[ M I S H I N K A N G ' S P O V ]
GRABE! Parang kakagaling ko lang sa gera sa itsura ko. Haler! May bisita kami mamaya kaya dapat sobrang linis ng bahay. Yung halos mas makintab pa yung sahig kaysa sa ngipin mong kaka-toothbrush lang tapos ang gamit pang brand eh yung 'COLGATE'.
Syempre nakakahiya naman kung parang dinaanan ng malakas ng bagyo yung bahay namin. Baka mag back-out pa yung mga bisita namin kapag ganun ang nadatnan nila.
At ito na naman po another palit na naman ng damit. Jusko-kangnida lang ha? Ang dami ko ng lalabhan. Bakit naman kasi ang bilis kong pagpawisan? Lalakad palang ako dyan pinagpapawisan na ako. Ni hindi pa nga ako umaabot hanggang kanto pero parang 'BRUHILDA' na ang peg ko.
Kamusta naman yung itsura ko dun? Pero wait lang ah! Nakaka-imbyerna na lang yung mga pupunta dito. Sila pagkadating papakainin agad samantalang yung naglinis ng buong bahay hindi papansinin? Kamusta naman kayo? Nakakahiya naman sa kanila? Sila pa ang inuna! Sabagay hindi naman kasi ako bisita.
Try ko kayang magpanggap na bisita? Hahahaha! Sana lang hindi ako makilala ni mama. Tapos ito pa ang nakakainis. Ang gagawin lang naman nila dito eh maglalaro ng baraha tapos ako naman tong nagpaka-effort na maglinis tapos pag-alia nila ang gulo na naman ng bahay! Naglinis pa ako kung dudumi lang din naman?
"Shin... Tapos ka na bang maglinis?" ay hindi pa? Nakikita mo naman diba? Haler! Syempre malapit-lapit na! Malapit-lapit na akong makasapak ng bisita!
"Malapit na po!" sigaw ko rito para marinig ni mama ng maayos. Bingi pa man din yun.
"Sige pagkatapos mo dyan bumili ka sa labas ng niyog... Mag-bibiko ako eh!" wow lang ha! Ang sarap naman ng pagkain ng mga bisita tapos ako ni coke hindi ko man matitikman. Ayos yan!
"Opo!" sabi ko habang gigil na gigil sa paglilinis ng sala. Inayos ko na rin yung mga baraha. Bumili pa ako ng maraming baraha kasi hindi naman kasya yung baraha namin dito sa bahay. Haler! Walo kaya silang magbabaraha!
Nang matapos maglinis patakbo akong pumunta kay na Aling Rosa. Doon lang naman ang bilihan ng niyog.
"Pabili po!" sabi ko ng makarating ako.
As usual naghihiwa si Aling Rosa ng manok. "Ano sayo Shin?" tanong nito.
"Niyog po yung pangbiko." inosenteng sagot ko dito. Aba malay ko ba kung anong klaseng niyog ang kailangan ni mama?
"Tig magkano?" tanong niya pa ulit.
"Bente singko Aling Rosa." tipid na sagot ko sa kanya tumango na lang siya at nag simulang biyakin yung niyog na binibili ko.
Syempre pinakayod ko na rin. Alangan namang ako pa ang magkakayod? Mahiya naman kayo sakin? Hahahaha!
"Ito po bayad." pag-aabot ko ng bayad kay Aling Rosa kasabay ng pag-abot ka sa binibili ko. Syempre nag 'THANK YOU' na rin ako.
Lumabas na agad ako ng tindahan ni Aling Rosa. Wala na rin yung nagtitinda ng mga street food sa tapat niya. Isa pa baka nandun na yung bisita. Nakuw! Nakakahiya naman kung sila nauna na tapos yung biko hindi pa? Kamusta naman yung biko diba?
Habang patakbong umuwi sa bahay namin ay may nakasalubong ako na mga grupo ng mga lalaking naka jersey. Gabi na pero nagbabasketball pa? Kamusta naman yung bola diba? Kung hindi ba naman sila hilo diba?
YOU ARE READING
My 8 Knight And Shining Armors [Exo Fanfic]
Fiksi PenggemarAlam nyo ba? Syempre hindi niyo alam kasi hindi ko pa nga ina-announce. Pero ito na nga btw, Im your author syempre kasama na ako dito sa story. Hahahahaha! Syempre ako bida ano kayo sinuswerte? Puro na lang mga characters na naiisip ko yung bida? H...