Halatang gulat din si mama,daddy and Lennox. tanging si Ingrid lang yung hindi gulat. Simula nung sinabi ni ate Greta na ipakilala si Aviana sakin gulat na mga mukha nila at hindi sila makapag salita.
Hindi siguro alam nila Ate Greta na bestfriend ko si Aviana.
"h-hi s-sis" sabi ni Aviana sakin
Tinignan ko lang siya. Akmang yayakap siya sakin ng tumalikod ako.
"Tara na ma" aya ko kela mama
Halata namang naguguluhan na din sila Ate Greta pero inaya na din sila ni Mama na pumunta kami sa loob.
3 Room yung kinuha nila mama samin. Isa sakanila ni Daddy, Isa kay Lennox at Isang kwarto para samin ni Ingrid.
Habang nasa kwarto kami si Ingrid na yung bumasag ng yelo samin.
"oh kamusta naman?" tanong niya sakin
"anong kamusta naman?" balik na tanong ko sakaniya
"hindi mo man lang ba tatanungin si Skylar at si Aviana? para magkalinawan na?"
"hindi"
"bakit?'
"if Skylar really do care for me and if he really do care about our friendship he would tell me right away, but he didn't. So ano pang kailangan ilinaw dun?"
"malay mo naman sasabihin nila sayo,pero hindi pa sila ready dibaaaa"
"mukha bang hindi ko tatanggapin yung kung anong meron sakanila kung sinabi nila agad? hindi naman ako ganun ka immature. Pero the fact na kahit isa man sakanila hindi sinabi sakin, nakakasakit kaya yun"
"bakit may gusto ka ba kay Skylar?" seryosong tanong niya sakin
"adik ka ba Ingrid?" diretsong tanong ko naman sakaniya
"oh malay ko bang gusto mo pala bestfriend mo diba?"
"ewan ko sayo"
"oo hindi lang sagot dami mong sin-"
Hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi sinagot ko agad yung tanong niya
"Hindi. Hindi Ingrid kahit kelan hindi ko magugustuhan si Skylar!. He's just a friend to me yun na yun period."
May bigla namang kumatok sa pinto at bumungad si Lennox.
"meron ba akong hindi nasasagap?" tanong ni Lennox
"kuya ang chismoso mo!" sabi ni Ingrid sakaniya
"luh hindi ah!"
"Kain na daw tayo sa baba sabi nila mama"
"tayo lang bang pamilya?" tanong ni Ingrid sabay tingin sakin na tahimik lang na naguunpack ng gamit namin.
"kasama daw sila Tita Helen eh,tara na!"
Palabas na kami ng kwarto ng lumabas din sa kabilang pinto si Skylar at Aviana.
Katabi lang namin yung room nila?! Magsasabay pa kami sa elevator. Ang saya naman.
"bro!" sabi ni Lennox kay Skylar
"o-oh kuya Lennox ah b-bababa na kayo?" nauutal na tanong ni Skylar samin
"hindi ba halata?" tanong ni Ingrid
"uhm baba na tayo?" singit ni-
Teka punyemas na mars! marunong magtagalog si Aviana?!
"mabuti pa nga" sabi ni Lennox
Nakababa kami sa kainan at nakakain ng lunch ng maayos. Buti naman.
Sinabihan kami nila Mama and Tita Helen na mag bihis kami. Mag siswimming daw kami.
Pumipili ako ng susuotin pero wala akong mafeel na suotin sa totoo lang.
"nako ate wala kang laban kay Aviana pagdating sa katawan. VS Model yun noh" sabi ni Ingrid sakin
"hindi naman ako nakikipag kumpetensiya sakaniya Ingrid" naiinis na sabi ko sakaniya
"ay hindi ba hehe sabagay sexy ka naman yieeee keleg na yan!"
"letse ka talaga Ingrid" medyo natatawa na sabi ko sakaniya
"tulungan na kitang pumili okay?"
"psh,sige"
Nagcover muna ako ng isang malaking tshirt. Mamaya ko na tatanggalin kapag maliligo na ako.
Pagkababa ko hindi ako makapaniwala sa nakita ko
"oh! Kuya Crosby anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ingrid sakaniya
"ahm inaya ako nila Tita Addilyn" sabi ni Crosby habang nakatingin sakin
"ohh yun talaga si mama HAHAHA oh siya saglit lang pupuntahan ko lang si mama. Ikaw muna bahala kay ate ah!" sabi ni Ingrid
"oo naman sige"
Tinignan ko lang siya tapos naglakad papunta sa beach area. Sa di kalayuan nakikita ko na sila Tita Helen. Kasama niya na si Skylar pati na din si Ate Greta. Andun na din sila mama. Ito talagang Ingrid Lines na to! PINAGTITRIPAN NANAMAN TALAGA AKO!
"uhm wife can-" hindi niya natapos sasabihin niya kasi pinutol ko, duh malamang
"don't call me that"
"sorry. pero Caydence seryoso ako sa sinabi ko sayo"
"alam mo naman na hindi na ako naniniwala sa love diba? weddings are just a waste of time. kids? sakit sa ulo lang yun."
"ikaw ah! iniisip mo agad kasal at anak natin" natatawa namang sabi ni Crosby sakin
"tse! iiwan na nga kita diyan!"
"luh wag! Caydence! sagutin mo muna tanong ko sayooo!"
"wala ka namang tinatanong" sabi ko habang unti unting naglalakd palayo sakaniya
Tumakbo siya palapit sakin at hinawakan ang braso ko ng marahan
"may pag-asa pa ba?"
Tinititigan ko lang siya
"mahal mo pa ba ako? kasi ako mahal na mahal na mahal na mahal kita Caydence"
Nginisian ko siya at sinabing
"puro salita. patunayan mo" then I pat his cheeks and naglakad na diretso kela mama.
"oh! you're girlfriend is here!" sabi ni Tita Helen kay Skylar
Bigla naman akong nashookt ng 5 seconds
"ma ano ba nakakahiya k-kay Caydence eh" nahihiyang sabi ni Skylar sa mama niya
"oh bakit? im not referring to kaikai! ayun yung girlfriend mo oh!" sabi ni Tita Helen habang nakaturo kay Aviana sa di kalayuan
"ikaw ah! si Caydence ay girl friend mo naman talaga!" sabi ni Tita Helen
"ma si Aviana girlfriend ko"
"loko loko! girl friend as in babaeng kaibigan!" sabi ni tita sabay batok kay Skylar
Imbes na maasar ako natatawa ako kay Tita Helen. Dabest talaga to si Tita HAHAHA

YOU ARE READING
Until I Remember You
Genç KurguPaano kung nahulog ka na sakaniya at nahulog na din siya sayo pero may mangyayari na hindi mo inaasahan. Will love still wins in the end? Will love be the bridge in remembering him?