"Uy, bakit kayo lang dalawa magkasama dito?" Makahulugang tingin ang binigay sa'min ni Abby.
"May naaamoy akong malansa, ah." Mapang-asar na sabi naman ni Trina.
"Sarili mo 'yun." Pambabara ni Red. "Kaya nga ang lapit ng ilong sa bibig mo, eh."
Nainis yata si Trina kaya inirapan niya na lang 'tong lalaking katabi ko. I can't blame her, ang sarap talagang sapakin nito lalo na kapag tinotopak.
"PAPA JARED! AKALA KO BA SA'KIN KA? AKIN KA LANG, DIBA?! AKO LANG ANG BEBE MO!" Madramang sigaw ni Jewel habang nakakapit sa braso ni Red.
Hindi na dapat ako magtaka at masanay na dapat ako na puro baliw ang mga kasama ko.
"Kadiri ka! Hindi ako pumapatol sa unggoy!" Nandidiring lumayo siya dito.
"Hala! Tinawag niya kong unggoy! Kilig!" Sabay hampas kina Trina na kilig na kilig. "'Yan ba ang endearment natin? Ikaw, ha! Inform mo ko next time!"
"Pinainom niyo ba ng gamot 'yan? Lakas ng tama." Tanong ni Red kaya hindi ko maiwasang matawa. Pare-pareho lang silang kulang ng gamot, 'no.
"So, bakit nga kasi kayo magkasama?! Anong meron?" Hindi pa rin matigil si Abby kakatanong.
Pagkatapos na pagkatapos kong hugasan ang huling plato, pinunasan ko na ang kamay ko. "Why are you all so delusional? He's just helping me do chores, that's it." Maarte kong sabi habang papalapit sa kanila.
"Atsaka may summer job na 'yan simula bukas kaya pwede niyo na 'yang utos-utusan. Princess to waitress, real quick!" Pang-aasar ni Red kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Oh, joke lang!" Agad niyang bawi. Hobby niya talaga ang asarin ako, 'no?
"Saan ka magtra-trabaho, Kiana?" Tanong ni Trina habang ngumunguya. Hindi niya ba alam 'yung 'don't talk when your mouth is full?'
"Hebrew's cafe." Sagot ko at nakikain na rin ng chips.
"Talaga? Gusto ko na din tuloy magtrabaho!" Sabi ni Jewel.
"Bawal ka dun. No pets allowed." Banat pa ni Red sabay inom ng tubig.
"Edi sa inyo na lang ako? Rawr!" Nagulat na lang kami nang ibuga ni Red ang tubig sa mukha ni Jewel.
"What the hell, Red!" Sita ko. Gross!
"Bebe naman, eh!" Reklamo ni Jewel habang kumukuha ng tissue pampunas sa mukha niyang nabugahan ng tubig.
"Mas bawal ka dun! Magka-rabies pa kaming lahat sa bahay dahil sayo!"
Imbes na tulungan pa nina Trina at Abby si Jewel, tinawanan lang nila ito at binatukan. I can't help but laugh, too. He looks devastated.

YOU ARE READING
Our Summer
Teen FictionA city girl named Kiana Maxine Dela Fuente is known for being the baddest bitch in town. She loves to play around and have fun with her friends and boys until her parents decided to bring her to a place with different lifestyle from hers.