7: Trouble

7 0 0
                                    

Kim Jared Ocampo wants to be your friend


Ito ang una kong nakita pagkabukas ko pa lang ng facebook ko. Huh, is he my stalker now? Well, it's Sunday today. It means no work kaya ngayon, nandito ako ngayon sa kwarto at nakahiga. Hindi ko na lang 'yun pinansin at binuksan ko na lang ang bagong message galing sa group chat namin nina Fritzy.


Cassie: Hoy, @Kiana Maxine Dela Fuente! Ano, patay ka na ba? Uso magparamdam!

Fritzy: True, lol. How are you, our probinsyana?

Vienna: I miss you, @Kiana! I hope you're having fun there!


It was sent few hours ago. Agad naman akong nagtipa ng sasabihin.


Kiana Maxine: I'm fine, girls. I missed you too.


Wala pang ilang segundo nang i-seen nila 'to at nagreply.


Cassie: Finally, nagparamdam ka din! Sobrang hirap bang maghanap ng signal sa lugar mo at ngayon ka lang uli nagchat sa'min?

Vienna: How are you? Ano ng ganap sa life mo?

Fritzy: There you are, Kiana!

Kiana Maxine: Well, I'm kinda tired but I'm okay.

Vienna: Bakit? Ano bang ginagawa mo d'yan?

Kiana: Well... I'm working here in Batangas. Sa isang cafe.

Fritzy: Woah, for real?

Cassie: Weh?! Isang Dela Fuente, magtatrabaho? 'Te, shabu?

Vienna: Seryoso? Sumunod ka sa Daddy mo?! Naks, bagong buhay si ate girl!

Kiana Maxine: May trabaho ako dito because I have no choice and not because I want this. Ayaw pa rin ibalik nina Daddy 'yung pera ko!

Cassie: Emeghed! Gusto ko tuloy lumipad papuntang Batangas just to see you working, hehe!

Kiana Maxine: Oo para ikaw iseserve ko sa mga customers!

Cassie: Hehe, gusto ko sana kaso I don't want to go back pa d'yan sa Pilipinas. I'm having fun here in Korea! Ang daming poging oppas!

Fritzy: OMG, UWIAN MO NAMAN AKO!

Vienna: Me too!


While I'm busy talking to my friends, I heard someone knocking on the door. I'm sure it's my grandmother.


"Apo..." Tawag niya kaya agad naman akong tumayo para buksan 'yun. "Nasa baba sina Jewel, hinihintay ka na nila."


Medyo napakunot naman ang noo ko. Anong hinihintay? Kaya dali-dali akong bumaba para makita silang naglalagayan ng mga liptint sa labi.


"Oh, nandyan ka na pala. Tara na, 'te!" Yaya ni Trina nang makita akong papalapit na sa kanila.


"Wait. Where are we going?" Naguguluhang tanong ko.


"Sa gym. Diba nga, may laro ngayon sina Jared? Hindi mo ba tanda?" Sagot ni Abby.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our SummerWhere stories live. Discover now