1: Play With Me

31 1 0
                                    

"Baby..."


Mas lalo niya pang nilapit ang katawan niya habang pinagpapatuloy ang paghalik sa'kin. Nandito kami ngayon sa pinakadulo ng library kasama si... who is he again? Kyle? Kiel? Kid? Whatever.


"So, will you join me tonight? Hmm?" Tanong niya ulit habang nasa tainga ko naman ang atensyon niya. Too bad, he's not good at kissing. Should I dump him already?


Umayos na ko ng tayo at tinulak na siya para malayo na ang mukha niya sa'kin. "No, I'm sorry. I have things to do." Aalis na sana ako pero hinila niya ulit ako para bumalik sa posisyon ko.


"Seriously? Mas importante pa 'yan kaysa sa'kin?" Tanong niya at hinalikan na naman ako sa leeg. Napairap na ako sa kawalan bago siya itulak muli.


"Of course, hindi naman kita boyfriend." Ang taas ng tingin niya sa sarili niya, ha?


Napakurap-kurap siya sa sinabi ko at napakunot ang noo. "What? Anong tawag mo sa ginagawa natin?" Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.


Nagkibit-balikat ako. "I don't know. I guess.. kissmate?" Natatawa kong sagot at nagpatuloy na lang uli ako sa paglalakad. Bago ako tuluyang umalis, hinarap ko muli siya. "By the way, kailangan mo pang matutong humalik. Watch some videos or tutorials for you to be a good kisser but still, thanks for the experience!"


Normal lang akong naglalakad sa hallway pero grabe na kung makatingin sa'kin ang mga taong nakakasalubong ko. Well, maganda kaya ganun talaga. Paano pa kaya kung rumampa ako dito?


Hindi ko na lang sila pinansin at nilagay na lang ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Sa 'di kalayuan, nakita ko na mga kaibigan ko kaya nagmadali na kong maglakad papunta sa kanila.


"Finally, you're here!" Salubong nila sa'kin.


"What? Miss me?" Pabiro kong sabi sa kanila.


"Wag kami ang tanungin mo n'yan! Kanina pa kaming kinukulit ni Harvey dahil sayo!" Reklamo ni Fritzy.


"Oo nga! Mukha ba kaming tanungan ng mga nawawala? Hindi marunong maghanap?" Maarteng sabi ni Vienna.


Harvey? Sino 'yun?


"Who is he?" Naguguluhang tanong ko.


Napairap naman sa kawalan si Cassie. "Gosh, hindi mo na siya kilala? Siya lang naman 'yung nakalandian mo last Monday. Ano ba 'yan, Kiana! Mas natatandaan pa namin kung sino 'yang mga nakaka-fling mo!"


"Whatever. Wala na akong oras para sa kanya." Sagot ko. "By the way, are you all coming to Jack's party tomorrow evening?"


Jackson is my boy bestfriend. Well... I could say that because out of all the guys out there, siya lang 'tong nakakasundo ko sa lahat ng bagay. Ewan ko ba pero na-tolerate ko din ugali niya. He's also a flirt kaya sangkatutak ang babae pero I'm not gonna lie. I was one of his flings before pero nagtagal, naging magkaibigan na lang kami. Mas gusto ko siya bilang kaibigan kaysa kalandian.

Our SummerWhere stories live. Discover now