BEA POV'S
Finally ay na sa akin na ulit si jho at ligtas kaming nakabalik dito sa dorm.
Pumasok na kami sa dorm at pinaupo ko muna sya sa couch at tumabi naman sila maddie jules deanna jaja at si jaycel.
Pumunta naman ako sa ref at kumuha ng tubig kita ko sa mga mata ni jho na takot na takot padin sya dahil sa mga nangyari.
Pagkatapos ay bumalik din ako at tumabi kay jho.
"Jho, calm down okay kana ligtas kana nandito na ako kami you'll safe here" sabi ko at inabot ko ang tubig sa kanya.
Uminom naman sya.
Tumingin ako kela maddie kita ko sa mga mata nila ang pag aalala at ganun din ako.
"sorry guys, takot na takot padin ako" sabi naman ni jho at nilapag ang baso.
Tumingin sya sakin at nakita nya ang braso ko hinawakan nya ito.
Kitang kita ko ang pag aalala nya ng tumingin sya ng derecho sa mga mata ko.
"bei, kamusta? anong nangyari? im so so sorry kung hindi kita naligtas im so sorry kung napabaya---"
Hindi ko sya pinatapos sa mga sasabihin nya. Hindi nya kailangan mag sorry dahil wala syang kasalanan.
Hinawakan ko sya sa mukha at tumingin ako ng derecho sa mga mata nya. Trying to take away all her worries at lahat ng takot na bumabalot sa kanya ngayon.
"Hey hey, you dont need to say sorry wala kang kasalanan jho ang mahalaga ngayon ligtas kana ligtas na tayo, nandito na ako jho as long na nandito ka sa tabi you will be safe okay? stop worrying iloveyou" sabi ko at hinalikan ko sya sa noo at yinakap ng mahigpit.
"Iloveyoutoo."
Bumitaw din kami agad at napansin kong may pasa sya sa braso nya.
"Anong nangyari dito?" sabi ko naman at kumunot ang noo ko.
"Jho sino ang gumawa nyan sayo?" sagot naman ni maddie.
Tumingin naman sila jho sa kanilang lahat at tumingin ulit sakin.
Napahilamos sya ng mukha nya at umayos sya ng upo.
Napapikit sya ng madiin at huminga ng malalim.
Oo alam ko na, alam kong may mali isa lang ang nasa isip ko kung sino ang gumawa nito sa kanya. Si nico.
"Si nico, si nico ang gumawa nito sakin. Pag katapos nya akong kuhanin nung nasa beach tayong lahat dinala nya ako agad sa secret place nila ni mikee. Lumaban ako dahil gustong gusto kong tumakas sa mga kamay nya that time pero hindi yun nangyari dahil sobrang higpit ng mga hawak nya sa braso ko at sa sobrang higpit kaya nagka-pasa ako. Paulit ulit kong sinabi sa kanya na pakawalan nya ako pero ayaw nya. Hanggang sa dumating sa point na ikinulong nya ako sa kwarto ng buong gabi wala akong nagawa wala akong magawa para makatakas nun akala ko buong buhay na ako nandun akala ko wala ng pag asa akala ko hindi na ako makakalabas akala ko hindi ko na kayo makikita ulit akala ko hindi ko na ulit makikita si bea." Nag simula ng tumulo ang mga luha nya at pinunasan nya ito at huminga ulit ng malalim para ipagpatuloy ang pag sasalita nya.
Sa mga narinig ko napatikom ko ang mga kamao ko, kung kanina nagmamadali kaming tumakas sa bahay na yun nila nico ngayon gustong gusto kong bumalik para sapakin si nico.
Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinanas ni jho dahil sa mga binitawan nyang mga salita.
Hindi ko mapigilan tumingala dahil punong puno ako ng galit ngayon. Kulang na kulang pa ang lahat ng bugbog at suntok na nakuha nya sakin.

BINABASA MO ANG
BE WITH YOU AGAIN
Fanfiction"Ang daming nagbago jho." "Bakit tayo nagbago jho?" "Jho bakit hindi ako?" "Jho bakit hindi ako yung pinaglaban mo" "Pwede pa?" "Pwede pa ba bea?" "Sana pwede pa"