TAKOT
"Gusto mo ito, Dos?" I asked Dos behind me. Itinuro ang kaldereta. Sa isang mamahaling cuisine sana kami kakain but I urged him to eat in this simple place.
"Oo, gusto kita."
Napatingin ako sa kanya. Ngising-ngisi ito ngayon. Aba! Kani-kanina lang napakabusangot ng mukha niya dahil dito daw kami kakain.
"Dos! Umayos ka nga."
"What? I don't know any of that. Ikaw na ang pumili, total ikaw naman ang nagdala sa akin dito."
Napabuntong-hininga ako, "Okay."
Napabaling ako sa tinderang nag-ngingiti sa harap ko. Nakatingin siya kay Dos. Well, as usual, naka-kuha agad siya ng atensyon ng mga tao. Sana pala 'di ko nalang siya dinala dito.
"Isang serving ng kalderata at Adobo po!" Sinigaw ko talaga sa mukha niya ang sinabi ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Dos.
"Ate..." sambit ko sa kanya. Naku, hindi ba siya nahiya? Staring is rude, super rude.
"Ah! Ano po iyon?" Naka-ngising saad nito. Nakatingin parin kay Dos. Halos mapa-irap ako sa kanyang sagot.
Inulit ko ang sinabi ko. Mabuti't nailista na niya.
"Dalawang servings din ng kanin."
"Okay..." ngumiti ito.
"Anong gusto mong drinks?" Tanong ko kay Dos. Naramdaman ko ang pag-akbay niya. Tinapik ko naman ang kamay niya.
"Do you have vodka?" Si Dos.
"Ah! Vodka? Ano 'yon ser?" Hilaw ang ngisi nito.
Tanga talaga itong si Dos minsan. Sarap idikdik sa mukha niya na karenderya itong pinasok namin at hindi bar.
"Tequila sunrise?" Tanong ulit nito.
"Dalawang bottle ng royale po." Ani ko. Dos puts again his hand on my shoulders. Hinayaan ko nalang siya. Besides... it felt so natural.
"Ihahatid nalang po ser, maam. Umupo nalang kayo." Ani nito. Her sight shifted on Dos' hand. Mabuti din pala at inakbayan ako ni Dos. Para matapos na ang pag-iilusyon niya!
Tinanggap ko ang number stand na binigay niya.
"Masarap?" Tanong ko sa kanya. Curiosity is flashed in his face. Medyo kinakabahan ako, baka kasi hindi siya sanay sa mga ganitong pagkain.
"It's good." Ani nito. I sighed in relief, "Mabuti naman." Ani ko.
Kumuha pa siya siya ng marami. Ngapangisi tuloy ako. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
Pagkatapos naming kumain, umalis na kami sa lugar na iyon. Medyo nagulat ako kasi umorder pa ng isang kanin si Dos. Natawa nalang ako. May pagka-gutom din pala itong tinatago sa katawan si Dos.
"Balik kayo, Ser!" Ang babae kanina. Abat, humirit pa talaga.
"Goodbye Dos, thank you."
"No, Thank You, Solene."
Ngumiti ako at tumango. "Matulog ka na." Ani nito, tumango ulit ako. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho po." Ngumisi naman siya at tumango.
Pagdating ko sa apartment wala pa si Nami. Naku, lagot talaga yung babae sakin na 'yun bukas.
My phone rang. Tiyo Hendrix's name flashed on it.
"Hello po?" Tanong ko habang binubuksan ang banyo.
"Lara, Sino ang kasama mo kanina?"
"Po?"
"Hindi ka kasi maka-reply ng maayos sa akin, kaya tinawagan ko na si Nami. Sabi niya may kasama ka daw."
YOU ARE READING
Love Me
Teen Fiction"You are not my life. You are my master. You can build or even break me, baby. But one thing is for sure, I love you so much that I can spare my life for you. Te amo." -Elijah Estrada II