Tamang Panahon

349 2 0
                                    

Ang tunay na pag-ibig ay parang prutas. Kapag kinuha mo agad sa puno, bubot. Matutuwa ka lang sandali kasi nakakuha ka ng prutas, pero hindi mo rin mapapakinabangan kasi mapakla pa ang lasa.

The point is hintayin mo ang tamang panahon. Hintayin mong mahinog munabago mo pitasin para hindi masayang. Para mas maging masarap at tunay na matamis. Pero huwag mo ring masyadong patagalin kasi baka iba ang kumuha. At sa huli maiwan kang nakanganga.

Kailan ba kasi ang tamang panahon?
Wala namang ibang tamang panahon kundi ang panahon kung kailan handa ka na. Handang lumipad. Handang lumagapak sa lupa at masaktan. Pareho kasing kasama yan sa paglalakbay na gagawin mo.

Sabi nga ni Rumplestilskin sa TV series na Once Upon a Time, "If you ignore the gift of time and rush into things, you will never be ready." Kaya kumalma ka muna diyan. Marami ka pang pagdadaanan. Marami ka pang matutunan. At kapag natutunan mo na ang tunay na kahulugan ng pag ibig, hindi mo namamalayang naisusulat mo na pala ang isa sa pinakamagandang lovestory.

MAKATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon