CHAPTER 1

4 0 0
                                    

WEIRD

Mas maaga akong nagising kumpara kahapon dahil uulitin ko ang mga naisulat ni Warren para sa aming reporting. Sana naman, magbubukas na ang library ngayon.

Alas sais palang, nasa school na ako. May ilang fourth years pa akong nakikita na palaboy laboy.

"Good morning!" Bati ko sa masungit na librarian. Pilit kong pinapagaan ang atmosphere kahit sa totoo, kabadong kabado na ako sa mga nangyayari. Kailangan ko na talagang humanap ng part-time job. Tatlong libro ang naiwala ko! At kailangan kong bumili noon ulit para sa susunod na aralin.

Hindi ako pinansin ni Maam Cecil. Sa halip ay napatuloy ito sa kanyang binabasa. Bookish din pala itong si Maam Sungit.

Dumiretso nalang sa section kung saan makikita ang libro na pinag-aralan namin kahapon. I'm good at writing. I'm sure this will be done soon.

Napatingin ako sa oras at nakitang limang minuto nalang ay alas siyete na. My first class will start at eight sharp. Kaya pa 'to.

May mga estudyante nang pumapasok at nag-aaral. Mabuti nalang at magana akong magsulat kaya may mga notes ako. Nakapag-aral na ako para sa first quiz namin ngayon!

"Uy! Lara! Ang aga mo ah?" Nakita ko si Eba, nanlaki agad ang mata ko.

"Ah, oo eh. Nag-aaral." Lumapit siya sa akin at tumingin sa sinusulat ko. "Ano 'yan?" Wala na akong nagawa nang kinuha niya ang papel.

"William Shakespeare? Natapos na natin ito kahapon ah?" Tiningnan niya pa ang likod nito na walang sulat.

"Ah, Eba... ano."

"Ano?" Nakakunot ang nuo niya. Umupo siya sa harapan ko.

"Ano kase, naiwala ko ang notes na isinulat ni Warren kahapon. Kaya ito, inulit ko."

"Eh sus! Madali lang naman iyon eh! Bakit mo ba naiwala?" Napakamot nalang ako ng aking batok.

Good thing Eba's optimistic. Natapos ko din naman ang sinulat ko. The books are the main problem. Mamaya may i ta-tackle kami na bagong lesson sa major ko and I don't have a book! Makikisalo  nalang siguro ako. Sana may magandang loob na maaawa sa akin.

"Ako nalang ang mag-rereport nito. Kayo nalang sa mga follow-up questions nila." Si Archer nang nakarating kami sa classroom. Everyone is talking about our reporting. Siyempre, una kasi namin ngayon.

"Okay class, settle down! Let's start our reporting." Si Sir Grey.

Maayos namang na i-deliver ni Archer ang reporting. Nagdagdag pa si Sir Gray ng ideas para mas lalong mapaganda ang aming reporting. The questions are also answered fully and correctly kaya sigurado akong malaki ang makukuha naming marka.

Kami din ang nakuha para sa darating na Illegal Addiction Campaign. Malayo pa iyon pero dapat paghandaan dahil kasali ang higher levels sa pangangaralan namin.

"Una na ako!" Nagmamadali kong linigpit ang gamit ko. Pupuntahan ko kasi si Nami na naghihintay sa Sweet Café. Doon kami manananghalian. We both don't feel eating heavy meals.

"Oh? May date?" Ngisi ni Eba. Napatingin naman si Warren at Archer sa akin.

"Wala! Naghihintay ang kaibigan ko." Pag-aamin ko. "Una na ako, Warren... Arc..." tinanguan ko din si Venice.

"Kilala mo si Maam Catherine sa third year? Naghahanap siya ng maging personal assistant niya. Pero huwag kang mag-aalala, dahil sa weekends lang daw siya mas mangangailangan ng tulong mo. Doon ka na, four-hundred daw ang bawat araw."

Sounds great! Makakabili na ako ng mga bagong libro!

"Sige, saan ba iyang si Maam Catherine?" Ngisi ko. "Sa faculty room siya namamalagi. Wala kasi siyang sariling classroom." Ani nito at humigop ng kape.

Love MeWhere stories live. Discover now