#M8SA 7

3 0 0
                                    

[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]

KYAAA! Nakakainis talaga! Simpleng salita pero kinikilig agad ako sa mga pinagsasabi ni Kuya Pandak! Feel ko tuloy na naglupasay dito at mangisay na lang bigla. Kaya lang nakakahiya. Jusko-imnida talaga!

"Hmmmp! Bala ka nga dyan!" kunwaring pagmamaktol ko. Hihihi kaartehan-overload-imnida ang peg ko! Hahahahaha!

"Uy! Joke lang saeng hindi ka naman mabiro." natatawang sabi nito sakin. Palihim ako ngumiti para hindi niya makita. Alangan namang ilantad ko mismo sa harap niya diba? Edi nakita naman niya? Tsk!

"Pumasok muna tayo sa loob Kuya Pandak?" pag-iiba ko ng usapan mamaya kasi eh maglupasay na ako dito.

Tumingin muna ito sa loob ng bahay bago ibalik ang tingin sakin. "Wag na nakakahiya sa mama at bisita nyo." sabi nito. Natampal ko na lang yung noo ko. Hay ganun kabait Kuya Pandak ko.

"Sure ka? Pwede naman kasi e--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil may dumating.

"Oh? Mishin anak bakit nasa labas kayo ni Yoongi?" napatayo agad kami ni Kuya Pandak sa pagkakaupo dito. Dumating kasi si papa.

"Ahm... Good Evening po Tito." magalang na bati ni Kuya Pandak kay Papa. Tinanguan lang naman siya ni papa.

"Halika na pasok tayo?" yaya samin ni papa. Nagkatinginan muna kami ni Kuya Pandak.

"Ah... Eh... Wag na po Tito dumaan lang naman po talaga ako dito at saka po marami po kayong bisita ngayon." nahihiyang saad ni Kuya Pandak. Napamura na lang ako sa isip ko.

"Bisita? Bakit hindi ko alam yun Shin?" takang tanong ni papa.

"Papa kasi si mama inimbitahan niya yung mga kumare at anak ng kumare niya." pagpapaliwanag ko kay papa. Nakita ko ang pag-irap ni papa sa hangin. Hahaha!

"Hay! Ang mama mo talaga!" naiinis na saad ni papa. Nagtawanan lang naman kami ni Kuya Suga.

"Oh? Tama na yan pasok na!" sabi ni papa at nagpatiuna na.

"Pasok ka na please!!!" pagmamakaawa ko sa kanya. Sayang naman yun. Hahaha.

Tumikhim muna ito. "Sige na nga!" nagtatalon ako sa tuwa ng marinig ko yung sagot niya. Yiee! Bakit ba? Eh sa pumayag siya eh! Hahaha!

"Tara na?" aya ko dito at pumasok kami sa loob ng sabay.

Nang makapasok eh parang may dumaan na angel-hamnida? Tumahimik ang lahat ng makita nila kaming tatlo. Si mama gulat na gulat na ewan. Yung mga loko naman naka kunot ang noo. Problema-shipo ba nila?

Natauhan din naman agad sila at nag si kilos din. Hay buti naman. Akala ko tutunganga pa rin sila eh.

"May bisita pala tayo bakit hindi ko alam yun?" naiiritang tanong ni papa. Ayaw kasi ni papa ng sobrang daming bisita pero hindi sa ayaw niya ah? Ay ang gulo! Hahahaha!

"Ah... Eh... Nam Shin inimbitahan ko lang naman eh." nahihiyang saad ni mama. Ayan imbita-kangnida pa!

"Oo nga naman kumpare isa pa nagtotong-its lang naman kami!" singit ng isa sa mga kumare ni mama. Kinakausap?

"Ok... Ok." sabi ni papa at nagpatiuna na. Kami naman tong naiwan at center of attraction. Joke! Hahaha!

"Oh? Yoongi nandito ka pala?" gulat na tanong ni mama. Parehas kaming nagkamot ng batok ni Kuya Pandak. Syempre kaya kasama ko eh? Si mama talaga!

"Good Evening po." nahihiyang saad ni Kuya Pandak nginitian lang siya ni mama at inaya na kumain pero itong Kuya Pandak ko todo tanggi naman! Hanu ba yan?

"Hijo sigurado ka ba na ayaw mo?" tanong ulit ni mama. Tumango lang naman siya.

"Oh? Siya ikaw ang bahala... Shin sa garden lang kami ah? Magtotong-its na kami." luh! Nagpaalam pa talaga sakin? Gusto ko tuloy sabihan si mama ng 'MAMA WALANG PUMIPIGIL' kaya lang ang bad ko naman kung ganun. Isa pa may garden pala kami? Bakit ngayon ko lang nalaman.

At ayun naiwan kaming sampu kasama na si Yaya Belen. Ang tahimik pa rin syempre. Hay!

Naupo na lang kami ni Kuya Pandak sa bakanteng upuan. Si Yaya Belen naman ang nag-aasikaso sa walo. Alangan namang ako eh hindi naman ako katulong?

"Mishin? Manliligaw mo?" tanong ni Kuya Pandak sabay turo sa walo. Tinignan ko siya ng masama para matawa siya. Nagtinginan lang sa kanya yung walo.

"Hindi! Kuya Pandak naman eh!" naiinis na sagot pero tawa lang siya ng tawa. Oy kita na gilagid-iseoyo mo!

"Joke lang seryoso mo masyado?"  nagpipigil pa rin siya ng tawa. Ang sarap niya iuntog sa pader. Manang-mana talaga kay Kuya Jin.

"Alam mo manang-mana ka talaga sa ina mo!" naiinis na sabi ko pero tawa pa rin siya. May nakakatawa? Umiling-iling din siya pagkatapos. Ok aaminin ko naiilang ako. Hindi ako makakilos ng maayos kasi may walong pares ng mata ang nakatingin samin. Oo nababasa niyo 'WALO'. 'WALONG' mata yan.

"Shin?" tawag nito sakin.

"Bakit?"

"Bukas ah? Kita na lang tayo sa school?"  tumango lang naman ako dahil gets ko na yun. Kita-kita na lang kaming lahat! Hahahaha! Miss ko na sila!

"Kuya Suga?" wew! First time ko siyang tatawagin sa pangalan-imnida niya. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya.

"Nice tinawag din ako sa pangalan ko!" nanunuyang saad nito dahilan para matawa kami parehas.

"Gawa tayo GC... Pwede?" tanong ko rito. Sana pumayag siya-- este sila.

"Tayo-tayo nila Jungkook hyung saka nung mga 'YOU KNOW' mo na?" natawa na lang ako sa term niyang 'YOU KNOW' na yun. Tinutukoy niya kasi yung gf nila Kuya Jimin. Eh siya lang naman ang wala pang gf kasi ako nga yung magiging 'FUTURE GIRLFRIEND' niya. Pwehahahaha! Feeling ko nuh?!

"Opo." tipid na sagot inantay ko lang yung sagot niya. Sana pumayag? Bakit naman siya tatanggi?

"Alam mo good idea yan." sabi nito na nagpangiti sa akin. Sabi na hindi siya makakatanggi eh! Ako pa ba? Malakas ako dyan eh! Hahahaha! You know na 'FAVE' ako nyan. Oo nababasa nyo 'FAVE' ako.

"Dapat talaga matagal na nating ginawa yan." dagdag pa niya na sinang-ayunan ko naman. Oo nga naman ang tagal na naming magkakaibigan tapos ni GC man lang wala pa? Ano yun lokohan-iyeyo? Hahahaha!

Nag-usap pa kami dito ni Kuya Pandak at hindi pa rin nila inaalis ang mga titig nila samin. May dumi ba kami sa mukha? Jusko-shipo lubayan niyo kami! Hahaha!

"Yeah you makin' me a boy with luv~" tatawa-tawang kanta ko para kay Kuya Pandak. Dapat talaga kasi eh ganito 'YEAH YOU MAKIN' ME A GIRL WITH LUV' kaso baka malaman niya. Nakakahiya yun!

"Love is nothing stronger~ Than boy with luv~" ihh! Ano ba Kuya Pandak pinakikilig mo naman ako eh! Hahaha! Jusko-shipo gusto ko ng maglupasay at mangisay dito mismo sa harap niya kaso ang panget naman nun. Haler? May iba kaming kasama. Isa pa malalaman niya na kinikikilig ako sa mga sinasabi niya.

"Oh my my my~ Oh my my my~" yan na lang yung dinadag ko. Isa sa wala na akong maisip. Hahaha! Na mental-block-iseoyo ako eh!

Nag-usap pa kami saglit tapos nag paalam na din siya nauuwi. Ano ba yan? Parang ang bilis lang na oras pero sa totoo lang kanina pa talaga kami nag-uusap sa loob. Siguro ok na yun? Anong ok? Hindi ok yun! Kulang pa po! Hahahaha!

"Kuya Pandak ingat po ah." paalala ko sa kanya. Hihihi! Sabi ko exo-fanfic to pero bakit may BTS na sa kwento ko? Hahahaha! Buang-kangnida talaga ako!

"Opo saeng!" natatawang sabi nito. Huhuhu! Naiiyak ako habang binubuksan yung gate namin. Hahaha! Chos! O.A ko dun ah? Parang hindi nagkikita palagi ah?

"Annyeong gi haseyo!" sabi nito habang kumakaway sakin at naglalakad pasulong. Alangan namang paurong edi hindi na siya nakauwi?

"Babye din love you Kuya Pandak." syempre bulong ko lang yan habang kumakaway din sa kanya. Alangan namang ipagsigawan ko sa buong mundo diba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]Where stories live. Discover now