Naranasan mo na bang matanong kung "willing to wait" ka para sa paborito mong piniritong manok? Ang sakit di ba? Pero hinintay mo pa rin. Gusto mo yun ea. Hindi sa lahat ng paglalakbay at pakikipaglaban ay kailangan mong kumilos, minsan sapat na ang maghintay, lalo na kung nagawa mo naman ang lahat para dun. Subukan mo lang, kapag naipit ka sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong magbitaw ng mabigat ma desisyon, piliin mong maghintay. Piliin mong timplahin muna ang bawat salitang sasambitin, at bawat bagay na gagawin mo bago ka kumilos. Piliin mong maghintay. Sadyain mo.
Parang pagkagat lang sa dila yan eh, kapag hindi mo sinadya, maluluha ka sa sobrang sakit. Pero kapag sinadya mo, hindi naman masakit. But the point is, bakit mo kinagat ang dila mo?
May mga bagay na masarap hintayin, lalo na kung alam mong darating. Sabi nga nila diba? "Good things take time"
