- Magkaiba ang naghihintay at nagaabang. Ang naghihintay, bahala na kung ano dumating. Ang nag aabang ay naghihintay at umaasa.
- Hanggang sa hindi mo na kayanin. Mapupuno na ng tanong ang isip mo. Paano kaya kung naging gwapo o maganda ka? Paano kaya kung may gusto rin siya sayo? Paano kung nagkakahiyaan lang kayo na mag-aminan ng feelings? Dun ka na magsisimulang umasa. At kapag hindi nangyari ang mga inaasahan mo, masasaktan ka siyempre. Hanggang sa ma realize mo na ikaw na pala mismo ang nagpalaki ng sugat na dapat sana ay magaling na kung mas pinairal mo lang ang iyong isip at hindi ang puso.
