DISCLAIMER!
ANG MGA ISTORYANG ITO AY LIKAS NA KATHANG ISIP LAMANG.COLLEGE
"Yeah!" Sigaw nang kaibigan kong si Nami.
"Don't be too nosy!" Saway ko sa kanya.
"Pake mo ba, eh sa excited lang ako eh! Today is our first day of college life and I'm one-hundred one percent sure na madaming mga guwapo doon!"
"Sus! Gwapo na naman." Irap ko sa kanya habang nag-lolotion.
"Ih! Alam mo namang gusto ko na talagang magkaboyfriend eh!"
I just chuckled. Nakita kong kinuha niya ang mga panligo niya.
"I'll just take a shower."
"Okay." Sagot ko.
Yes, we are living in an apartment. Malayo kasi sa kasagsagan ang bahay na kinagisnan namin. Kaya para mas makatipid sa pamasahe, minabuti nalang naming manirahan ng pansamantala dito, para sa aming pag-aaral. It's a good thing though, para naman maturuan tung kaibigan kong maging independent.
"Lars! Ikaw magluto please" She shouted from the shower room.
"As usual, Nam." Humagikhik lamang ito.
Today, I am wearing jeans with cute pink tee shirt. Ewan ko ba, I always don't feel like wearing girly stuffs. 'Di katulad ni Nami. Pagkatapos maglagay ng lip balm at pulbo ay tapos na ako.
I headed to our kitchen and started scrambling eggs.
Gumawa din ako ng caramel drink.
"Hmm, smells good." Napatingin ako kay Nami na nagsusuklay.
"Mabango naman lahat ng pagkain sayo, Nam." She then throw the comb on me, mabuti't nakailag ako!
"Nami!"
"Oh?" Irap niya.
"Don't be so childish!" Ani ko.
"Eh ikaw kasi eh, alam ko namang matakaw ako, 'di mo na kailangang ipaalala."
I just tsked.
"Oh, kain na tayo kamahalan." Ako.
Umirap pa siya bago sumubo. Napatawa nalang ako, kahit galit kumakain pa rin.
"Wow!" Si Nami na naman. Nandito na kami sa main gate ng USF, ang aming skwelahang papasukan.
"Nami, huwag maingay please."
Hindi pa rin masara-sara ang bibig niya.
Well, malaki naman talaga ang University of San Francé. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa lugar na ito.
It's still so unbelievable to be in here. Kahit na napakamalas ng buhay ko, may talinong biniyaya naman ang Panginoon sa akin na siyang naging daan sa pagpasok ko dito.
Sa mga katulad ko na kapos ay napaka imposible na makatapak man lang dito, mabuti nalang talaga at nakapasa sa scholarship.
Nami is so lucky to have a parents like her parents. Mga taong hindi na kailangang magtrabaho para magkapera.
"Doon na tayo!" Hinila ako ni Nami patungo sa stadium.
Napatingin ako sa mga taong nandito.
Napakagarbo.
Makikita mo talaga sa paraan ng pananamit nila na mayaman at may kaya sila sa buhay.
"Yuho! Ang daming gwapo!" Tawa ni Nami. May napapatingin naman sa amin. Napailing nalang ako.
YOU ARE READING
Love Me
Teen Fiction"You are not my life. You are my master. You can build or even break me, baby. But one thing is for sure, I love you so much that I can spare my life for you. Te amo." -Elijah Estrada II