Nagdadrive na kami pauwi. Ang saya saya nilang dalawa habang ako tahimik lang sa kinauupuan ko.Hindi ko lubusang maisip eh. Ayaw talaga mag sink in sakin. Hindi ko magawang isink in sa utak ko. Nung nakita ko silang dalawa parang naiinis ako na ewan kaya hindi ko sila pinansin dalawa. Halata namang gulat din sila nung nakita nila ako.
Nakauwi na kami at dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Naligo at nagpalit ng pajamas ko. Habang pinapatuyo ko yung buhok ko may nag pop up na notif. Galing sa Instagram and Twitter ko.
Hindi ko alam bakit hindi ako masaya eh. Siguro ba dahil sa iniisip ko? Dahil ba sa nakita ko? Dapat masaya ako kasi finollow lang naman ako ni Ariana Grande sa Ig at Twitter eh. Pero wala akong maramdam na excitement. Nadinig kong nagsisisigaw si Ingrid sa kwarto niya at nadinig ko din na nagkakakatok na siya sa kwarto ni Lennox na kung saan sumunod yung nakakabinging sigaw din ni Lennox. Siguro na follow na din sila ni Ariana. Nagpost din si Ariana ng pic na kasama kami sa Ig niya. Pero wala akong maramdamang saya eh. Hays ewan ko na
Itutulog ko na lang muna to. Ayaw ko ng isipin pa kung ano yung nakita ko. Alam ko naman na may explanation naman yun. Makikinig naman ako kung kelan handa na ako.
Kinabukasan nadinig ko na aalis daw sila mama sasama daw sila Ingrid at Lennox. Ayaw ko naman sumama kasi sabi ko sa sarili ko na tatapusin ko yung thesis ko ngayong araw. Recommendation na lang kasi yun tapos di ko pa tatapusin diba? Kaya di na lang ako sumama at sinabi ko sakanila na sa susunod na lang. Sabi ni mama uuwi daw sila mamayang gabi at bukas daw mag babakasyon kami. 3 day outing lang kumbaga. Sabi ko naman sa sarili ko may swimming pool naman kami sa bahay bakit ayaw nila na dito na lang?
Naiwan akong mag-isa sa bahay. Day off din kasi ng maids namin dahil Tuesday. So ako lang talaga natira sa bahay.
Wala akong ginawa kundi ayusin yung Recommendation ko. Bwiset kasi yung mga kagrupo ko hindi gumagawa kaya I told Mr. Neil our Chem Teacher na magsosolo na lang ako at ibigay na lang dun sa mga pesteng kagrupo ko yung topic namin at ako na lang ang mag aadjust.
Buti na nga lang at pumayag si Sir.
Natapos ako sa thesis ko magtatanghali na. I decided to cook some food kasi gutom na gutom na ako. Ayaw ko naman mag drive thru kasi nakakatamad mag maneho.
Habang nagluluto ako biglang may nag doorbell. Sino naman kaya ang bwisita na yon?
Paulit ulit siyang nagdodoorbell. Letseng tao na yon ah.
"teka lang letse naman!" napatagalog na ako sa qiqil sa taong yun
Pagka bukas ko nga ng pintuan bumungad sakin si Crosby.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya
Si Crosby lang kasi yung marunong mag tagalog sakanilang magkapatid. Kaya di ako manonose bleed. Pero ayaw ko siyang makita naiinis ako. Kapal ng pes magpakita at kausapin ako pagkatapos ng ginawa niya sakin noon.
"pwede bang wag mo muna akong sungitan?" seryosong sabi ni Crosby sakin
"eh ano ba kasing ginagawa mo dito?" naiinis padin na tanong ko sakaniya
"sasabihin ko sayo kapag di na nakakunot yang noo mo, mag chill ka nga kahit saglit Caydence"
Letse tong lalakeng to inuutusan niya ba ako? qiqil siya hmp.
Kinalma ko yung sarili ko bago ko uli buksan yung bibig ko kasi pag di ako nakapag timpi dito sa lalakeng to masusuntok ko to eh.
"ok" pabuntong hiningang sabi ko
"di mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya sakin
Inirapan ko siya at binuksan ko ng malaki yung pinto para makapasok siya.
Pero hindi siya pumapasok kaya nagtaka na ako
"ano ba papasok ka ba o magpapapilit ka pang pumasok?" naiirita ng tanong ko sakaniya
"hindi sa bahay niyo" nakangiti niyang sabi
Nagtaka naman na ako sa inaasal niya. Adik na ba to? Parang tanga ampupu
"Crosby nagluluto ako kaya please don't waste my time. Papasok ka ba o hindi?"
"welcome padin ba ako?" tanong niya na biglang lumapit sakin
siguro ilang inch na lang yung layo ng mukha niya sa mukha ko. Nyetang lalake to ano ba trip niya.
"papapasukin ba kita kung hindi ka welcome? alam mo baliw ka talaga noh?" sabi ko sakaniya kahit sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko
"tatanggapin mo parin ako sa.....puso mo?" biglang sumeryoso na mukhang sabi niya sakin
"o-oi a-ano bang p-pinagsasabi mo d-diyan?" nauutal ko ng sabi sakaniya
Bigla siyang ngumiti tapos pumasok na siya sa bahay.
"hmmm ang bango ng niluluto mo ah" bigla niyang sabi tapos dumiretso siya sa kusina
Putek ano bang ginagawa niya? adik na ba yun?
Tapos na pala yung niluluto ko.
"dito ka na kumain" pag-aaya ko sakaniya
"sure,wife" sabi niya habang naka upo sa dining room
"Crosby stop calling me that"
"why? wife?"
Hindi ko na lang siya pinansin at naghain na ako ng pagkain namin.
"hmm ang sarap mo talaga magluto wife" nakangiti niyang sabi sakin
"Crosby stop it" naiirita ko ng sabi sakaniya
"why u don't want me to call u wife?"
"mukha bang gusto ko?"
"hindi, pero ako gusto ko.... at alam mo kung ano mas maganda dun?" tanong niya sakin
"pft, ano?"
"gusto kita"

YOU ARE READING
Until I Remember You
Teen FictionPaano kung nahulog ka na sakaniya at nahulog na din siya sayo pero may mangyayari na hindi mo inaasahan. Will love still wins in the end? Will love be the bridge in remembering him?