Penelope's POV
1 linggo na simula ng makita namin siya na mag-isa at napagdesisyunan namin na kunin siya. Papunta ako ngayon sa kwarto ng Juzwiral ang isa sa may mataas na katungkulan sa aming Hood at ang aking Ama.
"Ama?" sabi ko pagkapasok ng kaniyang silid
"Oh,Penelope ano ang ginagawa mo dito?"
"maaari ko ho bang mabisita si Caydence sa kaniyang silid sa ituktok ng palasyo?"
"mag gagabi na Penelope. Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yan?"
"May gusto lang ho akong ihatid na mensahe sakaniya Ama. Pangako hindi ho ako magtatagal. Maaari niyo po akong pabantayan sa mga kawal"
"o siya sige bumalik ka makalipas ang 1 oras"
Pagkasabi niya nun ay pinatawag niya ang mga kawal at sinamahan ako papunta sa Palasyo. Agad kaming umakyat sa ituktok nito at sinabihan ang mga kawal na hayaan ako na mag-isang pumasok sa loob ng silid ni Caydence.
"pasok" sabi ni Caydence nang kumatok ako sa kaniyang pintuan
"Oh,Penelope ikaw pala" isang magandang ngiti na bungad niya sakin "may kailangan ka ba?"
"wala Caydence. Gusto lang sana kitang makausap?"
"ah oo naman sige tara upo ka dito"
"hindi ba labag sa iyong kalooban na sa lunes na magsisimula ang pagiging kabilang mo sa amin? Nais mo ba talagang mapabilang sa magulo naming mundo?"
Ngumiti siya bago magsalita "Isa akong Montereal, Penelope. Ng ikwento sakin ng iyong ama ang katotohanan na kabilang si Mama dito ay hindi na ako nagdalawang isip na maging isa na rin dito"
"Ngunit iniiwasan ni Heneral Addilyn ang aming grupo. Mataas ang kaniyang rango dito ngunit iniwan niya iyon para pakasalan ang iyong ama. Galit ang namutawi kay Ama ng malaman niya ito. Pamangkin niya si Heneral Addilyn ngunit masakit para sakaniya na iwan na lang basta basta ni Heneral ang kaniyang tungkulin para lang sa pagmamahal ng isang normal na lalake. Kaya naman napunta siya sa Light Hood dahil napagdesisyunan niya na maikasal sa isang normal na lalake. Nakasaad iyon sa ating aklat"
"Naikwento nga yun ng Ama mo pero gusto ko bumalik si Mama dito para matapos niya o mapagpatuloy niya kung ano man yung pinangako niya sa inyo diba? at kung ako ang daan para bumalik siya dito ay gagawin ko ang lahat para mangyari yun"
"sigurado ka na ba talaga" muling tanong ko sakaniya
Ngumiti siya at tumango.
May busilak na puso si Caydence at kaya niyang mag sakripisyo para sa mga taong mahal niya.
"oh siya babalik na ako sa mansyon. magiingat ka dito sa palasyo ah"
"oo naman,ingat ka Penelope"
Niyakap ko siya saka ako lumabas ng kwarto niya. Hindi ko naman inaakala na makikita ko ang taong nasa harap ko ngayon.
"A-Achilles anong g-ginagawa mo d-dito?"
"kailangan ko siyang makita"
"hindi maari. hindi pa ngayon."
"at bakit hindi?"
"dahil sinabi ni Juzwiral"
"wala akong pake. kailangan ko siyang makita"
Nais ko siyang pigilan ngunit bigla na niyang binuksan ang pinto. Balak sana siyang pigilan ng mga kawal pero sinabihan ko silang hayaan siya.
Hanggang ngayon ba naman Achilles? Siya parin pala?
YOU ARE READING
Until I Remember You
Teen FictionPaano kung nahulog ka na sakaniya at nahulog na din siya sayo pero may mangyayari na hindi mo inaasahan. Will love still wins in the end? Will love be the bridge in remembering him?