Nagising ako bandang 5:00 ng umaga. Linggo ngayon at day-off ko pa rin may usapan kami ni Miguel na magkikita bago mag ala sais kaya naman maaga ako nagising. Salamat kay tita Divine at gumaan ang pakiramdam ko. Pinag-pahinga muna niya ako sa kwarto niya at bumaba siya para mag-handa ng dinner. At napakasarap ng binake niyang pie at yung nito niyang roast beef panalo, naalala ko tuloy ang mga luto ni nana. SI NANA NALIMUTAN KONG TAWAGAN KAGABI.... dali dali kong kinuha ang cellphone ko at binuksan, napakaraming massage at miss calls kaya naman dial ko na agad ang number ni nana. Nakatatlong ring lang ito at narinig ko na si nana sa kabilang linya.
"B bakit ngayon kalang tumawag? nag-aalala na ko sayo kagabi pa, ano bang nangyari at bigla mo akong binabaan at hindi na tumawag?" pambungad sa akin ni nana.
"Hey nana I'm fine po. Don't worry too muck okay? I like it here and I'll be back po pag kaya ko ng harapin ang lahat. Nana I miss you and I love you so much, wish you were here kasama ko. Pero dahil wala ka I'll take care muna of myself for you not to worry nana. Nana I'm enjoying here nakakapag-relax ako." Sabi ko rito para hindi na ito mag-alala.
"Masaya akong masaya ka diyan B pero lagi mong iingatan ang sarili mo wag ka mag-pagutom at sana umuwi kana rin agad nag-aalala na ang lahat sayo rito. " Sabi pa ni nana sa akin.
"Oo nga pala nana kaya ako napatawag ay dahil kailangan ko ng bagong atm card ipangalan mo sayo o kaya kay ate baka kasi malaman nila kung nasaan ako kung gagamitin ko ang mga card na meron ako dito nana. Pag- natapos mo na itext mo ako nana para mapick-up ko ito bukas na bukas din nana. Ayokong may makaalam kung nasaan ako." utos ko kay nana.
"Sige B ibababa ko na ito para maayos ko na ito." paalam ni nana.
"Thankee talaga nana, don't think too much nana ok lang ako at pipiliting kong pag-uwi ko dyan ipagmamalaki mo ang achievement ko nana. Nana I love you always. mwuah bye nana." sabay baba ko ng phone.
Naligo na ko at naghanda bago mag- 5:45 ay tapos na ako at ready ng umalis ng maalala ko yung sport car ko sa likod bahay nina Mrs. Alvarez kaya naman ay dali dali ko itong tinungo naisip ko kasing ipatago muna ito kina tita dahil alam na namn niya kung sino ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam na minamaneho mo ang sasakyan mo sa isang daanang walang traffic at polusyon. Ang presko ng hangin kaya namn ibinaba ko ang salamin ng bintana at ang hood ng convertible at hinayaang hangin ang buhok ko. This is what a good life should be walang hassle. Nakarating ako sa mansion bandang 5:55 kahit sobrang lapit lang nito wala pang 3minuto kung lalakarin mo ang bahay ni Mrs. Alvarez at ang mansion, binagalan ko lang din kasi ang takbo at nag-muni muni pa ako ang sarap kasi ng hangin.
"Woooooh! ang ganda naman nyan Bridgette. Is this your car?" bungad sakin ni Miguel.
"B nalang Miguel yep this is mine ito ung pangarap ko car gift yan ni daddy sakin dahil sa achievements na nakukuha ko at pambawi na rin daw niya sa mga panahon laging wala siya.
"Wow galante ang daddy mo B ah." sabi niya.
"Hahaha hindi naman nag- kataong nag-iisang anak ako kaya spoiled sa lahat ng bagay." paliwanag ko. "Hmm pwede ko bang iwan muna ito dito at baka makita ito ni Mrs. Alvarez sa likod bahay nila eh." tanong ko pa.
"You look stunning sa suot mo B cowgirl na cowgirl ang outfit ah. Yeah sure basta ba pahihiramin mo ako nitong baby mo eh hahaha." habang nakatitig sa akin.
"Sure. Basta wag mong gagasgasan ang baby ko ah, ito ba galing to kay tita Divine binigay niya sakin kagabi kasya raw sakin ito at tamang tama sa gagawin natin." nakangiting sabi ko kay Miguel.
"Oo naman sayang pagnagasgasan ito." sabi niya.
"Hahaha gasgas din mukha mo sakin jan hahaha." sabi ko pa.
"Ang ganda mo alam mo ba yun." bulong sakin ni Miguel na ikinakilig ko.
Medyo malayo yung mga baka kaya sumakay kami sa pick -up ni Miguel. Pagdating namin sa isang malawak na lupain namangha ako dahil sa puro berde ang makikita mo rito at sobrang dami nga baka. Nagulat pa ako na batiin kami ng mga tao rito kaya naman ginantihan ko sila ng bati at isang napakatamis na ngiti. Ngayon ko lang napagtanto napakasarap pala ng buhay sa probinsya.
"Wow hindi ko akalaing ganto kadami ang baka nyo. Ilan lahat ito?" tanong kong namamangha.
"Hmmm siguro 500 lahat at 300 ang ginagatasan 46 ang bata pa at 254 ang lalaki." sabi nitong ikinamangha ko.
"This means a lot of works talaga buti nalang at madami ang tutulong satin dahil baka abutin ako dito ng taon bago matapos hahahaha." sabi ko habang tumatawa.
Tinuruan ako ni Miguel tungkol sa baka kung kelan ito dapat hawakan at gatasan baka daw kasi sipain ako nito kung hindi ako mag- iingat. Nakakatuwang mag-gatas naka dalawang timba ako ang sarap sa pakiramdam, feeling ko isa na talaga akong ganap na probinsya hehehehe. Pagka -tapos namin rito at nag- punta kami sa di kalayuang sa mga baka may kubo doon at malaking lamesa na puno ng iba't -ibang pag- kaing napakasasarap. Nagulat ako ng biglang mag-labasan ang mga kababaihang may dalang mga dahing saging at si tita Divine ay narito rin.
"Hi tita." bati ko rito at humalik sa pisngi.
"O hi Bridgette kasyang kasya pala sayo ang damit ko at sapatos eh bagay na bagay talaga sayo. " puri sakin ni tita.
"Thank you tita. Kayo po ba ang nag-handa ng lahat ng ito tita? mukang masarap at sigurado akong napakasarap nito." sabi ko at hindi na ako makapaghintay tikman ang lahat ng ito.
"Oo at pati na din ang kanilang mga asawa katulong ko mag- luto. Twing umaga ay nag- hahanada kami ng almusal para sa lahat dahil ito ang pinakaimportanteng meal sa buong araw kaya dapat masarap at siguradong mabubusog ang lahat kaya naman tulong tulong kami sa pag-hahanda. Natry mo na bang kumain sa dahong saging." tanong nito sa akin.
"Hindi pa tita eh." may kasama pang iling.
"And for sure hindi ka din marunong mag-kamay." tanong ulit nito.
"Hahaha tita marunong ako duan ka nag-kakamali kasi pag- sumasabay ako kay nana kumain nag- kakamay kami at nag-aagawan sa pag- kain." Pagmamalaki ko kay tita.
"Hmmmm I should meet that nana na lagi mong ipinagmamalaki sakin. Tara kaina na tayo at baka maubusan na nila tayo." tumatawang sabi ni tita Divine.
BINABASA MO ANG
The Undomestic Goddess
RomanceSi Bridgette isang sikat na sikat na model by the age of 23. Pero pano kung biglang nasangkot sya sa pagpatay sa isang tao? Dahil lang sa na bored sya sa trabaho nya isang araw at nagbar hopping sya para mag-unwind lamang. Pero sa di sinasadyang pag...
