"Ugh!" Agad kong pinatay ang alarm clock na nasa side table. It's 9AM already but I still feel so sleepy.
This day, my plan is to find a summer job. As Dad said, they won't give me even cents so I have no choice. I'm sure my cards are still terminated. Hindi ko naman kayang wala akong pera.
Bumangon na ko galing sa pagkakahiga. Nagsimula na kong maligo at mag-ayos. I'm just wearing a simple black shirt and ripped jeans. I paired it with my black boots. Naka-bun na rin ang buhok ko at naglagay ng konting lipstick sa labi. And that's it. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.
Hindi pa ko nakaka-tatlong hakbang sa hagdan nang marinig ko na ang boses ni Lola.
"Nako! Ganyang-ganyan din ang Lolo Rene mo nung nabubuhay pa!" Tuwang-tuwa na pakikipag-usap ni Lola. Hindi nagtagal, nakuha ko na rin ang atensyon niya. "Apo, gising ka na pala!"
"Morning." Bati ko sabay halik sa pisngi niya.
"Mukhang bihis na bihis ka yata? May pupuntahan ka ba?" Tanong niya.
"Yup. I'm planning to search for a summer job today, La." Sagot ko nang mapatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Si Jared lang pala. "Why are you here?" Hindi ko mapigilang magtanong.
Agad namang sumingit si Lola. "Eto nga palang si Jared, apo, madalas din 'yan mag-almusal dito kaya wag ka na magtataka kapag nakita mo siya dito." Sagot niya.
"Magandang umaga, mahal na prinsesa." Bati ni Jared nang makaupo na ko.
"Yeah. Morning." Casual kong sagot habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
"Mukhang nagkaayos na kayong dalawa, ah?" Mukhang gulat na tanong ni Lola sa'ming dalawa.
"Oo naman, La! Tropa na nga kami nito, eh, diba?" Sabay baling sa'kin ni Jared nang nakangiti.
What is he saying? Tropa kami? Assumero pala 'to.
Gusto ko sanang tarayan 'tong lalaking nasa harap ko kaso hindi ko na ginawa. I just gave them a small smile.
"Ganun ba? Mabuti naman at maayos na kayo, mga apo. Natutuwa ako." Sabi naman ni Lola habang tuwang-tuwa kaming pinagmamasdan.
"Wag kang mag-alala, Lola! Soon-to-be friends na din kami ni Kiana sa facebook!" Pabirong sagot nito.
Napailing na lang ako sa sinasabi nito. He's weird.
"Oh? Eh, bakit hindi mo na lang isama 'tong si Red sa lakad mo? Para naman may makasama ka." Suggest ni Lola. "May gagawin ka ba ngayon, iho?"
Umiling si Red bilang sagot. "Okay lang naman po. Wala din naman akong gagawin ngayon, eh."
"I'm okay. Hindi ko na kailangan ng companion, La." Agad kong tutol.
YOU ARE READING
Our Summer
Teen FictionA city girl named Kiana Maxine Dela Fuente is known for being the baddest bitch in town. She loves to play around and have fun with her friends and boys until her parents decided to bring her to a place with different lifestyle from hers.