FEELINGS
"Naku! Sinasabi ko na nga ba. Iyang si Warren! Tahi-tahimik lang iyan!" Si Eba.
Kasalukuyan kaming nasa bench ngayon, naka-upo. Kasama ko din si Venice. Kita sa kanilang mukha ang pag-alala.
Sina Dos at Warren nasa councilor's office na naman. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. I never thought Dos would save me in there.
"Okay ka lang, Lara?" Tanong ni Venice. Tumango naman ako at pilit na ngumiti. Nadamay pa sila dito.
"Lara! Are you okay?" It was Arc. Humahangos ito at may dalang mineral water.
"Oo, I'm fine now."
"Narinig ko ang ginawa ni Warren sa'yo."
Tumango lang ako. Not wanting to explain it further again.
"Huwag na natin iyang pag-usapan! Ang mabuti pa pumasok na tayo. Baka mamaya susulpot na naman ang gagong iyon dito." Si Eba.
"Halika na, Lara." Hinimas ni Venice ang likod ko. Tumango naman ako at kinuha ang bag ko.
Human nature is sometimes a kind of pesty. Iyong tipong hindi natin matanggap ang mga bagay na nangyayari. Gusto natin, lagi tayo ang nasusunod. Gayong, alam naman natin na hindi sa lahat nang panahon ay makukuha mo gusto mo.
Pinuntahan pa ako ni Nami sa room namin. Sinabihan ko naman siyang huwag nang mag-aalala. Now, I'll be more careful in trusting people.
"Susunduin kita mamaya!" Pahabol pa ni Nami. Tumango lang ako.
Dumating ang prof namin. Hindi ako masyadong naka-concentrate sa lesson kasi okupado pa ang isip ko sa mga nangyayari.
"Okay, class! Pass your paper."
'Ni hindi nga ako nag-pasa ng assessment namin ngayon. Tiningnan ko si Venice na ngumiti sa akin.
"May papel ka na. Ginawan kita." Ngumiti naman ako at tumango. I can really see clearly the genuine care of these people.
Pagkatapos nang panghulihang klase namin, agaran akong tumayo. Tumingin pa sina Venice at Eba sa akin. Inayos ko nalang ang gamit ko para maka-uwi.
Hindi ko na rin nakita si Warren.
"Susunduin ka ni Nami, diba? Hintayin mo na iyon."
"Gusto ko nang umuwi." Ani ko.
"Okay... ihahatid ka nalang namin..." Si Eba.
"Huwag na, Eba. And, salamat pala sa ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon kung wala kayo."
"Salamat kay Dos." Si Venice. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong ngumisi siya.
"Of course..." ani ko at nagpatuloy sa ginagawa.
Tuluyan na kaming lumabas.
"Speaking of Dos..." Si Venice. Napaangat ako nang tingin.
Seeing Dos standing by the window, made my heart beats faster. Nakakunot ang nuo nito na para bang naiinip sa kakahintay nino man. Nang nakita kami, umayos siya ng tayo at mas lalong kumunot ang nuo.
"Mukhang may maghahatid na kay Lara." Si Eba.
"Oo nga, mabuti pa't mauna na tayo, Eba." Si Venice naman. Tiningnan ko lang sila.
"Alis na kami, Lara, Dos." Si Eba saka hinila si Venice. Nakita kong tumango naman si Dos.
Nang kami nalang dalawa ay saglit pa niya akong tinitigan bago linapitan.
YOU ARE READING
Love Me
Teen Fiction"You are not my life. You are my master. You can build or even break me, baby. But one thing is for sure, I love you so much that I can spare my life for you. Te amo." -Elijah Estrada II