JHO POV'S
"Umalis na kayo, iwan nyo na kami ni jho dito tawagan ko na lang kayo sa susunod pag kailangan ko na kayo"
Nagising ako sa sigaw ni nico sa labas at sabay ang pagbukas ng pinto ng kwarto.
Pumasok si nico at lumapit sya sakin.
"wag kang lumapit!" sigaw ko at napaupo ako sa kama at lumayo sa kanya.
Hindi naman sya nag matigas at pansin ko hindi din sya nakipagtalo.
"andyan ang kapatid mo" tipid na sagot nya.
Nagulat ako sa sinabi nya at tumingin sa kanya.
Yung kapatid ko nandyan naisip ko na chance na to para maka alis na ako dito at mapuntahan ko na si bea.
Tumayo ako pero pinigilan ako ni nico.
"dito ka lang! papapuntahin ko si jaja dito at dito kayo mag uusap" sabi nya. Kumunot naman ang noo ko.
"pati ba naman kapatid ko nico!?" sigaw ko sa kanya.
nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
"umayos ka" madiin nyang sagot at umalis na ng kwarto.
Hindi din nag tagal ay nakita ko si jaja sa pinto.
"ate!" at sabay tumakbo ito palapit sakin at yumakap.
Kitang kita sa kapatid ko ang pag aalala. Dahan dahan ng tumulo ang mga luha ko.
Akala ko tapos na ang pahihirap namin kay nico pero hindi pa pala. Kung meron man akong maling disisyon sa buhay ko ay yun yung pinili at pinayagan ko si nico pumasok sa buhay ko.
Simula nung naging kami ilang buwan lang ang lumipas dumilim at umiba ang ikot ng buhay ko lahat ng nakikita ng mga tao sa social media lahat yun ay pilit lang, oo pilit lang pinipilit lang ako nico ipakita sa lahat na okay kami pero sa likod nun hindi. Gustong gusto nya ipakita sa lahat na mas angat sya kay bea oo si bea laging si bea ang dahilan nya sobra ang insecurity ni nico kay bea dahil bago pa lang maging kami kinuwento ko sa kanya noon na sobrang minahal ko si bea not in bestfriend way but more than that.
After few months nagpagbubuhatan ako ng kamay ni nico dahil pinagbibintangan nya ako lagi na niloloko ko sya kahit hindi. Kahit wala akong ginagawang masama dumating sa point na nalaman ko na sya pala ang may iba dumating sa point na nawalan na ako ng pag mamahal sa kanya nagmakaawa sya na mahalin ko sya ulit na bumalik ako pero hindi ko na nagawa dahil si bea padin ang mahal ko never akong nawalan nag pagmamahal kay bea.
Maling mali pinili ko si nico kesa kay bea dahil lang sa natakot ako sa mga sasabihin ng mga tao. Dahil lang na naisip ko kung ano yung mas tama sa mga mata ng iba. At isa pa sa pinaka masakit?
Ang naiwan ko si bea at nasaktan ko sya. Kung bakit mas inuna ko pang isipin yung iba kesa sa kanya. That is my biggest mistake of my whole life.
Bumitaw si jaja sa pagka yakap sakin at hinawakan nya ang mukha ko.
"ate okay ka lang ba? kamusta ka dito? sinaktan ka nanaman ba ni nico?" sabi nya at tumingin sya bigla sa braso ko na may pasa at hinawakan nya ito.
"Ate" sabi nya at kitang kita ko sa mga mata nya lahat ng awa.
Alam ni jaja kung gaano ako nag hirap kay nico noon hindi ko pinasabi sa iba lalong lalo na kay mama dahil ayoko silang mag alala at isa pa dahil ayokong lumala at atakihin si mama ng sakit nya.
Hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko at napapikit na lang ako at napaupo sa kama.
Tinungkod ko ang siko ko sa mga tuhod ko at nag simula na akong humikbi at umiyak.
"gusto ko ng matapos to ja, kailangan na ako ni bea" sabi ko at patuloy padin sa pag iyak.
Umupo naman si jaja sa tabi ko at niyakap ako.
"ate wag kang mag alala kaya ako nandito para itakas ka" sabi nito napatingin ako sa kanya.
"nasa labas sila bea please ate wag kang maingay huminahon ka lang" bulong nito.
Nabuhayan ako sa sinabi ng kapatid ko.
Si bea? nandito? buhay sya ligtas si bea, pumunta sya dito para iligtas ako.
Tumayo si jaja para isara ang pinto para hindi kami marinig ni nico sa labas.
"pa-paano tayo tatakas?" sabi ko naman at puno ng pag aalala.
Hindi ako makapag hintay dahil sabik na sabik akong makita si bea.
"wag kang magalala kailangan ko balitaan sila bea kung anong nangyayari dito sa loob at dapat kong sundin kung ano ang plano" sagot naman ni jaja at inilabas ang phone sa bag nya.
Sa kabila ng pagka sabik kong makatakas at makita si bea hindi ko maiwasan na kabahan sa mga gagawin namin. Kilala ko si nico once na malaman at mahuli nya kami alam kong mas doble pa dito ang mararansan ko at isa pa alam kong si jaja ay mapapasama pa sa mga kamay ni nico.
Nag simula ng itext ni jaja si bea.
To bea:
Bei andito na ako sa loob kasama ko na si ate, si nico nasa labas ng kwarto. Wala na din mga bantay.
Pagkatapos masend ni jaja nag text ay agad naman bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita namin si nico.
Buti na lang ay mabilis na naitago agad ni jaja ang phone na hawak nya.
"Dito lang kayo, may pupuntahan lang ako pag balik ko at wala kayo pasensyahan tayo magkakaalaman tayo" sabi nya at umalis.
Wala na akong pake sa mga sinabi ni nico ayoko ng isipin yung mga sinabi nya dahil ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay si bea.
Tumingin naman ako kay jaja.
"Lalabas si nico baka makita sila sa labas" sabi ko naman at puno ng pag aalala.
Hinawakan naman ako ni jaja sa kamay ng mahigpit.
"Wag kang mag alala ate medyo malayo sila sa bahay na to hindi alam ni nico ang sasakyan ni bea" sabi naman nya at pilit ngumiti.
Hindi din nag tagal ay nag text na agad si bea.
From bea:
Nakita namin si nico lumabas, ja ngayon na lumabas na kayo ni jho ilalapit namin ang sasakyan sa tapat ng gate hihintayin namin kayo. I trust you ja please be carefull and tell jho i love her.
Napangiti naman ako sa last text ni bea pero hindi padin maalis ang kaba ko hangga't hindi kami nakaka'alis dito.
Nagsimula na kaming mag lakad ni jaja palabas.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil malapit na ulit kaming magkita ni bea dahil sa dami ng nangyari para bang ngayon na lang ulit kami magkikitang dalawa.
Hindi kami nahirapan sa pag labas at nakita din namin agad ang sasakyan ni bea bumukas ang pinto sa likod at lumabas sya.
Hinila ako ni jaja palapit sa sasakyan at sa wakas nasa harap ko na sya.
Yinakap ko sya ng mahigpit at ganun din ang ginawa nya.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko at nag simula ng kumawala sa mga mata ko.
"Iloveyou...jho" narinig kong sabi nya at ramdam kong nanginginig ang boses nya dahil sa pag iyak.
"Iloveyou iloveyou iloveyoutoo bea" sagot ko naman.
Hindi din nag tagal ay pumasok agad kami sa sasakyan.
at ligtas kaming nakabalik sa dorm.
-----------------------------------
Kinakabahan din ako habang iniisip at tina-type ko tong chapter na to parang real life hahaha char.
Sana nagustuhan nyo guys. Lovey'all! <3
BINABASA MO ANG
BE WITH YOU AGAIN
Fanfiction"Ang daming nagbago jho." "Bakit tayo nagbago jho?" "Jho bakit hindi ako?" "Jho bakit hindi ako yung pinaglaban mo" "Pwede pa?" "Pwede pa ba bea?" "Sana pwede pa"