3: Vacation

16 0 0
                                    

"Kiana, wake up! Nandito na tayo!" Tapik ni Mommy sa balikat ko. Naalimpungatan agad ako sabay tanggal ng earphones sa tainga ko.


Time flies so fast.


Kakatapos lang ng graduation namin at hindi na nakapaghintay na dalhin ako nina Dad dito sa bwisit na probinsyang ito. Gosh! Pakiramdam ko buong stay ko dito, nakasimangot lang ako. This is not good for my health and skin. Baka magka-breakouts ako because of stress!


Pagkalabas ko sa sasakyan namin, agad kong nilibot ang paningin ko. Hindi katulad sa Maynila, matatayog na puno ang halos nakikita ko rito kaya mas sariwa ang hangin at sobrang tahimik pa. Agad kong inayos ang buhok ko nang tumama sa mukha ko ang malakas na ihip ng hangin.


Tiningala ko ang bahay na ito sa harap ko. Alam niyo 'yung mga bahay pa na gawa nung panahon ng mga Kastila? Ganun ang itsura.


Hindi ko mapigilang mailing. Dito na ko titira simula ngayon at kailangan kong pagtiisan ng dalawa pang buwan. May aircon ba dito? May TV? Wifi?


UGH, THIS IS TORTURE!


"Oh, nandito na pala kayo!" Napabaling kami sa matandang kakalabas lang ng bahay.


I guess, this is my lola. Since sa Manila naman talaga ako lumaki, hindi ko na matandaan na tumungtong dito at makita ang family ko sa father's side. Sobrang bata ko pa nung huling pumunta ako dito.


"Ma!" Salubong ni Dad sa kanya. "Si Katherine at Kiana."


Napabaling naman agad sa'kin si Lola. "Ito na ba ang apo ko? Jusko! Dalaga na talaga!" Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. I'm not used to it so I just gave her a small smile.


"Pumasok muna kayo rito at naghanda ako ng meryenda para sa inyo!" Iginiya na kami ni Lola papasok ng bahay.


Pagkapasok namin, agad kong inikot ang paningin ko sa bahay ni Lola. Actually, hindi maliit 'tong bahay. Hindi rin naman siya ganun kalaki. Tama lang 'yung size.


"Buti naman at naisipan niyong pumunta rito! Ang tagal na nung huli kong kita sa apo kong ito! Aba'y dalaga na!" Puri ni Lola sa'kin. "Sa sobrang ganda nitong apo ko, hindi na ko magugulat na ang daming manliligaw!" Tuwang-tuwa niyang sabi.


That's my lola!


"Oo, Ma. Isama pa ang pagiging matigas ang ulo." Panira naman ni Dad. "Ewan ko ba sa batang 'yan. Hindi na kayang makinig sa'min ng Mommy niya. Kapag pinagbabawalan, lalong ginagawa."


Ang ganda-ganda ng sinasabi ni Lola about sa'kin, todo puri si Lola tapos biglang sisingit 'tong si Daddy? Gosh!


"Nako! Hayaan niyo na, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon! Gusto lang nilang magsaya!" Sulsol naman ni Lola.


You're right! Go, Lola! Ikaw na ang bago kong kakampi!


Our SummerWhere stories live. Discover now