CHAPTER 3

2 0 0
                                    

WALANG KWENTANG RASON

Isn't it weird to be angry with no such valid reason? Pero sa propesyon ko, hindi. May mga taong 'yong tipong tinititigan mo palang nababanas ka na.

Katulad ngayon. I don't know, pero nagagalit ako sa mga babaeng nakakasama ni Dos. Simula noong hinatid niya ako galing kina Maam Cathy, hindi na kami nagkaroon pa ng anumang interaksyon!

Maybe he realized that I am not one of those girls na dapat niyang pakisamahan. Bawat linggo, iba-iba ang mga nakakasama niya. Hindi ko alam kung kailan siya makakahanap ng stable girlfriend. Pero may parte sa akin na humihiling na sana hindi.

Umattend din ako sa birthday ni Don Estrada. Pinilit na kasi ako ni Maam. Kaya lang, hindi ko nakita si Dos doon. Maybe he's with his girlfriend.

"Grabe si Dos, no? Bawat linggo, iba't-ibang babae ang nakakasama." Si Venice. Nandito kami ngayon sa lib.

"Oo nga! Pero ganyan naman daw talaga sila. It runs in their blood. Si Don Estrada nga daw may babae kahit na ang tanda na." Si Eba.

Napaangat ako ng tingin kay Eba. Really?

Dumaan ang maraming linggo malapit na ang campaign na gagawin namin. Sa napag-uusapan, si Archer ang mag e-encourage sa mga estudyante. Kami na ang bahala sa props. Simpleng speech lang at mga drawings na sana makakaengganyo sa kanila ang gagawin namin. I'm a bit nervous though.

"Tapos na ba iyan, Lara?" Si Arc. "Hindi pa, sorry!" May iginuhit akong isang slogan tungkol sa illegal drugs.

"Okay, don't worry may oras pa tayo." Tumango naman ako sa kanya. Biglang dumating si Warren.

"Kain ka muna, Lara." Si Warren. May dala itong burger at drinks.

"Uy! Si Lara lang ba ang bibigyan mo? May tyan din kami, Warren!" Eba pouted. Ngumisi naman si Warren.

"Ah, salamat." Ako. Tumango naman si Warren at ngumiti. Inayos pa ang eye-glasses.

"Meron din kayo, no!"

Nagpatuloy nalang ako sa pagguhit.

Lately, Warren is showing me some signals. Hindi naman kasi ako bulag para hindi malaman ang mga ginagawa niya.

"Ako na ang magkukulay niyan, Lara." Si Warren.

"Oh, okay." Hindi nalang ako nakipag-talo.

Nang matapos lahat nang kakailanganin namin. Nagsimula na kami. My heart beated so fast nang napagtantong una ang section nina Nami. Magkaklase sila ni Dos!

"Class, quite!" Ang prof nila. Nami smiled at me and gave me a thumbs-up. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Dos na mariing nakatitig sa akin! Pilit kong ibinalik ang ulirat ko.

"Uy! Ang chix pare." Isang estrangherong lalaki. He was actually referring at me.

"Oo nga!" Bungisngis pa ng isa.

Tsk, boys.

Nakita kong tinapunan sila ng titig ni Dos na nakapagtahimik sa kanila.

Maayos namang naipadala ni Archer ang mensahe. Mabuti nalang talaga at tiga hawak lang ako. I'm really not good at talking in front of many people. Sir Grey also praised us.

"Lara... Pwede ba tayong mag-usap." Napatingin ako kay Warren. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"Ah! Bibili muna ako ng makakain, Lara ha? Ikaw na ang bahala diyan." Nami instantly stands up for us. Nandito kami ngayon sa canteen.

"Ano bang pag-uusapan natin?" I asked him. Umupo naman siya sa upuang nasa harap ko.

"A-ah. Ano kasi, may gusto lang akong sabihin sayo."

Love MeWhere stories live. Discover now