Chapter O3 :

1.7K 73 7
                                    

FanArt by : @Mhorielle (@heroooooo___)

▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁


*Euphemia's point of view*


PINATAWAG ko agad si Chef Cheena sa opisina ko matapos mabalitaan ang nangyari kay Blossom. Nagmamadali raw itong lumabas ng hospital kanina matapos makatanggap ng tawag. Pagkaraan ng ilang sandali ay sinugod ito papasok ng hospital dahil napagtripan daw ito. Putol ang kanang kamay nito at kung hindi naagapan ay maaaring hindi na ito umabot ng buhay dahil sa pagkaubos ng dugo. Bukod sa naputol ang kanang kamay nito ay may saksak din ito sa kaliwang bahagi ng tiyan. Mabuti nalang ay walang tinamaan na internal organs kung hindi ay magiging kritikal ang lagay nito.

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto kasabay ng pagbukas nito. Tumango ako kay Nurse Rose Ann na nasa likuran ni Chef Cheena. Nang makapasok sa loob si Chef Cheena ay sinarado naman ni Nurse Rose Ann ang pinto mula sa labas. Nang kami nalang dalawa ay tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon.

"May kinalaman ka ba kanina?"   basag ko sa katahimakan matapos umupo ni Chef Cheena sa upuan na nasa tapat ko.

Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip na maaaring may kinalaman siya. Dahil sa ginawa kanina ni Blossom sa cafeteria. Pero sa paraan ng pagputol ng kamay at pagsaksak sa tiyan ay alam kong malayo ito sa ginagawa niya. Iba ang pamamaraan niya ng pagpatay, dahil isa siya sa pinaka brutal na mag-assassinate.

She looks kind and caring but as an assassin, she's one of the deadliest. She used Cyanide first to inhale by her target.

(If cyanide is inhaled it can cause a coma with seizures, apnea, and cardiac arrest, with death following in a matter of seconds. At lower doses, loss of consciousness may be preceded by general weakness, giddiness, headaches, vertigo, confusion, and perceived difficulty in breathing)

And after that, she will slit the throat and leave a mark check on the right cheek. Sometimes, she will hang the target until the blood poured in the floor. Mostly, she used to slit the throat multiple times.

"To be honest, balak ko sanang turuan siya ng leksyon dahil sa ginawa niya sa inyo Master. Pero mukha yatang hindi ako o kami ang may gustong turuan siya ng leksyon."   sagot niya sa akin na may guhit ng panggigigil sa mukha dahil sa nangyari kanina.

Kami? Ibig sabihin hindi lang siya ang may balak na turuan ng leksyon si Blossom. Kung hindi sila, sino?

"May ideya ka ba kung sino ang makakagawa non?"   tanong ko na napapaisip. Parang isang puzzle na kulang ng isang piraso. Wala akong mabuo.

Umiling siya.   "Wala, wala ni isa sa amin ang gumalaw sa kanya. Ibang tao iyon na hindi member ng gang, Master."   sagot niya na biglang napapiyok ng banggitin ang gang.

Alam kong isa siya sa umaasang mabubuo muli ang gang kahit ilang taon na ang nagdaan nung mabuwag ito.

"Tulad ng naiisip ko, mukhang maraming nagtratrabaho rito na member ng gang ko noon."   sabi ko na buong tatag na hindi nagpakita ng lungkot.

I missed them, my gang. But I want them to live a normal life, a normal people who work and live for their family. I am their Master, a person who do not want them to live with fights and killings. I don't want to waste their precious time in the darkest part of this society. Fighting for the power and killing to have more of power to control the people who can't fight back.

"Kahit wala na ang gang, hindi pa rin mababago ang katotohanan na ikaw ang Master namin. Ang pinaka malakas at makapangyarihang Gang Leader sa buong mundo na hinahangaan ng lahat. Hanggang ngayon ay kinakatakutan pa rin kayo at patuloy na hinahangaan."   she glance at me with a lot of emotion in her eyes.

"Ayokong mabuhay kayo sa dahas at pagpatay. Isang beses lang tayong mabubuhay sa mundo at gusto kong bigyan ninyo ng kulay at kabuluhan ang existence ninyo. Ayokong mauwi sa wala ang buhay ninyo ng dahil sa akin---sa gang."   maalumanay na sabi ko para maramdaman niyang sobra ang concern na nararamdaman ko para sa kanilang future.

"Wala naman talaga halaga ang buhay namin noon, Master."    huminto siya at tumingin sa mga mata ko na puno ng tapang.

This is the first time she look me straight in my eyes. I knew, she used all her courage to gave me that kind of look.

"Pero simula ng maging Master ka namin at magkaroon ng ikalawang pamilya dahil sa gang. Nagkaroon ng halaga ang buhay namin. Lumalaban kami para makatulong sa iba at pumapatay ng mga taong hindi na dapat pa mabuhay. Para wala ng taong matatapakan at maaapi pa, na minsan na naming naranasan mula sa masasamang tao."   dagdag na sabi ni Chef Cheena.

Napapikit nalang ako dahil ramdam ko 'yung bawat salitang sinabi niya. Parang sinasabi niya na, hindi masamang maging gangster kung sa kabutihan mo ito gagamitin.

My gang is not bad, even if we killed a lot. We do kill and fight to create a new and better tomorrow. A future with love and kindness. No sorrow and cruel people. To live in a peaceful society. That's my goal and reason why I build the gang. And.. the reason why I am a Gangster is another story.


NAPANGITI ako habang pinagmamasdan si Aldrich na nakasandal sa tabi ng sasakyan nito habang nakapamulsa. He changed his suit, from his C.E.O. attire to gangster like. Black jacket, black pants and shoes, and blue shirt.

Nakapantalon lang ako na medyo kupas at may ilang punit bilang design. Naka-jacket din ako ng kulay black maging ang damit ko ang kulay black. Naka-black boots din ako na walang takong.

"My wife, the gangster I love."  nakangiting sabi niya ng maglakad palapit sa akin.

"Hindi ko naman sinabi sa'yo kung anong suot ko. Bakit parang nag-usap tayo?"   tanong ko habang pinapasadahan siya nang tingin.

My man is really handsome. I couldn't believe that I am into him, and I am the only girl who owned him. The first to the last, I wouldn't share Aldrich to anyone. Who ever dare to seduce him, I am gonna make her life, hell.

"Kaya nga bagay tayo."   he wink at me. Inilagay niya ang kanang kamay sa likod ko papunta sa kanang balakang ko.

Inalalayan at pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

"Saan tayo?"  tanong niya matapos buhayin    ang makina ng kanyang sasakyan.

"Nasa sasakyan mo, natural."   mataray na sagot ko.

Hindi makapaniwalang nilingon niya ako.  "Ano?"   gulat na tanong niya.

"Ang guwapo mo."   I teased him.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. He even blushed.

"Mukhang nagugutom na ang my wife ko,"   sabi niya nang paandarin na ang sasakyan.   "Pero guwapo naman talaga ako, buti alam mo. Bihira mo lang sabihin na guwapo ako."  mahinang sabi niya.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng Jollibee. Napangiti nalang ako ng palihim. 'Yung dinner date namin ay dito, sa Jollibee.

Pagpasok namin sa loob ay maraming mata agad ang napatingin sa amin. Siguro dahil sa suot naming dalawa.

"Umupo ka na muna roon, o-order lang ako."   sabi niya na itinuro ang isang sulok na may mesang bakante na pang dalawang tao lang.

"Okay."   sagot ko na naglakad na sa pupuwestuhan namin.

Pagkaupo ko ay ramdam ko pa rin na may mga nakatingin pa rin sa akin. Kinuha ko ang isang panali ko sa buhok na nasa dala kong sling bag. Tinali ko ang buhok ko ng pa-bun para hindi maging sagabal sa pagkain ko mamaya.

Bigla kong naalala 'yung first date namin ni Aldrich noon.

"Ikaw naman, para kang spaghetti ng Jollibee. Wala kang katulad. Kaya lagi kitang hinahanap-hanap."

I smiled stupidly when I remember his pick up lines.

"Ito na ang favorite mo."   masayang sabi ni Aldrich nang lumapit sa mesa at isa-isang inilapag ang mga in-order niya. Parang naging instant waiter tuloy siya.

Natakam ako nang makita ang jolly fried chicken. Tingin palang ay alam ko ng crispy iyon. Natatawa naman ako nang makita kung gaano karaming gravy ang nasa harapan ko. Alam kong hindi unli ang  gravy dito sa Jollibee.

"Hindi unli gravy dito, how did you get this?"   tanong ko matapos ituro ang gravy.

"Alam mo na,"   he wink while doing a pogi sign gesture.   "Guwapo, eh,"   proud pang sabi niya.

Kumuha ako ng isang pirasong fries, kinuha ko 'yung pinaka-toast ang pagkakaprito.  "Gusto mo?"   sabi ko ng umupo siya.

"Sweet naman."   nakangiting sabi niya na ibubuka na ang bibig para tanggapin ang fries na inilalapit ko sa kanya.

"Gusto mo,"   huminto ako at binigyan siya ng malamig na tingin.   "Itusok ko itong fries sa mata mo? Alam ko guwapo ka pero bakit ginagamit mo pa sa iba?"   I give him a deadly glare.

He stunned. A seconds later, he was avoiding my glare.

"Uh, ito namang my wife ko, mukhang nagseselos."    sabi niya na pilit itinatago 'yung ngiti niyang kulang nalang ay umabot hanggang mata niya.

"Husby."   I called him in my cold tone.

Mabilis niya akong nilingon. I dip my fries sa sundae ko at pagkatapos ay kinain ko na ito. Binigyan ko uli siya ng nakakamatay na tingin.

"I. Do. Not. Share."   mariing sabi ko.    "So, Do. Not. Ever. Use. Your handsome face to get this gravy again."   dagdag ko pa.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon