Chapter 15: The Search

2 0 0
                                    


Maaga akong nagising at nagayos para puntahan sila Tita Addilyn sa baba. Magchecheck out na kasi kami at lilipat na lang kami ng hotel. Hindi naman nila maiiwan yung kotse ni Caydence kaya ako na ang pina drive niya sa kotse ni Caydence.

"bro! ayaw kasi ni Caydence na may magdrive samin ng kotse niya. Eh sa tingin ko naman hindi siya magagalit kung ikaw yung magmamaneho. Never pang nagalit sayo yun eh" sabi sakin ni Kuya Lennox

Nako kuya kung alam mo lang kung gano siya kagalit sakin ngayon baka ako pa yung pinakahuling ipag drive-in ng kotse niya

"o-oo naman kuya sige"

Nakarating kami sa isang hotel na malapit sa Police Station na pinag reportan nila tita. Kailangan na umuwi nila Mama,Ate Greta at Aviana. Inaaya na nila ako umuwi pero sabi ko magsestay na muna ako. Pinapauwi na din ni Aviana si Crosby pero ayaw ni Crosby umuwi. Sinabihan naman namin siya na kaya na namin at walang kasama si Aviana sa bahay pero naghire na pala siya ng 10 body guards sa bahay nila at pinapunta ang mga pinsan at tita nila sa bahay nila. Kaya nagstay na din si Crosby.

"find Caydence no matter what baby ah!" sabi sakin ni Aviana

"we will"

"you MUST!" sabi niya saka niyakap ako at hinalikan sa pisnge.

Umalis na sila at natira lang ay ang Pamilya ni Caydence,si Crosby at ako.

"ano na po ang move natin?" tanong ni Crosby sakanila

"hindi ko alam iho pero she was last seen sa Helipad ng resort with Marcus" sabi ni tita na mukhang nag-aalala na ng sobra

Shete hindi ko pa pala nasasabi sakanila na nag-usap kami ni Caydence. Tapos pagkatapos ng pag-uusap namin nauna siyang umalis. Pano ko ba sasabihin yun?

"baka sinama siya ni Marcus?!" biglang sabi ni Crosby

"imposible yun Crosby" sabi naman ni Lennox

"bakit naman?" tanong ni Crosby "malay mo kikidnapin ni Marcus na yun si Caydence! nako pag nangyari talaga yun lagot sa-" naputol yung sinasabi ni Crosby dahil nagsalita si Ingrid

"kuya shh nga! hindi naman ganun si Caydence eh. Hindi siya sasama basta basta dun"

"kaya nga kidnap Ingrid eh" naiistress na sabi ni Crosby

"ano naman mapapala ni Marcus kay Caydence? eh ang yaman yaman na nila noh"

Nagtalo sila ng nagtalo ng kung ano yung pwede nilang gawin para hanapin si Caydence at kung ano ang mga huling ginawa niya bago siya mawala.

Sabihin ko na kaya? Hayst kinakabahan ako baka sakin sila lahat magalit eh! Pero bahala na nga sasabihin ko na.

"uh. t-tita Addilyn? may s-sasabihin ho a-ako sainyo" kinakabahan na sabi ko

Napatigil naman sa pagtatalo sila Ingrid. Napatingin silang lahat sakin

"ano yun iho? may kinalaman ba yan kay Caydence?" tanong ni Tita Addilyn

"opo" sabi ko

"go on tell us Skylar" nakangiting sabi ni Tito Matthias

Buti good mood padin si Tito. Ayaw kasi niyang nagmumukhang kabado o nag-aalala eh. Source of strength siya kumbaga ng pamilya nila.

"Nung h-hinatid po niya si Marcus sa helipad nandun din po ako. Pero hindi ko po sila k-kasama. K-kakausapin ko po sana siya. May h-hindi po kami pagkakaunawaan k-kaya gutso ko po s-sanang malinawan kaming dalawa sa ikinagagalit niya" paninimula ko

Nakikinig padin sila lahat sakin.

"Nung natapos po silang mag-usap. Kinausap ko na po siya dun po medyo sa loob ng woods. Siguro ho n-nagalit siya d-dahil dun po kami m-maguusap. Habang naguusap po kami galit na galit padin po siya at hindi po bukas ang tenga niya sa paliwanag ko."

"tungkol ba kay Aviana ang pagtatampo niya saiyo iho?" tanong ni Tita Addilyn

Tumango ako at nagpahiwatig si Tita na magpatuloy ako sa kwento

"ayun po sa sobrang galit niya t-tinapos po niya ang p-pagkakaibigan namin" biglang naiyak ako sa sinabi ko

Hinimas ni Tita Addilyn ang likod ko.

"s-saka p-po siya u-umalis.... s-sorry po tita, tito, kuya Lennox a-at I-Ingrid. Kasalanan k-ko p-po kung bakit s-siya nawawala n-ngayon" humihikbi ng sabi ko

Parang hindi na kinakaya ng puso ko yung nangyayari ngayon. Hindi ko kayang mawala si Caydence.

"shh iho walang may kasalanan dito. Mabuti nga at sinabi mo samin. Makakatulong yun. Baka naligaw lang siya dun. 7hours pa bago makakagalaw ang mga pulis. Mabuti sigurong kumilos na muna tayo. Walang mangyayari kung tutunganga lang tayo dito." mahinahon na sabi ni Tita Addilyn

Akala ko magagalit sakin si Tita. Pero hindi.

ANDITO kami ngayon kung saan kami nag-usap ni Caydence. Naghiwa hiwalay kami para mahanap namin si Caydence agad.

Magkasama si Tito Matthias at Tita Addilyn. Si Ingrid at Si Lennox at si Crosby at Ako.

Ayoko man siyang kasama dahil sinaktan niya si Caydence p[ero kuya padin siya ni Aviana. Ang babaeng karelasyon ko ngayon.

"Dito siya dumireto nung pagkatapos namin mag-usap" sabi ko kay Crosby

Tinanguan niya ako at dumiretso kami dun.

Puro sigaw namin ay

"Caydence!"

Habang naghahanap padin kami hindi ko alam kung bakit natanong ko kay Crosby yung bagay na yun.

"Crosby,mahal mo ba talaga si Caydence?"

Tumingin siya sakin at parang nabigla sa tanong ko. Halata namang hindi niya inaasahan yun.

"oo naman Skylar. Ano bang klaseng tanong yan?"

"marami namang ibang babae diyan na nagkakandarapa sayo. Bakit hindi na lang sila? bakit si Caydence pa?...bat siya pa uli?"

"ayaw ko sa mga babaeng nagmumukhang tanga para lang sa atensiyon ko. Iba si Caydence sakanila."

"nagpakatanga naman si Caydence sayo ah? anong pinagkaiba niya sa mga babae na yun?"

"malaki pinagkaiba niya sa mga yun. mahal ko siya,sila hindi" at bigla siyang ngumiti

Mukha ngang seryosong seryoso si Crosby kay Caydence. Anong laban ko sa ex? Eh bestfriend lang naman ako?

T-teka nga lang! Skylar ano bang pinagsasabi mo? nako ka! Hindi yan pwede si Aviana lang dapat ang mahal mo.

Habang pinapagalitan ko sarili ko biglang nagsalita si Crosby.

"ikaw ba? mahal mo ba si Caydence?"

Nabigla ako sa tanong nya. Hindi ko masabi na mahal ko si Caydence na hindi lang bilang kaibigan. Lalo na kuya pa ni Aviana to. Hayst ano ng sasabihin ko?

"Skylar?"

Paulit ulit niyang tawag sakin at natauhan naman ako.

"a-ah? a-ano uli yung t-tanong m-mo?"

"mahal mo ba si Caydence?" pag-uulit niya ng tanong niya

"o-oo naman, b-bestfriend ko yun eh" sabi ko na may pilit na ngiti

Ngumiti siya at sinabing

"mabuti naman. Wag kang magkamaling saktan si Aviana. Ayaw kong masaktan siya." sabi niya at naglakad muli.

Nagsalita ang hindi manloloko.

Lakad lang ng lakad hanggang may naapakan ako.

Kinuha ko naman at nabasa ang naka-ukit dito.

Kinataas ng balahibo ko ang nabasa ko.

Langit

Necklace to na binigay ko sakaniya sure na sure ako! Pero bakit andito to eh hindi ko naman nakitang suot niya to nung nagusap kami?

Caydence nasan ka na ba?

Until I Remember YouWhere stories live. Discover now