay pinagtyagaan namin ang mga niluto kong puro prito.
Habang kumakain ay nag- salita si tita.
"Bridgette pagkatapos kumain ay mag- pahinga ka muna mamayang 3pm ay mag- sisimula na tayong mag- luto ng pang- merienda at pang- dinner." sabi nito sa akin.
"Yes po tita, and tita just call me B para hindi masyadong mahaba." aniya ko rito.
"Sure." nakangiting sagot nito.
"Ma anong iluluto ninyo mamaya?makikisali ako ah hindi na ako babalik sa bukid." singit naman ni Miguel.
"Hmmm pag- iisipan ko pa yung madali muna para hindi mahirapan si B." sagot naman ni tita.
"Ah okay." matipid na sagot nito at kumain na ulit kaming tahimik.
"B gusto mong sumama sakin dun sa likod ng mansyon? may hummock dun at pool baka gusto mo magswimming?" yaya sakin ni miguel.
"Yeah sure Migs tara na." sabi ko rito.
"Migs?" tanong nitong nag- tataka.
"Yup ang haba kasi ng Miguel eh kasi migs nalang ayaw mo ba." paliwanag ko.
"Nope I liked it. So that when someone call me Migs I know that it's you." sabi niya sakin. And we both smile at nag- punta na sa likod ng mansyon.
BINABASA MO ANG
The Undomestic Goddess
RomanceSi Bridgette isang sikat na sikat na model by the age of 23. Pero pano kung biglang nasangkot sya sa pagpatay sa isang tao? Dahil lang sa na bored sya sa trabaho nya isang araw at nagbar hopping sya para mag-unwind lamang. Pero sa di sinasadyang pag...
