[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]
HAY! Ang init talaga sa Pilipinas. Like you know! Tagaktak na naman ang pawis ko kahit nag-hugas lang naman ako ng pinggan. Nakakairita tuloy another palit na naman ako ng damit.
Kailan kaya magpapasabog ng libo-libong snowflakes si Lord dito sa Pilipinas? Sana naman sa susunod na month umulan ng yelo. Yung binibenta ng may mga tindahan para lahat ng magtatangkang lumabas bukol ang abot! Hahahaha!
Pero syempre hindi naman mangyayari yun. Duh! Tropical country ang Pilipinas. Alangan namang maging four season tayo diba? Ano yun Tang lang na juice? Hay! Kakaloka!
"Ate Shin anong ginagawa mo?" tanong ng nakababata kong kapatid.
"Ah! Nagpaplanking ako gusto mo i-try?" sarcastic kong sagot sa kanya. Nakita naman kasing nag-huhugas ng pinggan itatanong pa? Kung hindi rin siya bobo-seumnida nuh?
Nakita ko namang napairap siya sa ere.
"Sinong iniirapan mo multo?" pwede naman kasing ako na lang ang irapan hindi yung hangin. Mabuti sana kung iirap din yung hangin sa ginawa niya?
"Tss..." sabi nito at umalis na. Mabuti naman wala na siya hindi ko na makikita ang kapangitan niya. Baka mahawa pa ako sa kanya! Like err ewww lang ha!
Nang matapos na akong magplanking-- este mag-hugas nagpalit agad ako ng damit. Pawisin na naman kasi ako eh! Ang dugyot naman kung hindi ako magpapalit diba? Like err ewwww!
Nang matapos sa pagpapalit ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Yes may kwarto ako. Na babasa niyo naman diba? Hindi rin naman kayo bulag diba? Piece-seumnida na lang yung mga pipeng magbabasa nito. Eh hindi naman naririnig ng bulag. Isa pa hindi rin naman maiintindihan ni pilay ito. At hindi naman mababasa ni bingi ito. Chawot lang mga par!
Pero ito na nga syempre hindi ko na idedetalye yung mga ibang bagay na ginagawa ko. Anong akala niyo sa story na to diary ko? Hutakels na yan! Edi sana ang naging title nito eh 'TALAARAWAN' na lang!
Ehem ehem! Bakit nga ba tayo na punta sa usapin na yun. Hay proceed na nga lang!
Eh actually pag mga oras na ganito natutulog ako. Eh sa inaantok ako anong magagawa ko?! Alangan naman labanan ko edi na tegi naman ako?
Syempre ang gagawin ko ngayon aayusin yung higaan ko tapos hihiga ako tapos ipipikit ko yung ilong ko syempre mata ang ipipikit alangan namang butas ng ilong ang ipikit ko diba? Bakit ko ba dinetalye? Syempre yung iba kasi hindi alam kung paano ang tamang pagtulog basta na lang hihiga tapos tutulog na! Tama ba yun? Mali its wrong! Ok balik tayo so pagkatapos mong ipikit ang mata syempre hindi ka naman agad-agad na makakatulog. Ang makikita mo lang puro black tapos kapag tumagal-tagal tulog ka na!
Yehey tapos na! At dyan nagtatapos ang kwento ni 'ANG TAMAD NA AUTHOR-NIM NA NATULOG' bow*.
Hay syempre pag nakatulog ka hindi mo alam kung anong oras na eh tulog ka nga diba? Meron bang natutulog na alam ang oras ha? Syempre wala! Qaqu na lang ang nakakaalam ng ganun-imnida.
Ilang oras din siguro akong nakatulog. Ay hindi nagising? Syempre nakatulog nuh alangan namang one minute lang ako natulog? Natulog pa ako kung ganun din naman!
Hah! Napaka non-sense ng mga sinasabi ko. Ahihihihihi makalabas na nga lang ng bahay. Na bobored na rin kasi ako eh!
"Mama gagala lang ako!" pagpapaalam ko kay mama habang binubuksan yung mahiwaga naming gate.
YOU ARE READING
My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]
FanfictionAlam nyo ba? Syempre hindi niyo alam kasi hindi ko pa nga ina-announce. Pero ito na nga btw, Im your author syempre kasama na ako dito sa story. Hahahahaha! Syempre ako bida ano kayo sinuswerte? Puro na lang mga characters na naiisip ko yung bida? H...