CHAPTER 2

3 0 0
                                    

JEALOUS

"Lara! Tara na. Bakit ang tagal mo diyan?" Si Nami. Nag-aayos pa ako ng gamit ko, eh.

"Wait lang! Eto naman!" Ipinasok ko nalang ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas sa kwarto.

"Ano bang itinagal mo diyan ha?" She asked.

"Wala! Tara na." Napagpasyahan naming sumakay ng taxi. Lunes daw kasi ngayon kaya medyo marami-rami ang estudyante at trabahante na sasakay.

"Hays! Na miss ko na ang sasakyan namin." Si Nami. "Edi sana, dinala mo iyon dito."

Nang nakarating na kami sa school, agad kaming naghiwalay.

"Lara! Si Warren oh." Tukso ni Venice. "Tumigil nga kayo..." Ako. Naghiyawan naman silang lahat. Kita ko ang pag-ngisi ni Warren.

Sa mga nagdaang araw may sabi-sabing gusto daw ako ni Warren. Palagi na nila kaming tinukso-tukso. Hindi ko nalang iyon pinansin because really...

"Saan ka kakain ngayon, Lara?" Si Warren na naman.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Eba.

"Sasabay lang ako sa kaibigan ko, Warren."

"Uy! Bakit Warren ihahatid mo ba?" Pinandilatan ko si Eba.

"Ah---" inunahan ko na si Warren.

"Huwag na. May susundo din pala sa akin." Pagsisinungaling ko.

Kita ko ang pagkunot ng kanilang mukha. "Huh? Sino?" Tanong ni Warren.

"Ah! Basta! Yung ano ko." Nawalan na ako ng dahilan.

"Solene..." Napatingin kami sa sumambit noon.

Nanlaki ang mata ko nang nakita si Dos na nakatayo sa pintuan ng classroom namin. He was piercing his eyes on Warren and then on me. 

"Di mo naman sinabi na si Dos pala ang susundo sayo, Lara. Edi sana kanina ka pa namin pinakawalan." Si Eba. Inipit pa ang buhok sa kanyang tenga.

Ang mga kaklase kong dumadaan ay yumuyuko sa kanya. Ang iba ay halos mangisay kapag tatapunan nito ng tingin.

"Ano..." Nangapa ako ng masasabi. Nakita ko pa ang malungkot na mukha ni Warren. Shocks! Wala naman talagang susundo sa akin...

"Let's go Solene, I'm so hungry." Si Dos. Tinulak ako ni Eba na dahilan ng paglapit ko nalang sa kanya. Pinakitaan ko pa siya ng nalilitong mukha. But he is just so poker.

"Anong sadya mo?" Tanong ko agad ng makalabas. Agad lumipad ang tingin niya sa akin.

Hindi din maiiwasan ang mga matang nakabantay sa amin. Well, being with this kind of specie is very intriguing. Kaya...

"Sinunsundo ka." Ani nito na parang wala lang. "May usapan ba tayo?" Tanong ko ulit. "What do you think?" He fired me back.

"Wala Dos!" Nakita ko ang naglalarong ngisi sa kanyang labi.

"Then no. Bakit nila nasabing susunduin kita?" Napahawak ako sa aking nuo. "Sinabi ko lang na may susundo sa akin. But I did not state that it was you." Pag-aamin ko.

"Then, sino pala ang susundo sayo?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Wala!" Yun nalang ang nasabi ko.

"Solene..." ayan na naman siya.

"Why are you calling me solene? Saka, paano nalaman ang pangalan ko?" I asked him.

"It was written in your books that you left. And... I like calling you Solene."  Matagal pa bago niya iyon dinugtungan.

Solene... I remembered my mother calling me Solene. Kaya ayaw na ayaw kong tawagin ako niyan. Pinapaalala ang lahat ng sakit na naranasan ko noon.

Love MeWhere stories live. Discover now