[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]
NAKAKAPAGOD! Nakakapagod ang ginawang paghila sa akin ni Kuya Sehun. Oyy! Ni-reveal ko na name niya. Ang rude ko naman kasi masyado kung sasabihan ko siya ng ganito 'KUYANG BINGOT'. Isa pa hindi naman siya bingot bulol lang talaga siya.
Nagkandadapa-dapa pa ako sa pagkakahila niya eh ang bagsak lang pala namin eh sa tapat ng tindahan ni Aling Rosa. May nagtitinda kasi sa harap ng bahay nila ng mga street foods. Bigla tuloy akong natakam.
Omg! Food is Life kaya! Mabuti na lang tinanggap ko yung offer niyang manglilibre sakin. Kahit na sa totoo lang mali tong ginagawa ko. Masama kasi una lalaki tong kasama ko. Pangalawa kahit na magkumare ang mga nanay namin panget pa rin sa paningin ng iba na nakikitang mag kasama kami. At huli malay ko ba kung mabait ba to o hindi.
Kahit na gwapo si Kuya Sehun its a no pa rin. Duh! Sumama lang talaga ako sa kanya kasi nga libre niya daw. Sayang naman kung aayaw ako. Masama kaya ang tumanggi sa grasya. Mamaya hindi na ako bigyan ni Lord.
"Anong guthto mo?" tanong niya sakin na nagpabalik ng diwa ko sa earth. Juice ko-hamnida naka abot na ata sa planetang mars ang diwa ko kakaisip dito.
"Ha? Kwek kwek na lang." tipid na sagot ko dito. Tumango lang naman siya at siya na ang bumili. Alangan naman ako diba? Ang kapal naman ata ng muhka ko nun?
Naghintay na lang ako sa tabi. Yung kwek kwek lang naman ang sadya ko rito. Napapaisip kasi ako eh at the same time kinakabahan. Bawal akong magpagabi eh! Aytt O.A ko naman ata? Duh! Tirik pa kaya ang araw kaya ayos lang yan. Relax self hindi magagalit si mama.
"Oh." abot niya sakin ng kwek kwek medyo nagulat pa ako kasi ang dami ng kwek kwek na nasa plastic cup ko. Ganun ba to kagalante? Ay kailangan ko sigurong dumikit dito para libre ako palagi? Ayt! Abuso na ako pag ganun!
Sinimulan ko na lang ang pagkain ng kwek kwek ko. Plano ko kasi pagkatapos ay uuwi na ako. Baka kasi walang nagbabantay sa tindahan namin. Oo may tindahan kami. Aangal?
Medyo sa totoo lang ang awkward ng atmosphere. Nagkaka-alinlangan kasi kami dito sa pwesto namin. Wala rin namang nagsasalita. Nahihiya naman ako isa pa wala naman akong naisip ng topic na pwede naming pag-usapan.
Nabasag ang katahimikan ng mapagdesisyunan ko na mag open ng topic. Yung hindi magiging awkward samin. Hahahaha!
"Uhm... I have a question?" wow pota-iyeyo! Kailan pa ako gumaling sa english like err ewww!
Napatingin naman siya sakin. "Hmmm?"
"Bakit ka bulol?" prankang sabi ko dahilan para matawa siya. Buang-kangnida!
"Ewan ko bathta ganito talaga ako!" natatawang saad nito. Napangiwi na lang ako. Siguro imbis na turuan to na umaayos ng pagsasalita eh lalong binaby-talk pa.
Napatango na lang ako at kumain na lang wala na kasi akong maisip na na open na topic eh. Hindi naman ako pwede maging feeling close baka kasi lalo lang ako asarin nito.
"Ahm... Mithin?" tawag nito sakin kaya naman napalingon ako dito habang may subo-subong kwek kwek sa bunganga ko.
"Kailan mo pa ako naging cruthh?" huta-imnida naman oh?!
Bigla akong nabulunan sa tanong niya. Parang hindi ako makahinga! Qaqu-iyeyo lang ah?! Excuse me?! Ako crush siya?!
Nakita ko pa siyang tumatawa ng mabulunan ako! Walang-hiya to?! Walanjo-shipo! Nang mahimasmasan ay hinarap ko siya at tinignan siya ng masama.
YOU ARE READING
My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]
FanfictionAlam nyo ba? Syempre hindi niyo alam kasi hindi ko pa nga ina-announce. Pero ito na nga btw, Im your author syempre kasama na ako dito sa story. Hahahahaha! Syempre ako bida ano kayo sinuswerte? Puro na lang mga characters na naiisip ko yung bida? H...