Chapter 17: The Black Envelope

5 1 0
                                    


Ingrid's POV

KINABUKASAN pagkalabas ko ng kwarto nakita kong nag-uusap usap na sila Mama, Dad, Kuya Lennox, Crosby at si Kuya Skylar.

Hindi ba dapat naghahanap na kami ngayon kay Caydence? Bakit may pa meeting pang nagaganap?

"anong pinag-uusapan niyo?" singit ko sa mukhang seryosong pag-uusap nila

"a-anak gising ka na pala. gusto mo ba ng gatas?" tanong ni mama sakin

"salamat ma pero ayaw ko po. ano yang pinaguusapan niyo?" muling tanong ko sakanila

Walang nagsasalita sakanila. Multo na ba ako? Hindi naman diba? Nakausap naman ako ni mama eh. Anong meron.

Sumilip ako sa lamesa. Parang nanghina ako sa nakita ko.

"b-bakit meron tayo niyan? sino n-nagpadala niyan?" kinakabahang tanong ko

Tumingin naman ako kay mama at umiling siya.

"bakit hindi pa ho natin kaya buksan? para malaman po natin kung ano yung nakasulat diyan sa sobre?" biglang singit ni Crosby

"h-hindi pwede" sabi ni Mama

"bakit naman po hindi?"

"Kailangan sundin ang nakaulat sa Montereal Numero Kwarentay-otso"

"Ano po ba ang nakaulat dun?"

Hindi nagsalita si Mama kaya ako na lang ang nagsalita.

"hindi maaring buksan ang isang itim na sobre sa loob ng bente kwatro oras. simula ng maipadala ito" sabi ko kay Crosby

"ano po bang meron sa mga Montereal na yan? Parang ang misteryosong pamilya?" nagtatakang tanong ni Crosby

"misteryoso nga ang Pamilyang Montereal" sabi ko kay Crosby

"mind telling us why? kasi mukhang alam na alam mo o kilalang kilala mo ang Pamilya nila eh"

Tinignan ko muna si Mama at hinawakan niya ang kamay ko. Sinisimbolo nun na ako na ang magsabi.

"What you are about to hear will stay in here,is it clear?"

Napabuntong hininga naman siya at tumango.

"Ang Pamilyang Montereal ay nahahati sa 3. Tinatawag silang HOOD. Ang unang hati ay ang Royal Hood. pangalawa ay ang Light Hood at ang panghuli ay ang Dark Hood. Isang Pamilya na hindi ma control ng kahit na sino. Maliban na lang kung maswerte ka at napunta ka sa Light Hood. Dahil ang mga nakakapunta dun ay magkakaroon ng normal na buhay at walang papanigan sa dalawang magkalaban" panimula ko

"magkalaban? anong ibig mong sabihin?" biglang tanong ni Crosby

"Magkalaban ang Royal Hood at ang Dark Hood. Ang napapabilang sa Royal Hood ay ang mapapalad na parte ng pamilya na may nagawang maganda sa kanilang buhay. Sa kabilang banda ang Dark Hood ay ang mga parte ng pamilya na walang ginawa kundi pumatay, manira at sakupin ang Royal Hood. Oo,mahirap silang kalabanin mahirap silang tumbahin. Isang bagay lang ang hindi nila maaaring gawin..."

Nakatutok silang lahat sa sinasabi ko ng may kumatok sa pinto.

"Aish! Nasa climax na eh! bakit ganon?" reklamo ni Crosby

"Ako na magbubukas" sabi ni Kuya Lennox

Pagkabukas ng pinto ay ito pala yung kanina pa nila hinihintay.

"yown! salamat gutom na gutom na ako eh" sabi ni Crosby

"maliligo na muna ako" paalam ko sakanila

Nawawala si Caydence. Hindi magandang sign ang pagpapadala ng itim na sobre. Kailangan na namin mahanap si Caydence. Bago pa mahuli ang lahat.

GABI na ng makabalik kami sa hotel. Pagod at dismayadong mga mukha lang ang tanging naiuwi namin at hindi si ate.

Napagdesisyunan namin mag pa room service na lang ng pagkain. Sinabihan na din namin sila Crosby at Skylar na mag checkout na dun sa kwarto nila at matulog na lang sila dito sa 2 ekstrang kwarto.

Malaki kasi ang kinuha naming kwarto. 5 ang kwarto dito. Mas mabuting magkakasama kami kesa may mawala pang isa.

Pumatak ang 9:00 ng gabi. Habang kumakain kami ay may nag alarm sa cellphone.

"Kanino yun?" tanong ni Skylar

"sakin" sumagot si mama

"its time to open the envelope" pagpapatuloy ni mama

Kinuha ni mama ang envelope sa volt. Lahat kami nagkumpulan saglit sa living room area. Nakapalibot sa lamesa.

Mabagal na binuksan ni mama ang sobre.

Napahawak siya sa bibig niya at naihulog ang sobre.

Nagtaka naman kami at agad kong kinuha ang nasa loob ng sobre.

'Isang sulat na naglalaman ng anim na salita at isang litrato na makakapag sira' ayan ang nakasulat sa harapan ng papel na nasa loob ng sobre

Binuklat ko ang papel at may nahulog na litrato.

"s-si C-Caydence to d-diba ma?" tanong ko

Tumango siya at sinimulan basahin ang nasa likod ng litrato na ibinigay saamin

"Bumalik ka, Kapalit ng munting anghel"

Ayan ang nakasulat sa likod ng litrato ni ate.

Nabasa naman ng lahat ang nakasulat. Naintindihan ni daddy ang nakasulat.

"S-sino ang pinapabalik ma?" tanong ni Kuya Lennox

Parang naiiyak na si Mama pero ayaw niyang ilabas ang mga luha niya. Sa wakas nagsalita na siya. Pero ikinasakit at kinagulat namin ang narinig galing sa bibig niya.

"ako ang pinapabalik nila. galing sa Dark Hood ang mensahe na yan"

Parte ng Dark Hood si Mama? Hindi maari! Galing siya sa Light Hood! 

Until I Remember YouWhere stories live. Discover now