"Thanks, guys! I had so much fun!" Paalam ko kina Fritz nang nakarating na kami sa bahay namin kinaumagahan. Sa sobrang kalasingan naming apat, kina Jack kami nakatulog.
Nakapikit akong naglakad papasok habang hawak-hawak ang sentido ko. Shiz, hangover. Itutulog ko na lang 'to.
"Jusko, Kiana! Nandyan ka na pala, batang ito talaga!" Salubong sa'kin ni Manang pagkapasok ko ng gate. "Bakit hindi ka umuwi kagabi?!"
"Manang... pwede mamaya na lang? Sobrang sakit ng ulo ko ngayon." Time-out muna sa sermon.
"Anong mamaya na lang?! Dahil sa ginawa mong 'yan, papagalitan ka na naman ng magulang mo!" Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Sinasabi ko naman kasi sayo, oh!"
"Bakit, Manang? Sinumbong mo ko?" Tanong ko.
"Hindi kita sinumbong! Pumasok ka na lang sa loob at hinihintay ka na nila dun! Magpaliwanag ka sa kanila!" Sagot niya habang mahina akong tinutulak sa pinto.
What? Nandito na sila? Akala ko ba limang araw sila dun? Bakit bumalik agad sila?
Pagkabukas ko pa lang ng pinto, agad bumungad sa'kin si Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa. Mukhang pinapakalma ni Mommy si Daddy dahil hawak niya ang likod nito. Wala pang isang segundo, agad naman nilang naramdaman ang presensya ko.
Okay, here we go again.
"Kiana, anak..." Tawag ni Mommy na agad akong sinalubong. "Bakit ngayon ka lang?"
"Where did you go, Kiana?" Kalmadong tanong naman ni Daddy ngunit may diin. Tumayo siya at hinarap ako.
"Jack's house." Simple kong sagot sabay prenteng upo sa sofa. "Wait, akala ko ba five days kayo dun sa Palawan? Bakit ang bilis niyo yatang nakabalik?"
"Bumalik kami dahil may ginawa ka na namang kalokohan! Nakalimutan mo na bang grounded ka for one week?!" Hindi na naitago ni Dad ang galit niya.
"What, Dad?! I was just having fun! Anong problema dun?" Tanong ko na lalong nagpagalit sa kanila.
"ANG PROBLEMA AY HINDI KA NAKIKINIG SA'MIN!"
"Hon... sasama na naman pakiramdam mo nito..." Hinagod ni Mommy ang likod ni Dad para kumalma ito.
"Dad, come on! Birthday niya kaya dapat lang na pumunta ako. He's my friend." Paliwanag ko.
"Ah, birthday niya kaya dapat lang sinusuway mo na kami ng Mommy mo?" Sarcastic na sabi nito.
Tumayo na ko sa pagkakaupo ko. I'm tired of this. "Dad, Mom, pwede mamaya na lang tayo mag-usap? Kailangan ko ng magpahinga." Akma na kong aalis kaso hinawakan ako ni Daddy sa braso.
"No. You stay here, Kiana! Kailangan mong magpaliwanag sa lahat ng kabalbalang ginawa mo!" Sermon pa niya.
YOU ARE READING
Our Summer
Teen FictionA city girl named Kiana Maxine Dela Fuente is known for being the baddest bitch in town. She loves to play around and have fun with her friends and boys until her parents decided to bring her to a place with different lifestyle from hers.