[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]
AISST! Akala ko talaga malalagutan ako ng hininga ngayon. Mabuti na lang good mood si mama. Paano kakatong-its lang niya tapos siya pa daw ang nanalo eh wala namang pustahan. Oh diba? Lokaret si mama? Hahahaha!
Ngayon nagcecellphone lang ako tapos na kasi akong mag-hugas ng pinggan. Take note! Nag-huhugas ako! Anong akala nyo tamad ako?! Hehehehe totoo naman tamad ako. Pero syempre hindi pwede yun dito sa bahay kasi baka mamaya eh may bigla na lang pinggan na lumipad papunta sa maganda kong muhka! Nakuw wag naman ganun! Sayang ang kagandahan ko pag nagkataon nuh?!
"Pabili!" sigaw ng bumibili sa tindahan namin. Hay ano ba yan tinatamad ako na pagbilhan siya pero hindi pwede kagagalitan naman ako ni mama.
"Ano yun?!" sigaw ko tama lang para marinig niya.
"Modess nga yung lumilipad!" ahh! Alam ko kung anong sinasabi niya. Yung may wings daw ewan ko ba at bakit ang hilig ng lalaking to na sabihin na 'LUMILIPAD' yung modess eh pwede namang 'WITH WINGS' na lang diba?!
Oo take note! Lalaki yung bumibili! Lalaki kasi para sa ate nya yung napkin alangan namang para sa kanya wh hindi naman siya nireregla!
"Oh." pag-aabot ko sa kanya ng napkin na hawak ko tapos kinuha ko yung bayad niya. Tamad na tamad akong bumalik sa kinauupuan ko.
As usual nagcellphone ulit ako. Ano kailangan ko bang sabihin kung ginagawa sa cellphone? Una nagwawattpad ako. Pangalawa nagbabasa ako sa wattpad. Pangatlo ginagamit ko ang app na 'WATTPAD'. Pang apat sinusulat ko to sa wattpad!
"Shin!" tawag sakin ni mama mula sa sala.
"Bakit mama?" tanong ko rito habang papalapit sa kanya at ginagamit ang cellphone ko.
"Magpunas ka ng sahig... Ang lagkit na eh!" oh? Kasalanan ko ba kung malagkit na yung sahig? Charot! Nagkamot ulo na lang ako.
"Bakit?" binato namn ako ni mama ng tsinelas niya pero nakailag ako. Hahahaha! Duleng-iyeyo si mama!
"Anong 'BAKIT'? Diba malagkit? Tatanong ka pa eh!" naiinis na sabi nito sakin. Oo nga naman. Hahahahaha! Sorry naman!
"Hehehe..." yan na lang na sabi ko kay mama tapos kinuha ko na yung pamunas. Oo pamunas hindi uso mop sa amin eh! Hehehe!
Tagaktak na naman yung pawis ko habang nag-pupunas ng sahig. Jusko-iyeyo! For sure talaga na ang dugyot ko nang tignan sa totoo lang. Habang busy ako sa pagpupunas ng sahig eh biglang umepal ang kapatid kong adik sa tong-its kaya ayun nadulas!
Hahahaha! Ayan buti nga sa kanya! Ang bobo-imnida kasi eh! Hindi nag-iisip. Kita namang nagpupunas ako ng sahig tapos dadaan-daan siya. Ano siya si wonder woman?! Hahahaha! Ang priceless pa ng muhka niya nung nadulas siya. Pwe hahahaha!
Gusto na talagang tumawa kaya lang baka kalmutin na naman ako eh! Matsakit pa naman siya mangalmot! Bakit meron bang harmless kung mangalmot?!
Imbis na tulungan pinabayaan ko siya. Hindi ko naman kasi kasalanan kung tanga-tanga-hamnida siya eh diba? Isa pa papansin siya nakita naman niyang nagpupunas ako dumaan pa rin ang bobakels! Hahahaha!
Nang matapos nilagay ko sa tabi yung pamunas. Sobrang nadudugyutan ako sa sarili ko. Sobrang pawis! Yayks! Kakadiri lang!
Umaakyat agad ako papunta sa kwarto ko pala magpalit. Na-aasiwa kasi ako sa sarili ko. Feeling ko sobrang lagkit ng buong katawan ko. Syempre nagpabango na rin ako. Duh! Amoy pawis kaya ako! Like err ewww!
Pagkatapos ng ka-ek-ekan sa katawan ko ay bumaba na ako. Syempre walang magbabantay ng tindahan namin! Alangan namang ipabantay ko sa pitbull?!
Syempre hindi ko na idedetalye pa yung ginagawa ko pag nagbebenta. Pero para na rin sa mga hindi paalam ang tamang pagbebenta eh idedemo ko sa inyo. Syempre pag may sumigaw na 'PABILI' it means may bumibili. Kaya nga siya sumigaw kasi bibili siya! Alangan namang tumambay siya diba? Syempre pagkatapos nung sasagot ka naman ng 'ANO YUN' alangan namang hindi mo siya tanungin edi hindi malalaman kung anong binibili niya. Tapos pag sinabi na niya kung anong bibilihin niya syempre dapat ibibigay mo sa kanya. Alangan namang ipang souvenir mo pa eh aanhin mo naman yun? Tapos syempre una muna bayad. Ano yun nauna yung binibili tapos hindi nagbayad? Bumili pa siya kung iuutang din naman niya! Tapos syempre aabutin mo yung bayad niya. Alangan na mang siya pa ang maglalagay ng bayad niya sa lalagyan ng pera niyo diba? Tapos ibigay mo na sa kanya yung binibili niya. Oh diba ang dali lang? Its just a piece of cake.
Ewan ko na lang sa iba kung hindi pa nila na gets. Magsara na lang kayo kung hindi kayo marunong magbenta! Hahahaha! Charot! Edi nawalan naman kayo nang kita? Hehehehehe!
Pero sa totoo lang kapag may tindahan kayo panay ang tayo niyo. Alangan namang lumipad ako papuntang tindahan. Ano nag-ala 'MODESS AKONG LUMILIPAD' ganun?
Kukuhanin ko na sana yung cellphone sa sofa namin kasi may bumili na naman ngayon-ngayon lang kaso bigla naman akong tinawag ni mama mula sa kusina. Nagluluto kasi siya ng para sa dinner namin.
"Shin!" tawag ulit nito sakin kaya napatakbo na ako papunta sa kusina.
"Ano po yun?" inosenteng tanong. Malay ko ba kung bakit ako tinawag ni mama?
"Mamaya may bisita tayo... Ayusin mo yung mga baraha kasi magtotong-its kami ng mga kumare ko. Kasama din nila yung anak nila kaya sabihin mo dyan sa kapatid mo na tumigil siya sa kakapusta dahil mamaya lang kami na ang gagamit ng baraha!" sabi nito habang naghihiwa ng patatas at carrots. Puro tango lang naman ang sagot ko.
Ang daming explanation akala ko naman importante. Hay! Ang dami na namang bisita mamaya dito sa bahay! Mababadtrip na naman ako. Nakakainis pa syempre aasikasuhin ko yung mga bisita isa pang leche-iyeyo eh aasikasuhin ko din yung tindahan. Hindi naman nahahati yung katawan ko para kayanin yung ganun gawain. Isa pa duh! Walo kaya ang kumare ni mama. Plus yung walo pa nilang anak!
Oh? Kamusta naman ako nung diba? Bakit ba kasi pupunta eh magtotong-its lang naman sila. Isa pa yung anak nung mga kumare ni mama eh sagabal pa. Balita ko pa mga binata na! Oh? Kamusta naman ako dun?
Napasimangot ako ng wala sa oras. "Mama pwede isara na lang yung tindahan?" tanong ko kay mama. Nagbabakasakaling pumayag siya para mabawasan naman yung aalalahanin ko.
"Anak... Walang pumipigil sayo." yun lang sabi niya. Sana pala hindi na lang ako nagpaalam diba? Ang ganda talaga sumgot ng nanay ko. Ang sarap iuntog yung ulo niya sa sulok ng bahay namin dito. Napa face palm pa ako habang sinasarado yung tindahan namin.
Tapos may ibang epal pa na humirit pa na bumili eh nakita na nga nila akong nagsasara tapos bumili pa! Muntik pang may maipit na kamay sa ka-epal na ginawa nila mabuti na lang talaga eh hindi ko pa totally na sasara. At yun ang pinagsisihan ko! Dapat talaga tinuloy ko! Edi sana naipit siya diba?
Well hindi ko na kailangang pang magpabalik-balik para lang asikasuhin yung mga bibili. Pero may pumalit naman. Yung mga bisita. Balita ko pa masama ugali nung anak ng kumare ni mama.
Uy! Wag nyo akong isusumbong ah? Nabalitaan ko lang naman yun eh! Hahahahaha! Sa kapit-bahay kong si Jessie! Hehehe! Chismosa kasi yun eh! Eh sa naikwento niya sakin edi naniwala agad ako! Hahahaha!
Pero isa lang naman ang kilala ko dun sa lalaking anak ng kumare ni mama. Si Sehun. Take note wala pong 'KUYA'. Siya na nag sabi sakin. Ka kanina lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/188761994-288-k779333.jpg)
YOU ARE READING
My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]
FanfictionAlam nyo ba? Syempre hindi niyo alam kasi hindi ko pa nga ina-announce. Pero ito na nga btw, Im your author syempre kasama na ako dito sa story. Hahahahaha! Syempre ako bida ano kayo sinuswerte? Puro na lang mga characters na naiisip ko yung bida? H...