CHAPTER FOUR

36 0 0
                                    

JHO

Papunta kami ni nico sa sasakyan ngayon and honestly hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Bakit nya ba to ginagawa? ang tagal na naming wala pero bakit? bakit gumagawa sya ng eksena ngayon. I tried to escape from nico pero masyadong malakas ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Nico! ano ba! nasasaktan ako! san mo ba ako dadalhin! pakawalan mo na ako!" sigaw ko sa kanya pero parang wala syang naririnig.

Binuksan nya ang pinto ng kotse pinapapasok nya ako pero pilit padin ako pumipiglas sa mga hawak nya. Gusto kong balikan si bea kailangan ako nya ako ngayon!

"Ano ba jho! sakay!" sigaw nya at wala akong nagawa dahil marahan nya akong tinulak papasok sa loob ng kotse. Sumakay na din sya at sinimulan na nya ang pagmamaneho.

Buong byahe wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Sobrang nag aalala ako kay bea kung ano na bang kalagayan nya ngayon. Ang sakit ang bilis ng pangyayari. Wala akong magawa.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa to ni nico ngayon ilang months na ang nakalipas simula ng mag hiwalay kami. Pinaliwanag ko ng maayos sa kanya ang lahat before kami mag hiwalay hindi ko maintindihan bakit nya ba to ginagawa ngayon.

Tanging nasa isip ko na lang ngayon si bea, i want to comeback to her. Gusto kong malaman nya lahat ng totoo nangyari sakin when im with nico. Gusto kong bumalik pero bakit kailangan ganito ka'komplikado lahat.

Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay at kasunod nito ang pagbaba ni nico at binuksan nya ang pinto at pinababa ako. Mahigpit padin ang pagkakahawak nya sa braso ko tumingin ako sa paligid oo at alam ko to ito yung hidden house nila ni mikee. Pag pasok namin sa bahay nakita ko agad si mikee.

"Oh nandito na pala kayo, welcome back jho." bati nya at sabay ngumiti ng nakakaasar. Pero hindi ko sya pinansin tumingin ako kay nico na ngayon ay naka upo at nakahawak sa noo nya na para bang namomroblema.

"Nico! ano to ha!? ano nanaman bang paandar to ha? tapos na tayo nico! hindi mo ba naiintindihan yun? bakit hindi mo na lang ako pakawalan!?---" napatigil ako ng bigla syang sumigaw.

"HINDI NGA PWEDE! AT AYOKO JHO! TINGIN MO GANUN LANG KADALI NA MAKAKABALIK KA KAY DE LEON HA! HINDI AKO PAPAYAG NA MAPUPUNTA KA ULIT DON!"

"Wtf nico! kahit noon kahit nung tayo pa si bea lagi ang problema mo! ghad nico ganyan ka ka-insecure kay bea ha?! well tangina dapat lang! dahil simula nung nakilala kita pinatunayan mo lang na mas better si bea kesa sayo!" sigaw ko. Sana matauhan sya dahil totoo naman ang sinabi ko.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sya at derecho ang tingin sa mga mata ko.

"Wala ng bea jho, nasan si bea? andun bumagsak na ano pang hihintayin mo ha? wala na jho! wala na!" nanghina ako sa mga sinabi nya at muling bumagsak ang mga luha ko ng bigla kong maalala kung anong itsura nya bago ako ilayo ni nico sa kanya. Napayuko ako at wala akong nagawa kundi umiyak sobrang nanghihina ako pero kailangan kong maging matapang ayokong isipin na wala na si bea kilala ko sya hindi sya agad nagpapatalo. Ayoko ayokong isipin yung sinabi ni nico! hindi pwedeng mangyari yun! hindi pwede!

"Tama na yan, kumain muna kayo kababalik nyo lang nag aaway kayo agad. Iwan ko muna kayo." sagot ni mikee. Isa pa to napaka gago.

Kami na lang ni nico ang nandito sa loob at pinaghanda nya ako ng pagkain pero wala akong pake dahil isang tao lang ang nasa isip ko ngayon si bea gusto ko ng malaman kung anong kalagayan nya kung anong balita hindi ako mapakali gusto kong tumakas dito pero hindi ko alam kung papaano dahil bukod dito kay nico at mikee naisip ko na baka hanggang dito meron padin silang mga tauhan.

Nilapit sakin ni nico yung pagkain na hinanda nya pero dahil sa sobrang galit ko sa kanya at tinapon ko lang yun. Wala na akong pake kung anong reaksyon nya.

"Mag mamatigas kaba talaga ha!?" kasabay nito ang pag higpit nya ng hawak sa mga braso ko.

Sinampal ko sya ng pagkalakas lakas para matauhan sya sa ginawa nya sakin.

"Ano bang gusto mo nico ha!? ano!? kahit anong gawin mo! hindi mo mababago na si bea ang mahal ko!" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang meron si bea? at bakit gustong gusto mo bumalik dun ha?"

simple lang nico kasi sya ang mahal ko.

"Sya ang mahal ko nico."

napahilot na lang si nico ng ulo nya at halatang inis na inis sya sa narinig nya.

"im sorry jho, pero hindi ako makakapayag na mapunta ka ulit dun. Sakin ka lang jho, akin ka lang!"

sigaw nya.

at sabay hinigit nya ang braso ko at pinapasok nya ako sa isang kwarto akmang itutulak ko pabukas ng pinto pero huli na dahil nilock ni nico. Oo tuluyan akong kinulong ni nico sa isang lumang kwarto.

"Nico buksan mo to! tangina nababaliw kana ba ha!? buksan mo to!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.

narinig kong tumawa lang si nico.

"Im sorry jho, if this is the way na mapapatino kita well im gonna do it!"

Ano bang iniisip nya? ano bang ginagawa nya? nababaliw naba to si nico?

Hindi na ako pumatol at napaupo na lang ako dito sa kamang nasa tabi ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil hanggang ngayon si bea padin ang iniisip ko.

Hindi pwedeng magtagal ako dito kailangan ako ni bea. Dahil kung mas nag aalala ako sa kanya alam kong mas nag aalala din sya sakin.

Bigla kong naalala ang phone ko at nagbabakasali na makakuha ako ng balita kay bea, pero bigo ako dahil lowbat ang phone ko. Napasabunot ako sa buhok ko dahil di ko na alam ang gagawin ko tumingin ako buong kwarto pero wala ni katiting na pwede kong pagtakasan.

Huling nakita ko si bea nakita kong nabaril sya sumasagi sa isip ko ang pwedeng mangyari pero ayokong isipin dahil mas lalo lang ako manghihina at mawawalan ng pagasa.

Inalala ko ang lahat ng pagsasama namin bago pa mangyari lahat ng to. Yung mga sinabi nya habang umiinom kami nakita ko kung gaano ko sya nasaktan

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
pero isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Si bea...

-------------------------------

Hello guys sana nag enjoy kayo and sorry kung ang tagal ko mag update super busy lang this past few days!

Please spread guys thankyouu lovelove!! <3

BE WITH YOU AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon