Me? A MAID?!

41 2 0
                                    

....kinabukasan

Andito ako ngayon sa kwarto kung san ako mamamalagi habang nasa puder ako ng kinikilala kong amo. Shit anong gagawin ko? Nalilito na ko, hindi ako pwede umuwi sa bahay, at higit sa lahat wala akong alam sa mga gawaing ginagawa ng isang katulong. Wala naman akong magagawa kung hindi mag-stay dito ayokong makulong. Pero isa akong sikat na modelo bakit hindi ako kilala ni Mrs. Alvarez.?. Naisip ko ok na din ito para mas madali saking makapag-tago

Bumaba na ako ng kwarto bandang 7:00 ng umaga dahil sabi sakin kagabi ni Mrs. Alvarez na by 8am kumakain sila ng umagahan, ang tanghalian naman ay hindi ko na problema dahil umaalis sila araw-araw at umuuwi ng 6 ng gabi, by 8pm maghahapunan. Ang laundry every weekends pero sabi naman ni Mrs. Alvarez may katulong akong maglaba at mamansta pero wala ito sa loob ng 2 linggo dahil nag-paalam itong magbabakasyon at dahil andito na raw ako kaya ok lang. Sa paglilinis ng bahay naman ay walis walis lang daw ang kailangan at mga alikabok dahil every month daw ay may pumupunta dito upang mag-linis at magdecorate ng bahay dahil kung ako daw ang gagawa nito baka abutin daw ako ngsyamsyam eh hindi pa ko tapos. Yung iba daw ay sa susunod na namin pag-uusapan. Mukha namang napakabait ng amo ko kaya sa tingin ko wala namang magiging problema. At ngayon magluluto na ko. Good luck B.

Nag-download ako ng recipe ng fried egg, hotdog, ham, bacon, how to toast bread muka namang madali lang. Pero nakakaisang dosena na ako ng itlog nakakadalawang balot ng ham isang balot ng hotdog at naubos ko na ang bacon pati tinapay wala pa rin akong nagagawang tama. Shit 7:30 na wala pa kong naluluto at mauubos na ang laman ng ref lahat ng tinay sunog. Bakit parang ang dali lang pero hirap na hirap ako.? Isa nalang ang naisip kong paraan ang "umorder" I feel so helpless without nana. I miss my nana gusto ko itong tawagan pero hindi pwede. Kahit alam kong alalang alala na ito sa akin.

7:45 dumating ang inorder ko buti nalang daw at wala gaanong costumer kaya mabilis nilang nadala dito ang order ko. Save by the bell ako para sa umagang ito.

Naihanda ko na ang kakainin nila ng bigla akong ipinatawag ni Mrs. Alvarez labhan ko daw ang paborito niyang damit dahil gagamitin niya ito. Kaya andito ako sa laundry sa likod bahay para labhan ang damit mukhang sisiw lang ito dahil may automatic na washing machine naman ang sabi dito ilalagay mo lang paglabas tuyo na. Kaya binasa ko ng ilang beses ang instruction ng sa tingin ko ay tama na ang ginawa ko pinaandar ko na ito nag-hulog ako ng detergent, zonrox pantanggal daw ng mantsa at bacteria at downy para mabango ang damit. Ng tumigil sa pagiingay ang washing ay hudyat na tapos na ito. Pero sa di inaasahang pangyayari paglabas ko sa washing ng damit ay naging parang polka dots ito dahil sa mga nawalang kulay. Natutop ko ang aking bibig dahil sa nangyari.

Sandali akong nataranta ngunit nakapag-isip din agad ang talino ko talaga. Binuksan ko ang mamahalin kong cellphone at nag-search ng damit na katulad ng damit ni Mrs. Alvarez tinatype ko ang nasa label ng damit at presto nahanap ko agad na pasigaw tuloy ako ng "I love you technology!" hahaha. Dali dali akong umalis upang mabayaran ang naturang damit hindi ako pwedeng gumamit ng credit card dahil alam kong malalaman nila kung nasaan ako, kaya ipinangalan ko kay Mrs. Alvarez ang order.

"Napakahusay mo Bridgette parang bagong bago na ulit ang damit ko. Napakaswerte ko at ikaw ang naipadala sakin. And I forgot to tell you yung breakfast kanina parang pang-fivestar hotel ang sarap." kinabahan ako dun akala ko mahuhuli na ko dahil sa almusal hahaha syempre masarap un dahil sa isang mamahaling resto ko ito inorder un ang hindi nila alam. Goodjob B.

"Bridgette sabado bukas at laundry day un at nalaban na naman ni Fe lahat ng damit bago sya umalis ay wala kang gagawin at dahil linggo at lunes ang dayoff mo you'll have 3days para maglibot sa buong bayan mag-enjoy ka at makipagkaibigan para hindi ka na mahirapan dito, maliit lang naman ang bayan para malibot mo ito at makilala ang lahat. Ito na nga pala ang bonus mo dahil sa magandang trabaho sa unang araw mo. Sana ay hindi ka magbago." sabi sakin ni Mrs. Alvarez.

"Wow thank you Madam." at nagcurtesy ako bilang pag-galang at pasasalamat nabasa ko yun sa internet kagabi. At ginagawa un sakin sa bahay ng mga maids.

The Undomestic GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon