#M8SA 5

5 0 0
                                    

[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]

GALING! Ang galing talaga ni tadhana at pinagkrus ang landas naming lahat! Sa sobrang galing parang gusto ko na lang manapak!

"Hi sayo!" masiglang sabi nung isa. Yung kasama sa mga nangbato na bola sa ulo ko. Ay wow! Nahiya naman ako nakapag 'HI' pa talaga siya matapos ang ginawa nila. At paano pa nilang nagagawa na ngumiti sa harap ko matapos ang kabulastugan ng nangyari kanina? Pota-kangnida lang talaga!

Oh? Edi sila na! Sila na ang bida! Sa inis ko inismidan ko lang sila at sinenyasan na pumasok na lang bago pa magdilim ang paningin ko sa kanila. Nang lahat na sila ay nakapasok saka ako nag moment.

"Tengene!" pigil na pag sigaw ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Baka kasi mamaya eh magdilim ang paningin ko at makapatay ang ng mga tao! Pero totoo gusto ko talagang pumatay ng walong tao ngayon.

Padabog akong pumasok sa loob. Syempre dire-diretso akong pumasok alangan namang pahinto-hinto ako. Edi nag muhka naman akong qaqu-shipo diba? Pero joke lang yon edi binato naman ako nun ng tsinelas ni mama.

Syempre huminga muna ako ng malalim. Feel kung mag detalye ngayon dahil naiinis ako. So bago ako pumasok para pa akong tangang nagpabalik-balik sa kinatatayuan ko. Pagkatapos unti-unti akong humakbang pasulong. Alangan namang paurong edi hindi na ako nakapasok ng ganun. Syempre mabagal lang ang paglalakad ko kasi ayaw ko pa kasing makita yung mga pagmumuhka nila nakaka-asiwa. Tapos nakahinga ako ng maluwag dahil na sa sala sila at naririnig ko pa ang malalakas na usapan nila. Pero ako imbis na pumunta kung na saan sila eh dahan-dahan akong pumunta sa hagdanan kaso nahuli ako ni Yaya Belen tapos sinigaw pa yung pangalan ko. Magaling!

"Oh? Mishin hija! Aakyat ka na?" halos pasigaw na sabi ni Yaya Belen. Parang nananadya ata ang matanda na to at pinarinig pa talaga sa kanila. Napaismid tuloy ako.

Umiling na lang ako sa kanya. Lupet ng tadhana eh! Sa dinami-dami ng pwedeng maging bisita sila pa! Wow! Kamusta naman yung brain cells at genes ko dun diba?

"Shin! Halika na dito!" tawag sakin ni mama mula sa sala. Napapikit na lang ako sa tuwa. Syempre sa inis! Dapat talaga hindi na ako nagsara pa ng tindahan! Edi sana nakakapag benta pa ako at baka yun lang ang atupagin ko.

Dahil nga masunurin akong anak eh pumunta na ako. Pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Hinalungkat ko din kung na saan na yung headphone ko. Feel ko kasing mag soundtrip nang naka high ang volume dahil nga naiinis ako! Nang makita ang hinahanap ko eh sinalpak ko agad sa tenga ko yung headphones ko tapos nag patugtog ng naka max ang volume. Yung nakakalaglag eardrums para masaya ang lahat.

Eh sa naiinis ako eh! Nag-stay pa ako ng ilang minutes sa kwarto ko. Grabe kahti na naka high volume na yung pinatutugtuog ko rinig ko pa rin yung boses ni mama. Tsk! Ano kayang klaseng megaphones ang nilunok ni mama?

"Shin!" rinig kong tawag niya rito. Napairap ako sa hangin. Syempre hindi naman makikita ni mama yun. Alangan namang bumaba pa ako tapos irapan siya tapos balik ulit sa kwarto ko. Nakakapagod naman yun!

Kahit na ayaw kong bumaba eh bumaba pa rin ako. Baka kasi mamaya hagisan na ako ni mama ng matigas niyang tsinelas dito sa kwarto. Nakakahiya may bisita pa naman.

Nakasimangot kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at padabog na bumaba ng hagdan pero yung walang ingay. Baka sabihan pa akong mabigat ang paa ko. Syempre nakasalpak pa rin sa tenga ko yung headphones ko. Feeling ko nga naglaglag niya yung iba tulok ko eh sa lakas ng patugtog ko. Take note 'BOY WITH LUV' yung tugtog. 'BOY WITH LUV'.

My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]Where stories live. Discover now