Itinerary

35 2 0
                                        

Pag-kagising ko naisipan ko buksan ang cellphone ko to check my inbox and my email. Puro tanong lang kung asan na ko? what happened? at nag-aalala na sila naiiyak na ko isiping siguro ay hindi mapakali si nana ngayon kamusta na kaya siya. My mom and dad ask din where am I, if I'm ok. Umuwi na daw ako at aayusin nila ang lahat. Oo siguro para sa kanila madali lang lahat ng ito hindi kasi nila alam ung pakiramdam na makakita ng ganung scene at akusahan sa isang bagay na nacurious lang akong tignan. Tumayo na ko at nag-handa para naman makapaglibot at makalimot sa mga problema ko, naisip ko na ding bumili ng sim at mumurahing phone para di mahalata ni Mrs. alvarez haha mas mamahalin pa yung phone ko sa phone nya eh. Kailangan ko din ayusin yung sasakyan ko at magwithdraw nauubos na ang cash ko dun palang sa damit.

Pag-katapos maligo ay nag-paalam na akong aalis. Inuna ko munang puntahan yung sasakyan ako nagpatulong ako sa gasoline boy. Kailangang maitago ko ito dahil pagnakita ito ni Mrs. Alvarez eh sabihin pangmagnanakaw ako. Pagkatapos ng sasakyan ay nag-drive na muna ako palayo sa lugar na ito pabalik sa manila dun ko balak magwithdraw para sa perang kakailanganin ko. Pero syempre naisip ko ng mauubos ulit ito kaya may naisip na kong paraan para unlimited ang cash ko.

Maayos naman ang naging transaction ko at nabili na ng phone at sim na pwede kong magamit. Andito ako ngayon sa isang resto di kalayuan sa lugar kung san ako napadpad. Madami akong inorder dahil sa namiss kong kumain ng mga pagkaing nakasanayan ko, sa bahay kasi ni Mrs. Alvarez hiwalay ang pagkain ko sa pagkain nila okay naman ang kinakain ko pero hinahanap ng bunganga ko ang pagkaing nakasanayan ko kaya nag-paparty ako ngayon sa resto na to masaya naman ang mga alaga ko sa tyan hahahahahah.

Kinontak ko si nana at ng ibang boses pa para if ever iba ang sasagot eh hindi nila ako mahuhuli. At buti nalang at si nana ang sumagot pero bago ako magsabi ng kung anu-ano inuna kong itinanong kung may nakikinig ba sa kanya. Inutusan ko syang bumili ng bagong sim at phone para kami lang talaga ang makakapagusap mahirap na baka may makatunog pa. Sinabi ko ding itext niya agad ako pagnakabili na siya agad ng bagong sim at phone, dahil kailangan ko ang tulong niya.

Itinago ko muna ang sasakyan sa likod ng bahay nina Mrs. Alvarez at tinakpan ito at umalis na para mamasyal sa bayan.

Malapit na maglunch ng mapadpad ako sa bukid dun kasi ang daan papunta sa bayan sabi naman ni Mrs. Alvarez na sobrang safe daw dito kaya hindi daw ako daw matakot kahit gabihin pa ako sa daan at napansin ko nga tama siya. Lahat ng madaanan kong tao ay bumabati sakin. Umupo muna ako sa tabi ng napakalaking puno at nagpahinga busog ma busog pa din kasi ako sa kinain ko kanina eh. Biglang nag-text si nana kaya tinawagan ko siya agad-agad.

"Hello nana, kamusta kana po wag ka masyadong mag-alala sakin ah ayos na ayos po ako." sabi ko agad pagkasagot nya ng phone gustong gusto ko siyang yapusin dahil sobrang miss ko na sya.

"Okay lang ako B ikaw ang inaalala ko eh. Asaan ka ba at anong nangyayari.?" tanong ni nana. Ng biglang may mag-salita na ikinagulat ko.

"Looks like your enjoying my spot." napanganga ako sa nag-salita.....

The Undomestic GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon