JEALOUS-HEAD
"Lara, Si Dos na naman!"
Napatingin ako sa pintuan. Nandoon nga si Dos. May kausap pa ito. Halos mapunit ang labi kaka-ngiti.
"Aminin mo na kasing may relasyon kayo." Si Eba. Pinanlakihan ko naman siya nang mata.
Dos changed in a sudden. Simula noong nangyari sa clinic ay mas nagiging malapit na siya sa akin. Simula noong... hinalikan niya ako.
"Solene! Bilisan mo na diyan. Nagugutom na ako." Si Dos. Napahilamos nalang ako sa aking mukha.
"Uy!" Bungisngis ni Eba. Umirap nalang ako.
Napatingin ako sa upuang katabi ko. Warren is absent for a week, now. Bilang kaibigan, nag-aalala na ako.
"Uy, Dos! Mamaya sa court, ha?" Mga kaibigan niya habang naglalakad kami.
"Oo nga!" Sinenyasan niya pang umalis na ito.
"Hi Lara!"
"Hi!" Pagbati ko nito. I didn't know that they knew me.
"Umalis na nga kayo." Si Dos.
Tumawa naman ang mga ito.
"Seloso mo talaga!" Ani ng lalaki pagkaalis. Napataas naman ang kilay ko.
"Seloso saan?" Tanong ko sa kanya.
"Huwag mo nang isipin iyon."
We walked back heading to canteen. Nitong mga nakaraang araw palagi na niya akong sinusundo sa classroom ko para daw sabay na kaming kumain. Kapag tinanong ko siya sa parteng iyan sasagutin lang niya ako nang 'wala lang' o di kaya'y hindi papansinin ang tanong ko. Maski ako ay naguguluhan sa mga kilos niya.
"Seryoso ako, Solene. Pumunta kayo ni Nami sa Court mamaya. I'll fetch you two. Tapos ihahatid ko pa kayo." Si Dos nang nakaupo na kami sa table.
"Pagbigyan mo na ang Totoy na iyan, Lara." Hagikhik ni Nami.
"What did you say?" Kunot-noong tanong ni Dos.
"Sabi ko po, pagbigyan ka ni Lara! Ayaw mo no'n?"
"Hindi, tinawag mo akong Totoy, Nami."
Humagalpak lang nang tawa si Nami.
Nag-order na nang makakain si Dos nang pumayag ako na pupunta kami sa court, mamaya. He would not stop until I say my yes to him. So persistent.
"Oh, mamaya pala Lara, mukhang hindi ako magtatagal sa laro ni Dos."
"Huh? Bakit?"
"Lara... May date ako." Ngumisi si Nami.
"What? Sino naman iyan?!"
Tinapik niya lamang ako.
"Tsaka na, sa tamang panahon."
Umirap ako, "Kailan pa naging tama ang mga panahon mo Nami?"
Ngumisi lang ito. "Ihahatid ka naman siguro ni Dos, diba?"
Sakto namang dumating si Dos na may dalang tray ng pagkain.
"Thanks for this, Dos. Sa uulitin." Si Nami.
Dos chuckled, "Kapag sasama si Solene mamaya, araw-araw ko kayung bibilhan ng pagkain."
"Sus! Palibhasa, maraming pera."
Napailing nalang ako at sumubo nang cake na bili niya.
Tons of people are watching us now. Puno nang pagka-kuryoso ang mga mukha nila. Minsan nga, na-iintimidate ako.
YOU ARE READING
Love Me
Teen Fiction"You are not my life. You are my master. You can build or even break me, baby. But one thing is for sure, I love you so much that I can spare my life for you. Te amo." -Elijah Estrada II