Chapter O6 :

1.3K 51 16
                                    

*Euphemia's point of view*

NAPAPIKIT ako ng dumampi sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Pagmulat ko ng dalawa kong mata ay magiliw kong pinagmasdan ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan. Habang ang buwan ay bahagyan nagtatago sa ulap.

Napabitaw ako sa railing ng veranda at itinaas ang aking kanang kamay na para bang inaabot ko ang mga bituin.

"Ang ganda." manghang sabi ko sa milky way na pilit kong inaabot.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantulog ko. Pagtingin ko ay si Ram ang nakarehistrong pangalan na tumatawag.

"Kumusta?" bungad ko imbes na hello.

[Okay na po ang lahat, Master. Nakahanda na po ang lahat.] masiglang balita niya kaya napangiti ako.

"Good job!" puri ko sa ginawa niya. "Alam na ba nila?" tanong ko bigla na may kaunting kaba.

[Opo, at excited na po silang makita kayo.] sagot niya.

Kahit na hindi ko siya nakikita ay nai-imagine ko ang ngiti niyang pilit na pinipigilan.

Ilang taon na rin ang nagdaan makikita ko na uli sila---ang ikalawang pamilya ko, ang Stadtfeld Empire of Gangsters.

"Good." tanging nasabi ko.

Kahapon ay nakatanggap ako ng tawag kay Ram. Sinabi niya na tapat pa rin lahat ng kasapi ng gang ko. At patuloy pa ring umaasa na mabubuo itong muli.

Pinag-isipan ko ng ilang beses kung ano ang dapat kong gawin. Nung nasa cafeteria ako ng hospital kanina ay ako ang itinuturong may pakana sa nangyari kay Lina (Blossom). Dahil sa sinabi ko na wala siyang karapatan na maging doktor. Pilit na pinagsisigawan ng dalawa niyang kaibigan na ako ang may gawa non.

Sa ilang oras na pagdedesisyon ay naisip kong magpa-emergency meeting sa lahat ng members. Kailangan ko sila, kailangan ko 'yung mga tapat kong myembro. Para malaman kung sino at anong grupo ang may gawa non. Lalo pa't matapos akong itinuro ng dalawang kaibigan ni Lina (Blossom) ay biglang may nangyari sa kanilang dalawa.

"Sh*t!" napamura ako ng bigla akong nakaramdam ng galit.

[Master?]

Nakalimutan kong may kausap pa pala ako sa kabilang linya.

Kinalma ko ang sarili at pinakiramdaman ang malamig na hangin. Unti-unting nawala ang galit ko.

"Thank you Ram." sabi ko sa mga ginawa niya.

[You are always welcome, Master.] masayang sabi niya.

Napangiti ako at pinindot ang end call para tapusin ang tawag.

Napatingin muli ako sa kalangitan. Napabuntong hininga ako.

"Patawad kung wala akong nagawa para iligtas kayo." malungkot na sabi ko.

Hindi ko inasahan na sa ginawa nila---Bubbles at Buttercup sa cafeteria. Ilang minuto lang ang lumipas ay matatagpuan silang wala ng buhay sa kanilang opisina at naliligo sa sariling dugo na wakwak ang leeg.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong pumatay ng dalawang doktor sa sarili kong hospital!

Ngayon ay under of security ang Misaki's Hospital sa pamumuno ni Hiroki. At siya na rin ang nagti-trace sa mga CCTV kung nakuhanan ba nito ang taong gumawa non.

Nakaramdam ako ng mainit na presensya na yumayakap mula sa aking likuran dahilan para mapasinghap ako sa pagkagulat.

"My Life, kanina pa kita kinakapa sa kama pero wala ka. Nandito ka lang pala." inaantok na sabi niya na may halong pagtatampo. Isiniksik pa nito ang mukha sa leeg ko.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon