Torpe

120 2 0
                                    

      May mga tao talagang torpe at napakahirap labanan nun. Kahit simpleng pagngiti o pagkaway lang ang ginawa nila, para ng kinakalampag ni King Kong ang kanilang dibdib. Pero sabi nga, walang mangyayari kung torpe ka. Hindi ka mananalo kasi hindi ka naman tumaya o sumugal.

     Isang araw, mumultuhin ka na lang ng tanong sa isip mo. Na kung nilabanan mo lang kaya kahit isang beses ang hiya at kaba mo, ano kaya ang posibleng nangyari?

      Takot ka sa magiging sagot niya, nakakatakot naman talaga. Posible kasing masayang lang ang mga panahong pinagsamahan niyo. Mahirap talagang sumugal kung friendship ang nakataya at lalo na kung hindi ka nakakaramdam ng pag asa.

Pero pagsugal lang naman ang paraan kung gusto mong umakyat sa susunod na level. Kaya kailangan mong tanungin ang sarili mo. Ano ba ang mas malakas, ang pangangalampag ni King Kong sa dibdib mo o ang nagsusumigaw mong puso?

MAKATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon