Chapter 11: Encounter

1 0 0
                                    


Nauna na si Ingrid bumaba kasi medyo late na din ako nagising. Siguro 8 na ng umaga. Ang sabi naman samin ni Mama kagabi na 8 kami kakain. Nagayos na ako at naligo. Sakto namang may kumatok sa pintuan sure akong si Marcus yun.

Pagkabukas ko hindi nga ako nagkamali at siya yung nakita ko.

"wow, pillow ang cute ng suot mo" sabi niya sakin (see media)

"psh ewan ko sayo haha"

"pero mas cute ka syempre"

"ewan baliw. tara na nga gutom na ako eh"

Nagtext na din ako kay Ingrid na may kasama ako kaya magsave pa siya ng isang seat sinabihan ko din na sabihan niya sila mama. Nagreply naman siya na ok na daw.

Pababa kami at dumiretso sa kainan.

Una kong nakita si Ingrid

"Ate! ditooo!" sabi niya sakin

Ngumiti naman ako at inaya si Marcus na pumunta dun. Pagkadating namin dun nakatitig ng masama si Crosby at Skylar sakaniya.

Anong problema ng dalawang yun?

"oh anak andito na pala kayo, siya siya upo na"

"ahm everyone this is Marcus my friend"

"aba alam ko anak ano! anak siya ng may-ari neto eh" sabi ni mama

"talaga ba mare?" sabi naman ni Tita Helen

"kay gwapo mo naman iho" papuri ni Tita Helen

"ah salamat po"

Bakit parang nailang to bigla? Siguro dahil nahihiya siya samin. Well naiintindihan ko naman

"So what do your parents do Marcus?" biglaang tanong ni daddy pagkaupong pagkaupo namin

"hmm my dad is the owner of the Orlands Airline and my mom owns 25 resorts in Asia, 5 in Europe and 30 here in America."

"wow your a son of a very wealthy family" namamanghang sabi ni daddy

"grabe ang yaman mo naman" sabi naman ni Ingrid

"oo nga grabe" sabi ni Ate Greta

"Ilang taon ka na?" biglang tanong ni Skylar sakaniya

Tinignan siya ni Marcus ng seryoso sinagot niyang 20 na siya at parang nagagalit na tono

Nagtaka naman ako pero hinayaan ko na lang. Napansin ko din na ilang padin sakin si Aviana.

"nililigawan mo ba kapatid ko?" biglaang tanong ni Lennox

"Lennox,may girlfriend siya" ako na yung sumagot kay Lennox

"ohh akala ko nililigawan ka eh" napakamot sa ulong sabi ni Lennox

"Actually I want to" biglang sabi ni Marcus na kinagulantang nila at lalo na ako

"Marcus, what are u saying?" pabulong na sabi ko sakanila

"I like your daughter Mr and Mrs. Mavis. She's fun to be with. She's sweet and kind. There is no time wasted when im with her" sabi niya habang nakangiti

Ako naman natulala kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko

"is that so? but u have a girlfriendn as per my daughter?" biglaang sabi ni daddy

"Actually I don't have a girlfriend." at bigla siyang kumindat sakin at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look after nun tumingin uli siya kay daddy and he said "I'm serious that I like your daughter"

"well hindi mo siya pwedeng ligawan" biglang singit ni Crosby

"and you are?" tanong ni Marcus kay Crosby

"Crosby Brennen H. Murphy" pagpapakilala ni Crosby

"so what's your relationship with Caydence?" isa pang tanong ni Marcus kay Crosby

"I'm her suitor"

"hindi ka naman pala niya boyfriend so bakit bawal ko siyang ligawan?"

"kasi nililigawan ko na siya"

"is there a limitation kung ilan ang pwedeng manligaw sakaniya? Mr.Murphy?"

Halatang di na alam ni Crosby ang sasabihin. Buti na lang nagsalita si Mama

"let's eat! the food is here"

"mabuti pa nga" sabi naman ni Tita Helen

Tinignan ko naman si Crosby at parang binigyan ko siya ng we-MUST-talk-later look.

Natapos yung kainan.

Kinahapunan sinabi ni Marcus na kailangan niyang puntahan yung mommy niya sa Cali. Kaya baka next week pa siya makabalik. Medyo malayo din kasi ang Cali sa Dallas eh. May Helicopter naman sila kaya di makakapagtaka na mabilis siya makakarating dun.

"so see u next week?" tanong sakin ni Marcus

Andito kami ngayon sa Helipad ng resort nila

"uhm yung sinabi mo kanina? na y-you like me? is it t-true?"

Ngumiti siya

"yes i do like u but there's something that I need to end first before I'll start courting you"

"Oh, pero hindi ko padin gets? hehehe"

"hmm, I'll explain everything when I get back okay? I'll text u." sabi niya

"okay, ingat ka" sabi ko na may ngiti sa labi

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo saka pumasok na sa Helicopter nila.

Di niya ako gusto pero may pa halik halik pa sa noo na nalalaman. Ewan ko ba bahala na hintayin ko na lang siya.

Until I Remember YouWhere stories live. Discover now